Loving the Half Moon (Forment...

נכתב על ידי mughriyah

394K 4.7K 533

TO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. Warning: This novel will talk about suicide, violence, depr... עוד

Loving the Half Moon
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 24

13.9K 142 17
נכתב על ידי mughriyah

Nang umalis si Dos ay biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko man kilala kung sino dahil numero lang ay sinagot ko pa rin. Pinunasan ko ang luha ko para maging maayos ang boses ko.

"H-hello?" bungad ko.

"Is this Selene? Are you Francis Daferi's daughter?"

Kinabahan ako. May nangyari bang masama? "O-opo, anong nangyari kay Papa?"

"Nasa emergency room po ang pasyente... hit and run."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na tinanong kung saang ospital. Nang malaman ko kung saan ay mabilis akong sumakay sa kotse ni Mama at pinaharurot 'yon. Sa sobrang kaba ko ay kahit alam kong may bata sa sinapupunan ko ay walang habas pa rin akong nagmaneho.

Patakbo akong pumunta sa emergency room at awtomatiko akong tumigil nang makita ko si Papa. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya pero agad akong inilayo ng mga nurse dahil inaasikaso pa nila si Papa.

Humagulgol ako habang pinipilit na lumapit kay Papa pero maraming nurse ang nakaharang sa harapan ko.

"Pa! Nandito ako, Pa!" sigaw ko.

Lahat kami ay napatingin sa kamay ni Papa nang itinuro niya ako. Napatigil ako sa pag-iyak at tinulak ang mga nurse na nakaharang sa daan ko.

"P-pa..." tawag ko sa kanya.

Pilit niyang inaabot ang kamay ko kaya kinuha ko 'yon. "Pa, 'wag. 'Wag mo ako iiwan..." pagmamakaawa ko.

Ubos na ako. Tama na.

Parang hinahatak niya ako palapit sa kanya kaya lumapit pa ako lalo. May ibinubulong siya.

"P-pa... 'wag mo po ako iiwan... please..."

"M-mahal... m-mahal k-kita, anak ko..."

Napahagulgol ako at niyakap siya. Ayoko, Lord. 'Wag mong kukunin ang taong 'to. Ayoko.

"M-merry c-christmas, Selene... m-mahal kita..."

Mariin akong napapikit nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Agad akong inilayo ng mga nurse kaya natulala na lang ako. Akmang gagamitan ng defribillator si Papa kaya nagsalita ako ngunit nanatiling nakatulala sa kanya.

"Nagpapahinga na siya..." Pumikit ako nang mariin kaya mas lalong bumagsak ang luha ko. "Huwag niyo nang gisingin..."

"He's still breathing, ma'am!" sigaw ng doktor.

Dumilat ako at tumingin kay Papa. Umiling ako. "Tama na po. Magpapahinga na siya... t-tama na..."

Ubos na ako. Wala nang natira sa akin. Nandyan si Mommy pero may iba na siyang pamilya at mukhang wala siyang balak na tanggapin ako.

This is the hardest goodbye... when you still don't want to let that person go. You need to bid your goodbye even if you still want to be with them. You need to let go of them even if you still want to hold their hands. That's the worst kind of pain.

At ngayon... kanino ako kakapit? Sinong nand'yan para sa akin?

"Time of death... 1:27 am."

Muli akong napapikit. Hinayaan kong bumagsak ang mga luha ko. Ang sakit. Sa sobrang sakit, nakakamanhid.

"Ma'am..."

Dumilat ako at tumingin sa nurse. May ibinibigay siyang box sa akin na parang regalo. "Nasa kotse po ito ng father niyo... mukhang para sa inyo." Binigay niya sa akin ang box kaya pinagmasdan ko 'yon.

Tinignan ko ang nakasulat sa gilid.

To my daughter,

Ayoko nang makita kang umiiyak, simula ngayon hindi na kita iiwan. I love you, Selene. Merry christmas.

                              From: Papa.

