She's Not Ideally Ideal (Comp...

By whatthe_el

64.5K 679 419

walang special sa story na ito, boy meets girl, boy hates girl, girl hates boy, boy loves another girl, girl... More

She's Not Ideally Ideal
One- Seatmate
Teaser for Chapter 2
Two- Angel
Three- Hunting House :)
Four- Ka-Close
Five- Anong Oras na?
Six-Jacket
Seven- Countdown
Eight-Witch
Nine-Detention
10- Si Katabi
11-Welcome
12-First Month
13- Anong Sabi Ko?
14-Last Detention Day
15-Weird
15-Weird (better text)
16- reto
17-It's Now or Never
18-Second Month
19-Eth
20-Suitor
21- yellow pad
22- Fate
23- X
24-I'm Not Sorry
25-Holdapper
26-Kaitlin Tagle 101
27-Tango Bet
28- The Prize
29-Kaitlin 102
30- Till Now
31- And The Winner Is...
32- Untitled Chapter
33- Li's POV
34- Anak
35- Not Everything
36-Si Dree
37-Curriculum Vitae
38 - 5-2-5 kasi!
39-Semestrial Break
40-Jelly Ace
41- Kami Na
42- Brand New
43-My Heart
44-Good Luck
45
46
47
48
49
50
Epilogue
Who is mynameismissing?
ANNOUNCEMENT!

Last Chapter

626 8 1
By whatthe_el

Since late February nangyari yung lahat ng sobrang bilis, we still have the whole of March to suffer from severe awkwardness. May mga pagkakataon nga na para bang nagkakasakitan na kami kasi nagpapatibayan kami pareho sa kung sino yung hindi affected ng lahat, when in fact, wala namang hindi.

“Bakit puti ang tagak?” Li to Geni

“dilaw ba ngipin mo?” Geni to Adrian

“bakit singaw ka sa s?” Adrian to Geni

“grabe naman! Below the belt yan!” react naman ni Geni.

We’re actually playing Asking Game. Probably alam nyo naman na kung ano yun diba?

Nagtawanan naman lahat tapos tinuloy na namin

“para may level of difficulty, dapat movie lines!” suggest naman ni Adrian

“ngek, wala naman ako masyadong alam dyan” hindi naman ako palanood ng mga kung ano-ano

“keri na yan. Imbento nalang” tapos sinimulan rin ni Geni. “camera ka ba?” to me

“naniniwala ka bas a love at first sight?” to Adrian

“why don’t you believe me?” to Li. Pero napatigil naman lahat.

“san yan?” sabi ni Li.

“eh for sure naman merong movie na may line na ganyan, go lang”

“if you were to tell me a lie, what would be the meanest lie that you would?” pero wala namang nagrereply kaya nung tumingin ako, nakayuko naman pala yung dalawa. Parang nagkasundo pa ata na pagtapatin kami ni Li. Kaya no choice sya kundi sakin tumingin sabay iwas.

“that I don’t love you” yung pahinto-hinto namin kanina ng sandali, ngayon totohanan na talaga. I know I wasn’t supposed to answer the question with my real answer, pero I felt the need to. Kasi nasasaktan na talaga ako ng sobra sobra.

Ayos lang naman na binasted nya ako, pero sana naman, wag ganun yung maging treatment nya sakin. Wag yung para bang wala naman kaming pinagsamahan.

Nagwalk out sya pagtapos kong sabihin yun and I need no cue para habulin sya kasi yun naman talaga yun gusto kong gawin. Paulit-ulit ko syang pinigilan, hiwakan ko yung braso nya tapos ilang beses nya ring tinanggal hanggang sa yung kamay na nya yung hinila ko at niyakap ko na sya.

“ano bang problema mo ha?”

“bakit may mali ba sa ginawa ko?”

“Cedie, oo, awkward na ganito, siguro mahirap para sayo, pero sakin din naman eh. Ginagawa ko na nga lahat para lang maiwasan yung topic na yun tapos palagi mo namang pinapasok sa usapan. Akala ko ba nagkasundo na tayo?”

