REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

Por spirit_blossom

124K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... Más

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 36

1.6K 114 13
Por spirit_blossom

Madilim ang mga mata ni Gino nang makalapit siya sa amin.

"Uh, kilala mo?" Tanong ni Brennon. Para akong pagpapawisan!

"H-hm." Tango ko. Bumalik uli ang mga mata ni Gino sa akin. Umiwas agad ako ng tingin. He's pissed.

"Iba talaga! Famous talaga rito, oh. That's the politician's child for you!" biro naman ni Brennon tsaka siko sa braso ko.

Napakahilaw ng tawa ko. Nahuli naman ni Gino ang malokong paniniko sa akin. His brows furrowed and a brutal intention visited his eyes for a split second. Napaismid ng delikado ang damuho.

Tumango siya. "Trainee ka ba?"

"Uh, yeah." casual na sagot ni Brennon.

"Suerto mo."

Napakunot ang noo ni Brennon. Natanga ako ng ilang segundo bago ko nakuha ang pinunto ni Gino. Naawang agad ang bibig ko.

This merciless savage! Naalala ko ang banta niya nu'n na kung kinakailangan niyang kumbinsihin si Papa, gagawin niya. If Brennon was an employee then he will really be counting his days left before getting terminated. Hindi ko alam kung paano niya gagawin iyon pero alam kong makakaya niya kung may impluwensya ni Papa. Such a brutal thought!

"Sino ba to?" pabulong na tanong ni Brennon.

The politician's child, Brennon. The real one. Hindi ko alam kung bakit hindi niya namumukhaan sa mayor. Mas minabuti ko nang ipakilala sila sa isa't isa.

"Uhm, Brennon. Si Gino nga pala. Trainee siya ng secretary ni Papa. Gino, si Brennon naman. Co-trainee ko nga sa accounting department."

Napaharap agad sa akin ang damuho nang marinig iyon. Naninimbing ang titig ng mga mala-uling na mata na para bang nagsasabing naisahan ko siya.

I sighed. "Nandoon ba si Tito Laurencio? Iaabot sana namin itong reports niya sa budget expenditures, eh. Pati na rin tong disbursements."

"May kausap na ang vice nu'ng makalabas ako. Ibibigay ko na lang 'yan mamaya," masungit niyang sabi.

Tumango na lang ako at iniabot na nga ang dalawang bound reports sa kaniya. Siya namang kinipkip ang mga iyon sa kaliwa niya. Magpapaalam na sana kami ni Brennon na babalik na kaso may hinabol siya.

"Tawag ka ng papa mo." sabi ng damuho sa kinatatayuan.

Nagtaka ako.

"Sige na, Brennon. Una ka na. Salamat," ngiti ko sa kasama.

"Ok. Rhiannon, 'yung sabi ko, ha? Sana mapagbigyan mo ko," sagot naman ni Brennon bago naglakad pabalik sa department namin.

Nakarinig ako ng mahinang mura. Nang lingunin ko si Gino, nakabaling pa rin siya sa nakalayo nang si Brennon. Hindi niya nilulubayan ng matalim na tingin hanggang sa pagliko nito sa staircase.

Gino shifted his eyes on me. His stares became a less mad. Lumakad na nga kami papunta sa opisina nang tanguan niya ako. Hindi kami nag-uusap sa daan at tanging yapak lang ng itim na leather shoes niya at heels ko ang maririnig.

Napansin ko agad ang bakanteng puwesto ng secretary's desk pagkapasok. Napakurap ako. Taliwas sa inaasahang makikita sina Vanessa at Yllana.

Tumingala ako sa kaniya. "Nasaan sila?"

Hindi siya sumagot. Hm, nagtatampo?

Dumiretso si Gino sa pintuan ng pinaka-opisina ni Papa. Huminto siya sa hamba ng pintuan tsaka sumulyap sa akin bago magpatuloy sa loob. Naroon nga ang tampo sa titig niya. Hindi niya ako sinabihang sumunod marahil inaasahan niya naman akong susunod din kasi nga naghihintay si Papa.

Bakit naman ako ipapatawag? Napaisip ako. Naalala ko bigla iyong mga pinagbibiro sa amin nu'ng matandang inhinyero kanina. Baka nakarating kay Papa?

Pagagalitan ba ako ng malala kaya pinaalis muna sina Vanessa at Yllana? Oh, no! Hindi ko alam kung iyon nga at kung sakaling iyon talaga sasabihin ko na lang na biro lang sa amin iyon ni Engineer Dela Costa.

Bumungad sa mga mata ko ang ayos ng opisina ni Papa. The vintage mayor's office that was so familiar to me eversince. Naroon sa pinakagitna ang mahaba niyang lamesa. Nakapuwesto sa harap ang tig-dalawang upuan sa kaliwa at kanan para sa mga mahahalagang bisita. Nasa pinakalikod ang iisang bintana habang nasa magkabilang gilid nu'n ang dalawang bandila. Isa para sa bansa ng Pilipinas. Isa naman para sa bayan ng San Bartolome.