Mas lalo akong napahagulgol. Taliwas ang ginawa niya sa nakasulat dahil iniwan niya ako. Tangina. Lahat na lang iniwan ako.

Niyakap ko ang regalo niyang gold anklet habang humahagulgol. Tangina ang sakit sakit.

Ilang ulit kong tinawagan si Mommy pero hindi niya ako sinasagot. Dalawang araw na rin ang nakalipas. Na-cremate na si Papa pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako sinasagot ni Mommy.

Pumunta rito sila Tito, Tita, Lauren at Travis dahil sa nangyari kay Papa at sinasama na nila ako sa Manila pero hindi ako sumama dahil nag-aaral pa ako. Gusto nga akong samahan ni Travis at Lauren dito pero hindi rin nila magawa dahil busy si Travis sa company ni Tito at busy naman si Lauren sa pag-aaral. Naiintindihan ko naman. Sinabi kong kaya ko na mag-isa.

"Nandito pa ako, Selene..."

Pagod akong tumingin kay Chance. Ngumiti ako sa kanya pero hindi na ako nakasagot.

Balang araw aalis ka rin.

Walang pang habang buhay, lahat panandalian lang.

"Sa amin ka na mag New Year ah?" aniya pero hindi pa rin ako nagsasalita.

"Bakit ka ba nakangiti? You're scaring me."

Saglit akong natawa nang mahina. "Iniisip ko lang kung kailan mo ako iiwan."

"Luh! 'Di kaya kita iiwan," aniya pero umiling ako.

"Paano kapag nagkaroon ka na ng pamilya? Siguro nga hindi mo ako iiwan pero kapag nagka-pamilya ka na, hindi ka na palaging nandyan para sa akin... at ayos lang 'yon. Maiintindihan ko."

"Basta hindi kita iiwan," sabi niya.

"Oo na."

Tumigil ako sa pagduduyan sa sarili ko sa playground nang pumunta si Haven sa harapan ko. Ngumiti siya sa akin.

"Anong pakiramdam?"

Pinagsasabi nitong malanding 'to?

"Oh ayan ka na naman, Haven. Nang-aaway ka na naman," sabi ni Chance.

"Anong pakiramdam ng hindi pinili?" Tumawa siya nang malakas.

"Mama mo hindi pinili," inis kong sambit.

"How dare you?" inis niyang sabi sa akin pero umikot lang ang mga mata ko. Kung hindi lang 'to buntis baka tinadyakan ko na 'to.

"Mama mo how dare you," sabi ko.

"Iniinis mo ba ako?"

"Mama mo iniinis."

"Fuck you!"

"Mama mo fuck you," tamad na sagot ko.

Hindi nakapagsalita si Haven pero kitang-kita ang inis sa pagmumukha niya.

"Selene for the win!" sigaw ni Chance.

"Mukha kayong baliw!" sigaw ni Haven kaya tumaas ang isang kilay ko.

"Mukha kang tanga," sagot ko.

"Mukha kang hindi pinili!"

Aba gago 'to ah.

"Mukha kang nang-agaw ng boyfriend nang iba!" sigaw ko at tumayo.

Nanlaki ang mga mata niya.

"Mukha kang bitch!"

"Mukha kang kurdapya! Ang chaka mo! Fuck you!" sigaw ko sa pagmumukha niya at itinaas ang middle finger ko kaya napaatras siya.

"Oh rebutt!" sigaw ni Chance sa kanya.

"Mga baliw!" sigaw ni Haven at tumakbo palayo.

Pinitik ko ang buhok ko. "Wala ka pala eh."

Tumawa si Chance at inakbayan ako. "Tara na nga. The best talaga bardagulan niyo ni Haven," aniya at naglakad na kami pauwi.

Pagdating sa bahay ay napapaisip ako. Life is too short. Kung ilaan ko na lang kaya sa pagpapatawad ang lahat? Pero ang hirap gawin no'n lalo na't mabigat ang nilagay nila sa dibdib ko.

