Astrid Monteverde (Bitch Seri...

Par mis_shyghurl

1.1M 35.3K 5.5K

GirlxGirl - COMPLETED Quietly transferring to a new school like a little Ms. Nobody is my only dream-to be a... Plus

NOTICE
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
EPILOGUE
NEXT IN LINE | SOON
SPECIAL CHAPTER I
SPECIAL CHAPTER II
SPECIAL CHAPTER III

CHAPTER 16

19.8K 680 54
Par mis_shyghurl

LORRAINE

Maaga palang pumasok na ako. Gusto ko kasing makapag review ngayon sa garden kung saan kami minsan tumatambay nila Jamie Nicole at Annicka. Napalinga-linga naman ako sa paligid at nakitang kaunti palang ang mga estudyante na maaga ring pumasok tulad ko.

Napahikab naman akong naglalakad habang may bitbit na coffee sa kamay. Bumili kasi ako kanina at feel ko lang uminom nito. Ang sarap rin kasi tsaka isa pa para naman may pampa-gising ako sa natutulog kong diwa.

Eh paano ba naman kasi. Bukod sa hindi ako medyo nakatulog dala sa pagrereview ay may gumugulo rin sa isip ko. At yon ay walang iba kundi si mangkukulam.

Oo mangkukulam dahil parang kinulam niya naman talaga ako kung bakit ko nafefeel tong weird kong pakiramdan sa kanya hmpf!

Wow, hah, at ikaw pa talaga ang nagsabi na kinulam ka ni Miss Astrid samantalang sa inyong dalawa ay ikaw naman tong mas mukhang mangkukulam. Saad ng isang bahagi ng isip ko. Umirap naman ako sa kawalan at hindi nalang pinatulan pa.

Parang baliw kasi feeling close!

Nang makarating ako sa garden ay inilagay ko naman sa upoan ang kape ko at hinalungkat ang bag ko. Nagsimula naman akong magbasa at hindi alintana ang mga estudyanteng paroon at parito habang yung iba naman ay nagtatawanan. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may naramdaman akong parang may nakamasid sa akin.

Tumigil naman ako sa sandali at inilibot ang tingin sa paligid. Nakita ko naman ang mga estudyante na nagtatawanan at nagkukulitan habang yung iba naman ay naglalaro lang sa kani-kanilang cellphone. Napakamot nalang ako sa batok ko at isinawalang bahala ko nalang.

Baka hallucination ko lang yun.

Matapos ang mahigit kalahating oras ko sa pagrereview ay napatingin naman ako sa relo kung may kalumaan na. Nakita ko naman ang oras na 7:20 na kaya nag decide ako na tumigil na sa pagbabasa total may nabasa naman na ako. May quiz kasi kami ngayon sa science at 30 items pa.

Hmpf kaasar nga ang teacher na yun eh.

Nagsimula naman akong maglakad takbo papuntang classroom namin ng makita kung 7:35 na. 7:45, kasi magsisimula ang first subject namin, which is history. Second subject, kasi namin ang science sa umaga.

Strict pa naman ang teacher don kaloka. Parang pinapalibutan yata kami ng masasama na guro samantalang high school palang naman kami.

Pagkapasok ko sa loob ay bahagyang natahimik naman ang kaninang maiingay dahilan para mapayuko ako at nagtungo sa upoan ko. Ramdam ko naman ang isang pares ng mata na parang sinusundan yata ako ng tingin.

Alam niyo naman siguro kung sino diba? Hays.

"Sa'n ka galing ulan?"

Tanong agad ni Nicole habang si Jamie naman ay tinignan lang ako ng nakakunot noo. Paano ba naman kasi may pawis pa ako sa noo tsk.

Ang dugyot ko na tuloy tignan.

"Diyan lang sa may garden nagpahangin. Si Annicka wala pa?" Tanong ko at hinalungkat ang bag ko. Hinahanap ko kasi yung panyo ko dito tsk.

Asa'n na ba yun? Nilagay ko lang yun dito kanina eh hays.

"Late na naman yata ang bruhang yun tss. Here oh panyo ko nalang gamitin mo." Nagulat naman ako ng inabutan ako ni Nicole ng panyo. Tumingin naman ako dun at nagdadalawang isip na kukunin ko ba yun o hindi dahil bukod sa malinis ay mukhang mamahalin pa.

"Tsk ako na nga ang mag pahid tss ang arte huh!" Nagulantang naman ako ng maramdaman kong ipinahid na niya ang panyo sa aking mukha at bago ko pa man yun mapigilan ay natapos na niya.