I hated this place. I hated this sight. Ang makita itong opisina ang nagpapapaalala sa akin noon na ito rin ang opisinang kababagsakan ko paglaki. Huling punta ko rito nu'ng huminga ako ng pasensiya kay Papa. That was the first time this brat came and asked absolution of everything.

Napangiti ako.

Tumuon ang mga mata ko sa mesa nang mapansing parang wala naman si Papa. Nakita kong nakaupo roon ang isang tao pero natalikod. Hindi katagalan nang mabagal itong umikot para humarap sa direksyon ko.

Nakatalikod siya sa sikat ng araw kaya madilim ang kinauupuan. Nakadekuwatro ang isang paa habang nakatukod ang kaliwang kamay sa upuan. Nakahilig ang ulo sa kamao. His charcoal-black eyes were observing me like a ruthless eagle. The same gentle eyes like that of his father. But unlike the latter, his had a touch of danger and lack of fear; gave by the harsh place he grew up with.

"Ba't 'di mo sinabi saking may co-trainee ka du'n?"

"Brennon is nothing worth mentioning. Gino, ano lang kami nu'n –"

"Magkaibigan rin?" He interrupted. Even though serious, there's jealousy dripping in that baritone.

Hindi ako umimik. Hindi ko rin naman kasi masabing magkaibigan nga kami ni Brennon. That was the first time we had an actual talk.

"Ilang linggo na kayong magkaibigan? Isa? Dalawa? O baka nu'ng may pinuntahan ka ring event, hm?" Umayos siya sa pagkakaupo at iniabot ang isang bound reports na nasa mesa ni Papa. Then he continued.

"Gaano ba ka-importante ang mga dala mo at kailangan ka pa niyang samahan? Expenditures lang ito at disbursements." Gino flipped those pages.

"Marami 'yan kanina, Gino! Brennon helped me distributing those reports. Hinuli na talaga namin mga bitbit ko," sagot ko.

Bumaling uli ang mga mala-uling niyang mata sa akin. Huminto sa pagbubuklat ng mga pahina at maski madilim, maski nasa malayo alam kong naka-igting ang kaniyang panga.

"Iba tingin niya sayo kanina. Gusto ka nu'n. Ramdam mo?"

"Oo."

Gino smirked. Tinapon niya ang reports sa mesa at sumandal na uli sa executive chair ni Papa. Umikot na uli ang upuan sa direksyon ng bintana. Hindi na ako hinarap pa.

Bumuntung-hininga ako. Galit siya kasi hindi ko sinabi sa kaniya ang sa kay Brennon at mas nagalit pa kasi alam ko namang ganu'n ang intensyon sa akin nu'ng tao pero hinayaan ko. But I was just being honest. Batid ko naman talagang may gusto sa akin si Brennon nang ipaalam nga sa akin nina ma'am. Kaya nga iniiwasan ko para hindi magkaroon ng issue. Hindi ko naman gustong kasama siya kanina at kung puwede lang talagang hindi-an siya ng hindi nagiging masama, hihindi-an ko.

I am to blame, still. Hindi ko nga sinabi sa kaniya maski ganu'n na ang naging pagtatalo namin nito lang. Ganu'n ang ikinagalit ko sa kaniya, tapos ganu'n din naman pala gagawin ko. Pumunta ako sa kinauupuan ni Gino.

"Gino," tawag ko.

Nakatuon lang siya sa bintana. Nakabagsak ang mga magagandang kilay at nakaigting ang panga. Isang saglitang tingin lang ang ginawad niya sa akin bago uli bumalik sa tanawin.

Hala, ang boyfriend ko nagmamaktol.

"Gino, sorry na." lambing ko.

Lumapit ako lalo. Pumirmi ako sa gilid niya tsaka malambing na idinulas ang mga daliri sa kaniyang buhok. Nakabusangot pa rin si Gino. He even groaned.

Napahagikhik tuloy ako. "Sorry na kasi, mahal. Of, fine. Fault ko. Sorry."

"Tch."

"Ikaw naman! Seloso mo! Ba't sa tingin mo ba hahayaan kong pormahan ako nu'n?"

Bumaling ulit siya. Hindi ko na nakikita ang galit sa mga mata niya pero naroon pa rin ang kaunting tampo. Hindi na rin gaanong nakasimangot.

"Hindi pa ba? E alam mo na ngang type ka ta's hinayaan mong ganiyan; samahan ka. Para saan? Sa dadalawang reports na 'yan ng vice!"

Natawa uli ako. Gosh, Maginoo!