Gusto kong makausap si Mommy. Kahit sa huling sandali na lang at pagkatapos no'n hahayaan ko na siyang sumaya sa pamilya niya. Hindi ko na siya guguluhin at mabubuhay na lang ako ng sarili ko lang.

I texted her number and I'm hoping she will meet me. Sinabi kong last na 'yon.

Inayos ko ang bag ko. Naligo ako at jacket and jeans lang ang suot ko. Hindi ko na kasi pwedeng i-expose ang katawan ko dahil sa mga pasa at rashes na nakukuha ko sa sakit ko.

Fucking leukemia.

Agad akong napatingin sa phone ko nang tumunog 'yon. Walang paglagyan ang saya ko nang mabasa ang text ni Mommy.

Ms. Salvador:
I'm sorry. I was so busy. Sure, ngayon na ba, anak?

me:
opo. kung hindi kayo busy.

Ms. Salvador:
Alright. See you later.

Huminga ako nang malalim. Tinext ko sa kanya kung saan kami pwedeng magkita at nauna na akong pumunta roon.

Gusto ko lang masigurong okay siya. Gusto ko lang siya makausap at pagkatapos no'n, pwede na kaming tumahak sa kanya-kanya naming landas.

"Kanina ka pa?" tanong niya nang bumaba siya sa kotse.

Umiling ako at ngumiti. "Hindi po kayo busy?" tanong ko. Naiilang na ako sa kanya dahil pagkatapos ng labing-limang taon ay ngayon na lang namin ulit gagawin 'to.

"Hindi, saan mo gustong pumunta?" nakangiting tanong niya at lumapit sa akin.

I swallowed to clear my throat. Kahit saan naman kami pumunta ay ayos lang sa akin. I just want to be with her so bad. I'm afraid this won't happen again kaya kinukuha ko na ang chance para makasama siya.

"Kahit saan niyo po gusto. Gusto ko lang po kayong makasama ngayon," sagot ko.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at sinabing pumasok ako kaya sinunod ko ang gusto niya.

Habang nasa byahe ay sobrang tahimik. I could feel the awkwardness inside her car so I spoke up to kill it. "Buksan ko po 'yung stereo, My," sabi ko.

"Ah, sige..."

Nang bumukas ang stereo ay nagsalita siya. "How was your christmas?"

It was a nightmare.

"Ayos naman po. Kayo?"

Ngumiti siya. "Hmm. It was perfect. Masaya. Sorry kung hindi kita napuntahan, Selene."

Umiling ako. "Wala po 'yon. M-masaya naman ako." Wala akong balak sabihin sa kanya ang nangyari kay Papa. Isa pa, it seems like she's not interested in him anymore.

Nakatulog ako sa byahe. Nang magising ako ay nakaramdam agad ako ng lamig. Iginala ko ang mga mata ko at parang nasa Baguio na kami.

"You're awake." Napatingin ako sa gilid ko. Si Mommy.

Kinusot ko ang mga mata ko bago magsalita. "Nasa Baguio po ba tayo?" tanong ko.

"May private house ako rito. Hindi alam ng pamilya ko na pag-aari ko 'to," sagot niya kaya tumango ako.

Binuksan ko ang pinto at lumabas. The cold wind immediately kissed my face. I had no idea that we were going here pero good thing na nag jacket ako.

Niyakap ko ang sarili ko. Pinagmasdan ko ang paligid at mukhang kami lang rito. Ang ganda. Napakalinis.

"Selene, I'm gonna take you a pic." Nilingon ko si Mommy. She was holding a camera.

Napangiti ako at tumango. Nag pose ako kaya pinicturan na niya ako. Pagkatapos ay siya naman ang pinicturan ko. Naalala ko tuloy ang ginawa namin ni Haven sa Tagaytay.

Gumala-gala kami. Bawat magagandang lugar ay hinihintuan namin para kuhanan niya ako ng litrato. Minsan ay magkasama kami sa iisang litrato at minsan ay siya lang mag-isa. Nagkukuwento rin siya sa akin habang naglalakad kami.

