TCGM: The CEO's Glamorous Mai...

De Summer_Alli

748K 18.7K 1K

#Maid Series I #Romantic Comedy #Former Known as His Maporma Maid Si Jessica ay isang masayahin, makulit at b... Mai multe

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
ANNOUNCEMENT!
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34: Last Chapter
EPILOGUE
ACKNOWLEDGEMENT!
PROMOTE!
PROMOTE!
Author's Note
ANNOUNCEMENT!

Chapter 07

18.5K 532 14
De Summer_Alli

PAGKATAPOS namin kumain ng tanghalian ay nagsimula nang magpaalam sa amin si tita Trini. Nagulat pa ako no'ng yumakap ito sa akin at bumulong.

"I like you for my son, iha"

"Po?" Tanong ko pa kay tita pero nginitian lang ako nito at tinapik sa balikat.

"Alam mo iha, hindi bagay 'yang suot mo ngayon sayo" sabi ni tita kaya napatingin ako sa suot ko ngayong damit pangkatulong. Natawa naman ako ng mahina.

"Sa tingin ko nga po, tita" Sang-ayon ko naman. Natawa rin ng mahina si tita. Napatingin ito sa anak nitong si sir Tristan na ngayon ay nasa likuran ko.

"What?" May inis sa tinig na tanong naman ni sir sa mommy nito. Ang sama talaga ng ugali!

"Bakit hindi kayo mag-shopping, son? Bilhan mo siya ng mga damit na babagay sa kanya" suhestiyon ni tita kay sir Tristan. Nakaramdam naman ako ng tuwa sa sinabi nito. Gusto ko 'yun!

"What are you talking about, mom? She just our maid and I can't do that stuffs for her. Tsk!" Inis na sagot naman ni sir. Lihim akong napairap sa sinabi nito, alam ko naman na hindi ito pumapayag sa gusto ng mommy nito. Halata ko naman 'yun sa tono palang ng boses nito. Sungit!

"Don't degrade her son because of her status. I don't teach you that way." may disgusto sa boses na sabi ni tita Trini. Napakunot-noo ako. Ano bang pinag-uusapan ng mga ito? Napabuntong-hininga naman si sir Tristan.

"I'm sorry mom, but I'm too busy to do shopping" Malumanay na ang boses na sagot ni sir sa mommy nito.

"But that's my order, son. I have to go" sabi pa ni tita bago ito naglakad papunta sa kotse nito. Tinanaw nalang namin ni sir ang pag-alis ni tita. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga ni sir Tristan.

Nang mawala na sa paningin namin si tita ay bumaling naman ng tingin sa akin si sir Tristan. Napansin ko na masama ang tingin nito sa akin.

"B-bakit, sir? Mamimili na po ba tayo ng damit ko?" Nakangiting tanong ko pa dito. Napakunot-noo naman ito.

"Tsk!" Asik lang nito sa akin bago ako nito nilampasan para pumasok na sa loob ng bahay.

Sinundan ko naman ito ng masamang tingin. Inihaya ko pa ang kamay ko sa likod nito na para bang gusto itong suntukin. Gustong-gusto ko talaga itong suntukin dahil sa kasungitan nito.

Hindi ko inasahan na muli itong lilingon kaya naman nabigla ako no'ng bigla itong tumingin sa akin. Nagulat ako lalo na't nakahaya pa ang mga kamao ko sa likuran nito. Pilit akong ngumiti dito at ikinaway ang mga kamay.

"Gusto mo ba akong suntukin?" Seryosong tanong sa akin ni sir. Sunod-sunod naman ang ginawa kong pag-iling habang nakangiti.

"H-hindi sir ah, ang to-totoo n'yan g-gusto talaga kita yakapin, sir" wala sa sarili na sagot ko sa tanong ni sir.

Napansin ko na natigilan bigla si sir Tristan at doon ko lang napagtanto ang binitiwan kong salita. Napamulaga ako bago natatarantang umalis sa harapan ni sir. Ang timang ko!

"Biro lang 'yun sir!" Pahabol ko pa sa sinabi ko bago tuluyang iniwan si sir Tristan na masama na naman ang tingin sa akin.

Sa bahay ako ni Calex napunta matapos kong takasan ang masungit kong amo. Si Calex ay ang kapit-bahay namin ni sir na naging kaibigan ko na rin. Mabait naman ito kaya nga nakapalagayan ko ito ng loob. Tinuturuan din ako nito minsan ng mga bagay-bagay kaya naman kahit papaano ay may dumadagdag sa aking utak.

Hindi ko maiwasan na hindi mapakunot-noo habang pinagmamasdan si Calex na masayang tumatawa habang nanonood sa tv na ipinakilala nito sa akin no'ng nakaraan. Hindi ko kasi maintindihan kung anong nakakatuwa sa pinapanood nito lalo na't mga alien ang salita ng mga ito.