"Ohh edi tapos psh! Oh kunin mo at sa'yo na yan. Don't worry, marami pa ako niyan sa bahay." Weird ko naman siyang tinignan at nagpasalamat sa kanya.

"Lalabhan ko nalang to huwag kang mag-alala." Sabi ko nalang at papalag pa sana siya nang dumating na ang guro namin.

"Good morning, class." Saad ng guro namin na napaka strikta ng aura. Para naman po siyang mangangain ng buhay hmpf.

"Good morning, Mrs. Sandoval." Tumango naman siya at sinabihan kaming maupo na.

"So today we discuss about blah blah blah blah." Ayon nga doon na akong nagsimulang antokin dahil bukod sa nakakaboring ang klase niya ay inaantok talaga ako tsk.

Kasalanan to ni Miss Astrid, eh kaurat ahh!

"Class dismissed!"

Para namang bigla akong nagising ng marinig ko ang magic word na yun at namalayan ko nalang na natulala na pala ako.

"Huy Raine!" Napahawak naman ako sa noo ko ng maramdaman kong masakit ito. Nakita ko naman si Jamie na mukhang natatawa habang si Nicole naman ay mukhang masama ang timpla sa di malamang dahilan.

Paa'no ba naman kasi eh ang panget ng mukha niya na parang lukot-lukot pfft.

"Anyare sa kanya?" Nguso ko kay Nicole at nag kibit balikat naman si Jamie habang nagsisimula ng mag cellphone.

"Huy okay ka lang?" Tinapik ko naman ang balikat niya ng bahagya niyang ikinagulat. Umayos naman siya ng opo at ngayon ay nakanguso naman.

Walang hiya. Ano ba ang problema ng babaeng to at paiba-iba ng mood? Ang weird niya hah!

"Tsk nakakainis kasi hmpf!" Himutok niya pa at bahagyang nagpadyak ng paa. Napalingon naman ako kay Jamie ng tumigil ito sa pagce-cellphone at kunot noo ring tinignan si Nicole.

"What's your problem?Are you okay Nics?" Spokening dollar na saad sa kanya ni Jamie. Isa rin to eh? Hindi yata mabubuo ang isang araw na hindi siya nagsasalita ng English.

Dudugo nalang ang ilong mo sa kanya mga dzae kaloka.

"Nakakainis, nakakaasar, nakaka bwesit nakaka inlove!" Oh my! Did I hear it right? Inlove? Siya? Sino naman?! Mga tanong ko sa isip ko at napalingon kay Jamie na kapareho ko rin ng reaksyon.

"What the? Who's in love? Ikaw ba?" Tanong sa kanya ni Jamie, the spoken-word dollar baby, haha.

Pero teka mabalik tayo kay Nicole, the in love ehem. "H-huh? May sinabi ba ako? W-wala ahh." Utal niyang sabi at umiwas ng tingin habang napakagat ng labi.

Halatang obvious eh nautal pa nga tsk.

Humalumbaba naman ako ng opo at tinignan siya ng mataman. Napansin ko naman si Jamie na tumayo at umopo sa gilid ni Nicole na nakatingin rin sa kanya na may nerbyos na nakaukit sa kanyang mukha.

Hmm, mukhang pareho kami ng iniisip, ahh. Saad ko sa isip ko.

"So?Care to tell us Nicole Dela Vega Morales kung ba't ka nagkaganyan at sinabi mong inlove ka. Hmm kanino naman?Sinasabi ko na nga ba at may tinatago ka sa amin eh! Liar at plastic ka na pala ngayon aish!Mierda!" Sabi ni Jamie at sunod-sunod na tanong ang sinabi niya pero ang nakakuha ng atensyon ko ay yung word na Liar at Plastic.

Natawa tuloy ako ng bahagya pfft. Paa'no ba naman kasi ang sama ng tingin ni Nicole sa kanya habang si Jamie naman ay mukhang natatawa rin.

"Huy anong plastic at liar pinagsasabi mo diyan?! Gaga ka hindi ako ganyan at anong inlove?Kanino ako inlove?Gagang to ampf mali nga yung sinabi ko ehh huhu." At may ibinulong pa siya ng huling salita na hindi na namin narinig pa.

Ano kaya yun? May my inner self ask me.

"Hindi plastic at liar pero nag sikreto? Hindi in love pero nautal? Tanong ko lang." Pabitin kong sabi sa kanya. Napalingon naman siya sa akin kasama ni Jamie na mukhang natatawa pa.