I guess this is the sweetest thing I've ever done — to be with my mom on a vacation and talk about life's realities. Kahit busy siya, nilaanan niya pa rin ako ng oras at ayokong sayangin 'to.

"When you were gone, I always came here to take away the sadness. Mas gusto kong mapag-isa noon," pagkukwento niya habang naglalakad kami.

"Tapos noong nagiging maayos na ako, pero may kaunting sakit pa rin. Nag decide akong bumalik kina Daddy at Mommy. Iyon lang kasi ang paraan para maging maayos ako. Kahit gaano ka nila itinaboy o itinakwil, magulang mo pa rin ang babalikan mo dahil sila ang kailangan mo sa buhay..." aniya.

Napatitig ako sa kanya. Mukhang hindi rin madali ang pinagdaanan niya sa buhay.

Marami pa siyang ikunwento tungkol sa mga naabot niya sa buhay. Kahit kumakain na kami ay pinipicturan niya pa rin ako. Aaminin kong sumasaya ako ngayon dahil sa ginagawa namin.

Pero nalulungkot din dahil nararamdaman kong parang ito na ang huli.

Nang gumabi ay nag bonfire kami sa pool area. Maraming bituin sa langit at kalmado lang ang hangin.

"I can't believe you're already 20... you've grown so much, Eli..." ani Mommy kaya nginitian ko siya.

"And you never aged," sagot ko kaya mahina siyang natawa.

"Bolera ka, anak," natatawang aniya. "Wala ka pa bang boyfriend?" tanong niya kaya natahimik ako.

Meron sana kaso iniwan ako para sa ibang babae.

"Wala po..."

"Bakit naman? You're pretty gorgeous. Siguro maraming nanliligaw?" pang-aasar niya.

"Maganda lang po ako, pero walang jowa."

Nagtawanan kami kaya napapailing siya sa akin. "You should get a boyfriend, baka maubusan ka ng lalaki. Kailangan mong mag boyfriend, gusto mo bang tumanda mag-isa?" pagbibiro niya.

"It's okay. I don't need a man in life. I can grow old alone. Besides, I will not die when there is no man in my life," sagot ko.

"Yes, that's my girl." Pumalakpak si Mommy.

Ilang minutong katahimikan ang kumain sa amin. Wala na kasi akong masabi at sa tingin ko ganoon din siya.

Pagkatapos ng ilang minutong nakabibinging katahimikan ay binasag na niya ito.

"Gusto mo bang malaman kung sino ang pamilya ko?" mahinang tanong niya habang nakatitig sa bonfire.

"If you don't mind?" sagot ko.

Ngumiti siya. "Hindi naman kami kasal pero may anak kami. Sa loob ng labing limang taong pagsasama namin ay minahal ko rin naman siya," pag-uumpisa niya.

"I never planned to live with him but I made a mistake. We had a... one night stand."

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa kawalan. Ilang beses akong napalunok at naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"My husband's name is... Savion Lewis..."

My jaw dropped on the floor. Bumilis ang pintig ng puso ko at parang pinasukan ng hangin ang dalawang tainga ko. Humarap siya sa akin.

"L-Lewis...?"

"N-naaalala mo na ba si Dos? Savion is his father, anak." Mabilis kong pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi ko.

"K-kapatid niyo ni Dos ang anak namin ni Savion. Kapatid niyo si Zara."

המשך קריאה

You'll Also Like

242K 2.3K 50
Slylexia Yvinisse Rodriguez is a daughter of half spanish and pure australian. Her dad is well-known as a great congressman and retired general in 20...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
50.5K 466 66
In love, destiny always follows a certain rule to keep everyone intact. Whenever you meet someone, you will immediately assume that that person will...
3.9M 78.9K 45
Marcus Delgado and Amara Salazar story🖤 ⚠️ R18 story Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft cop...