"Gino, kulit mo! Sinabi na ngang marami kaming dala kanina. Hinuli ko na nga lang ang akin para maubos na agad mga dala niya."

"Tsaka, hello! Sinabihan ko siya kaninang may boyfriend ako," habol ko.

"E ano naman 'yung sinabi niya kanina bago umalis? Sana raw mapagbigyan mo siya. Tangina nu'ng ulupong na 'yun! Pumintig talaga mga tainga ko. Pinigilan ko lang sarili ko. Gusto bang maka-score?"

Naawang ang bibig ko. Nahampas ko ang braso niya. "Iba ka naman mag-isip! Inaaya niya lang kami sa despedida niya kasi magtatapos na siya as trainee!"

Ngumuso si Gino. Nakatulis na ang bibig pero ang maton pa rin tingnan. Naroon ang pagiging panatag sa mga mala-uling niyang mata. Naisip siguro na mawawala na rin pala ang problema niya katagalan.

"Hm, kung sabihan ko kaya si mayor na may ginagawang kalokohan 'yun, 'no? Para ulitin niya mga oras niya."

"Hala, ang sama mo!" Protesta ko. Hindi naman sa pinagtatanggol ko si Brennon kaso ang brutal lang kung uulitin niya uli ang mga oras na ginugol niya bilang trainee!

Tumawa siya ng maaligasgas. Nakahalukipkip ko siyang tinitingnan habang masikap niyang inabot ang braso ko. Malambing akong hinila ni Gino. Nagpatianod naman ako. Minuestra niya akong umupo rin sa executive chair, sa pagitan niya.

Nakatiklop ang mga kamay ko habang siya naman nakaakap sa akin. Gino began smelling my neck. Nakikiliti ako sa pagdampi ng bigote niya. The vigor of his man perfume was so addicting to my sense of smell. Mysterious. Tempting. Hindi ko alam kung iyon ba ang nagkukumbinsi sa aking manatili rito sa upuan kasama niya.

"Grabe ka magselos. Sama mo," mahina kong maktol habang nakatingin sa tanawin.

Gino smirked. Napakalapit ng bibig niya sa leeg ko naramdaman ko ang pag-ismid niya. He planted a soft kiss on my neck before answering me.

"Mahal kita, eh." bulong ni Gino sa kaliwang tainga ko.

Nakakapanglambot. "Mahal din kita."

Gino continued hugging me. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya at hindi ko alam kung dahil lang ba sa sikat nitong araw. But it was a very fine afternoon. Hindi na gaanong mataas ang sikat kaya duda akong dahil iyon doon. Hindi rin ako masyadong naglilikot sa pagitan niya kasi kanina naramdaman ko ang pagsagi ng natatagong miembro ni Gino. Hindi ko alam kung sinadya niya. Basta, ang alam ko kanina, mistulang hinalikan ng apoy ang loob-loob ko nu'ng sumagi iyon.

Huminga ako ng malalim. Stop thinking about it, Rhiannon!

Scared that I might lose control, I chose to create a topic. "Nasaan pala si Papa? Sabi mo kanina tawag niya ko."

"Nandoon sa opisina ng vice. Nag-uusap sa magiging public speech nila." Hindi ko alam kung nagiging mapang-akit ba ang boses niya o talagang ganu'n lang kaaligasgas.

"Kaya nandu'n ka din kanina?"

"Hm-mm."

"E 'yung dalawa?"

"Si Vanessa naka-leave. Si Yllana naman absent kasi may program sa school nila," sagot uli ni Gino.

"Scammer ka rin 'no? Natakot pa naman ako kanina kasi baka pagagalitan na naman ako ni Papa!"

Tumawa na naman si Gino. Humigpit lalo ang yakap niya. Pinuwesto niya ang ulo sa kaliwang balikat at magkasama naming pinagmasdan ang tanawin sa labas. The open garden of this city hall. Mga berdeng puno na matatayog na nasa gilid at mga mapuputing sampaguita naman na nasa daanan. Naroon sa pinakagitna ang isang lumang fountain na sabing isa sa mga pinakamatagal nang itinayo roon.

"Mahal."

"Hm," sagot ko.

"Napansin ko lang parang nakakapagod siguro ang maging mayor. Nakikita ko kasi ang daming ginagawa. Maraming mga dokumentong binabasa tsaka pinipirmahan. Minsan pupunta pa sa mga meeting. Sa munisipyo, sa mga baranggay."

I smiled at his interest in this field. Fuego ka nga talaga, Maginoo.

"That's the reason he wanted you exposed into this, Gino. Para kung dumating man ang panahon mo hindi ka mahihirapan."

Huminga siya ng malalim. Naramdaman ko ang pag-angat ng matipunong dibdib niya nang dumampi ito sa likod ko. Muli para na naman akong sinilaban sa kalooban.