"Kanino ka in love?Pftt yiee..." At doon na kaming dalawa humagalpak ng tawa ni Jamie dahilan para mapalingon sa amin ang mga kaklase namin dito pati narin yung lima na nag-uusap sa may sulok habang may pagtatakang nakapaskil sa kanilang mukha.

Alam niyo na kung sino ang tinutukoy ko.

Napansin naman namin na sumama lalo ang mukha ni Nicole, ngunit bago paman kami makapagsalita ay natigil nalang kami sa pagtawa ng tumayo ito ng padabog at sumigaw!

"Argh, I hate you both!!!"

At doon na natahimik ang kaninang maingay na paligid. Nagkatinginan naman kaming Jamie at nagkibit balikat nalang.

Ang weird ng babaeng yun. Saad ko sa aking isip.

"Weird." Jamie silently mumbled, Na narinig ko bago siya bumalik sa kanyang upoan at tahimik na bumalik sa pagce-cellphone.

Napansin ko naman si Allyson na lumabas ng classroom dahilan para sundan ko ito ng tingin. Di kaya susundan niya si Nicole sa labas? Pero imposible naman yata yun.

Hindi sila good in terms, eh, at never naman silang nagkasundo tsk.

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana nang nakapanghalumbaba at binilang ang mga estudyanteng palakad roon at palakad rito. Ang tagal naman ni ma'am. 45 minutes nalang oh bago mag recess hays. Gutom pa naman na ako tsk.

Bakit kasi hindi ako nag-almusal kanina. Bulong ko pa. Eh sa late na ako, eh anong magagawa ko.

Napalingon naman ako kay Jamie at nakita ko itong kunot noong tumingin sa kanyang cellphone habang may headphone sa tenga. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya. Mukhang busy, siya, eh? Magpapasama sana ako sa canteen at bibili lang ako ng rebisco para magkalaman naman tong tiyan ko.

Inilibot ko naman ang tingin ko sa paligid at nakita ko ang mga kaklase kong may mga sariling mundo. So, ako nalang siguro ang pupunta total malapit lang rin naman. Wala rin kasi yung kaibigan namin na si Annicka. Siguro busy yun sa coffee shop, kaya hindi nakapasok.

Minsan lang, kasi ang babaeng yun pumasok. Buti nga nakapasa pa siya, eh?

Agad naman akong lumabas at hindi nalang nagpaalam pa kay Jamie total nakita kong mukhang nakatulog na yata eh.

Ang bilis naman sana lahat.

Habang naglalakad ako ay uminat-inat naman ako gamit ang mga kamay ko. Humihikab ako ng biglang may humablot sa braso ko at agad tinakpan ang bibig ko na agad kong ikina-alarma.

"H-hala sino ka?Anong gagawin mo sa akin?!Pakawalan mo ako parang awa muna!! Hoy bitawan mo ako sabi ano bshshskjxl!" Pasigaw kong sabi sa poncio pilato na humablot sa akin.

Huhu sino ba kasi to?! Bakit ayaw magsalita? Wala naman akong kasalanan o kaaway, ah?!

"P-please parang awa muna pakawalan muna ako may kapatid pa akong binubuhay at marami pa po akong pangarap huhu." Mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya nang sandaling binitawan niya ang bibig ko habang yung mata ko naman ay malabo pa dahil sa piring. Ilang sandali pa ay napansin ko naman na tumigil kami sa parang malamig na lugar. Binitawan naman ako nito agad at tinulak ako sa parang malambot na upoan.

Teka malambot na upoan?

Bago paman ako makalibot ng tingin sa paligid ay nagulat nalang ako sa taong nasa harap ko ng bigla itong nagsalita gamit ang malamig niyang boses ngunit may kasamang pag-irap.

Paa'no ko nalaman? Syempre nakita ko since hindi naman ako bulag.

"WE NEED TO TALK NERDY!!!"

Saad ng isang boses na ilang araw ko ng hindi narinig pa sa kadahilanang iniwasan ko na siya. Napayuko nalang ako sa klase ng tingin niyang nakakapanindig balahibo.

Ito na nga ba ang sinasabi ko huhu.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

167K 8.1K 52
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
3.7K 235 5
"I loved her against reason, against promise, against peace, against hope, against happiness, against all discouragement that could be." ────────────...
309K 23.2K 47
"I can't remember what happened that night. I'm not talking slippery details or fuzzy-edged visions; I mean a complete and utter blackout. Like I was...
3.3M 79.9K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...