"Bakit ba 'yan ang pinapanood mo Calex? Alam mo naman na hindi ko naiintindihan 'yan e" Reklamo ko kaya naman napatingin ito sa akin. Sobrang gwapo ni Calex kaya naman ang sarap pagmasdan ng mukha nito. Umakbay pa ito sa akin dahilan para mapangiti ako. Nakaupo kami ngayon sa sofa habang nanonood ng TV.

"Why? Para masanay at matuto ka sa English, Jess" Sagot nito na ikinangiwi ko. Matuto? Wala nga ako naiintindihan e at sumasakit lang ang ulo ko.

"Hindi naman-----" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang may kumatok sa pintuan. Sabay pa kaming napatingin ni Calex doon.

"Tuloy/Bukas 'yan!" Sabay pa na sigaw namin ni Calex kaya nagkatawanan kami pareho.

Nasa isip namin ni Calex na baka delivery na 'yun ng pagkain na inorder namin kaya naman pinapatuloy na namin. Ito rin ang isang dahilan kung bakit gustong-gusto ko ditong magtambay sa bahay ni Calex sa tuwing matatapos ang trabaho ko. Ang sarap kasi dito kumain at ang saya rin kasama ni Calex, hindi katulad ng masungit kong amo.

Pakiramdam ko ay nagdilang masama ako dahil ang nagbukas ng pintuan ay si sir Tristan. Ano naman ginagawa nito dito? Napansin ko na napatingin ito sa braso ni Calex na nakaakbay pa rin pala sa akin. Napakunot-noo pa ito pero binalewala ko lang 'yun. Nginitian ko pa ito ng ubod ng tamis.

"Anong ginagawa mo dito, sir?"

"Ikaw ang dapat kong tanungin n'yan, babae. Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong nito sa akin. Bumaling ang tingin ko sa kung saan-saan. Ngumiti ako pagkatapos.

"Nakaupo sa sofa, sir. Nakatingin sayo at nakikipag-usap" sagot ko naman dito dahilan para mapabuga ito ng hangin.

"Such a headache. Let's go home, may trabaho ka pa" sabi pa nito pero hindi ako kumilos.

"Tapos na sir ang gawain ko" sagot ko naman dito dahilan para samaan ako nito ng tingin. Bakit ba?

"Meron ka pang gagawin. Let's go" May diin sa boses na sabi nito. Napakunot-noo naman ako. Napaisip naman ako bigla ng malalim. Sinimulan kong isipin ang mga gawain na posible kong nakaligtaan.

"Wala na talaga sir e, tapos ko na po lahat" Nakangiting sagot ko kay sir matapos kong maisip na wala na talaga akong iba pang gagawin. Sinisigurado ko naman kasi na tapos ko na ang lahat ng gawain ko bago tumambay dito sa bahay ni Calex.

"Bakit ba ang dami mong satsat,  babae? I'm your boss and I know what you have to do. Meron pa akong ipapagawa sayo" Nawawalan na ng pasensiya na sabi sa akin ni sir Tristan.

"Ano po bang ipapagawa niyo sa akin, sir?" Tanong ko naman dito.

Napansin ko na napabuntong-hininga si sir. Naramdaman ko naman ang paglapit ng labi ni Calex sa may tainga ko dahilan para makiliti ako. May kiliti kasi ako sa tainga.

"Mukang galit na galit na siya, Jess. Umuwi kana muna, kita nalang ulit tayo-----" Hindi na naituloy ni Calex ang pagbulong sa akin dahil napabunghalit na ako ng tawa. Hindi ko na napigilan pa ang kiliti sa tainga ko. Narinig ko bigla ang ginawang pag-asik ni sir Tristan.

"Tsk! Flirt maid" Narinig ko pang wika nito bago ko naramdaman ang kamay nito sa braso ko. Napatigil ako sa pagtawa dahil nagulat ako no'ng higitin ako ni sir palabas ng bahay ni Calex.

"See you later, Jess" Narinig ko namang pahabol ni Calex bago ako tuluyang nakalabas sa bahay nito.

"Uy! Bakit ka ba nanghihigit nalang diyan bigla, sir? Ano po bang problema nin------"

"Stop flirting, woman" Putol nito sa sinasabi ko.

"Po?"

"Tsk! Let's do shopping instead" sagot nito. Napatingin ako bigla sa kamay nito na ngayon ay sa kamay ko na pala nakahawak. Magkasalikop na ngayon ang mga palad namin. Napalunok-laway nalang ako habang nagpapatangay dito.

🌻Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ Keep safe everyone!

Continuă lectura

O să-ți placă și

678K 24.1K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
Ang Mutya Ng Section E De Lara

Ficțiune generală

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
81.8K 1.3K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
120K 2.9K 52
What will you do if you end up in someone else body?