"Pag naging mayor man ako dapat nasa tabi ko ang girlfriend ko, ha. Para mawala ang stress," sabi niya.

"Lagi? Gino, you're nuts. I need to work din 'no!"

"My princess doesn't need to work herself. I can do that," sagot niya.

Napakagat ako ng labi. Nanghihina ang mga tuhod ko sa lalaking ito.

"Then let me do the chores," I offered. Bumaling si Gino. Tumulis ang nguso at parang nagduda sa s-in-uggest ko.

"Gawaing-bahay? Mahal, wag na lang siguro. Huling beses na pinagluto mo ko iba, eh. Nalalasahan ko pa nga hanggang ngayon," biro niya tsaka malokong ngumisi.

"Nakakainis ka!" I frowned. Gino's rough laughter then filled his father's office on that afternoon.

Gaya nga ng sinabi sa amin ni Papa isinama niya nga kami sa public speech niya; isang Lunes ng umaga; sa isang baranggay.

It was an open field. Securities were all over the place as well as these journalists waiting to have the mayor interviewed. Napaunlakan na sila ni Papa kanina pero hindi natapos kasi nagdatingan na ang mga tao, mga taga-suporta.

Nakaupo kami ni Gino sa bandang kaliwa kung saan may mga nakabantay na securities. Nakahilera kami sa mga journalists. Some even took a shot to see if it was good for an article. Nandito rin ang mga pamilyang matatalik na kaibigan ni Papa at maging ng vice mayor. Puro mga negosyante. Hindi kataka-taka kung bakit nandito sila sa puwesto namin kasi mas mataas ang seguridad dito.

The public was in his front, of course. Hindi malayo para mangdiskrimina ngunit hindi rin malapit para makaabala. People were civil. Hindi nagkakagulo dahil sa mga pulis na nakabantay sa paligid. Higit pa, hindi naman din ito meet and greet para pagdumugan ng madla si Papa. He was here to discuss to his townspeople the laws pertaining to our city – the regulations and of course, the sanctions.

Nasa ama na nasa harapan ng podium ang mga mata ko nang mapukaw ng isang tao sa publiko ang katamanan ko. Gumawi ang mga mata ko roon at kumunot ang noo nang makakita ng pamilyar na estranghero.

Nandoon siya. Nakahalo sa masa. Nakasuot na naman ng itim na head cap pero ngayon ang kaibihan, mas malapit na sa akin. Nakita ko na ng maigi ang itsura niya kumpara nu'ng una. The man seemed to be in his late thirties or maybe in his early forties. He looked sterned, disciplined like that of a soldier but somewhat dangerous like that of an assassin, judging the large scar that was lined on his right cheek. Napakahaba ng peklat sa pisngi na para bang nasugatan ng kutsilyo o kung anong patalim.

Hindi niya na ako ningingisian tulad nu'ng dati. Nakatingin lamang siya sa akin. Namumukod tangi sa mga napakalibot sa kaniya na lahat nasa ama ko ang tuon.

"Po?" yuko ng security ng tingalain ko.

I then told the security my worries. Bumaling ang lalaking security sa madla bago magsabi sa hawak nitong two-way radio. Hindi rin katagalan at may napansin na nga akong pulis na pasimpleng nakihalo sa publiko.

"Rhiannon, bakit?" tanong ni Gino.

"N-nothing. Just stay here. Saglit lang ako." Wari ko kay Gino at kalaunan binulungan ako ng security na nadakip na nga nila ang estranghero. Tumayo ako sa kinauupuan.

Susunod sana si Gino pero pinagbawalan ko. Dumikit sa akin ang isang security at sinamahan niya ako sa mas sekludong lugar, sa mas maraming securities na naghihintay rin kung sakaling magkaroon ng hindi inaasahang kaguluhan.

Hindi pa man ako nakakalapit pero narinig ko na ang isang nagrereklamong boses ng lalaki. Nakaharap ang likod nito sa amin. Nakaluhod. Nakaposas ang mga kamay sa likuran.

"Siya ho ba?"

Nagrereklamo pa rin ang estranghero. Nagtatanong sa kanila kung ba't raw siya biglang ipinadampot. Napalunok muna ako bago minabuting harapin na. Ngunit nang makita ko nga na makinis ang pisngi niya tila bumagsak ang puso ko, tila ginapang lalo ng matinding takot.

"H-hindi." sagot ko sa mga seguridad.

"Nakaalis na siguro nu'ng napansin kayo," bulong ng isang security sa kaniyang kasama.

Damn it! Sino ba iyon?

Seguir leyendo

También te gustarán

27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
3.7K 182 55
Meet Axl Givonecharee, a son of a well-known billionaire. Some says he's torturing himself. Some says he's killing himself. Some says it's better to...
1M 29.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...