“ulyanin ka ata? Ang natatandaang ko, I let you go, pero hindi ko sinabi na hindi na rin kita mahal. Magkaiba yun Li, hindi mo naman pwedeng sabihin sakin na huwag ka nalang mahalin diba? O na tigilan ko tong nararamdaman ko kasi kung kaya ko lang, kung kaya ko lang sana matagal ko nang ginawa.”

Cedie, wag na ako. Magulo eh, iba nalang. Marami namang mga tao dyan na mas deserving, I’m sure you can have all the reason you’ll need to fall out of love for me”

“stop talking nonsense, Li. Hindi ako ganun kababaw.” Tumalikod na ako kasi magsisigawan lang din kami at wala rin namang magpapatalo. Pero humarap ako ulit kasi parang may mali sa sinabi nya “oo nga pala, for your information, those reasons you’re telling me, I already found them long time ago. But I want you to know that instead of making me fall out of love with you, they made me feel the opposite.”

Lies. Maraming rason dyan, Cedie. Kung gugustuhin mo lang na makita. I am not perfect after all”

“Have you ever thought that maybe I don’t need someone perfect? Maybe I want someone imperfect, and then I’ll make her perfect in my eyes. Siguro nga may milyong rason dyan para hindi kita mahalin, but I have one enough reason so to… kasi mahal kita.” Pagtapos kong masabi yun, tumalikod na ako at naglakad pabalik sa classroom. Hindi na bumalik sa klase si Li after that.

***

Everything’s in fast pace. Sabi nga nila, kapag nag eenjoy ka, mabilis na lumilipas yung oras, I guess that’s true. Kahit naman kasi magulo yung kung anong meron samin ni Li, masaya naman akong nakikita ko sya araw-araw. Pero ito, sobrang konting panahon nalang pala yung natitira para sulitin yun. Next thing we know, graduation day na pala.

I’ve heard from Carla na the day after tomorrow na raw pala yung alis nila papuntang amerika. Dun na maghahighschool si Kevin at magcocollege naman si Li. She’s so sad kasi naman hindi na yung makulit na Carla na bigla nalang kakatok sa pinto ko yung nasa bahay ngayon, it’s more of another emo person’s soul inside her body. I know I’m the one who should know the most how she’s feeling, pero hindi ko naman magawang icomfort sya dahil kung titignan sa aming dalawa, boyfriend nya yung aalis, ako naman, pangarap kong maging boyfriend ng aalis.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na okay lang yan, kasi hindi naman talaga, I can’t ask her to forget about him kasi it’s rude asking someone to forget about her boyfriend, eh hindi ko nga magawang kalimutan si Li na hindi ko pa girlfriend.

Even thought it’s my graduation day, pang-araw ng patay yung aura ni Carla. But we let her nalang kasi mas okay na yung ganyan kaysa naman yung forever na syang magkulong sa kwarto at hindi na kami kausapin.

Siguro nagtataka kayo kung bakit medyo chill lang ako? Maybe it’s because of that promise I made to her, na kahit na pinakawalan ko man sya ngayon, pagdumating yung araw na okay na lahat, pangako ko talaga na hindi ko na sya bibitiwan kahit kailan.

Pero sabi ko nga, ‘medyo’ chill lang. Kasi naman, ako yung maiiwan diba at sya yung hihintayin ko? Kaya kahit na ako yung nangako, nasa kanya pa rin nakadepende yung katuparan nun.

“1000+ graduates ang meron today, I’m so proud of your kuya na nakapangatlo pa sya sa top”

“mom, I am. I just can’t today okay” sabi naman ni Carla. We’re on our way to the coliseum kung saan yung graduation venue naming. Yun lang kasi yung may capacity na maghold ng thousands of people

“mom, anong oras na po?” tanong ko naman

“1pm na anak, hindi naman tayo malelate. Relax ka lang” bigla naman akong may naalala. Sa tuwing nagtatanong ako ng oras, hindi nya sasagutin. Higit pa dahil sa ayaw nyang magshare ng oras, takot syang masaktan. Naniniwala kasi sya na kapag sinagot mo yung tanong na “anong oras na?” simula na yun ng love story ng buhay nya. Nakakatawa pero ang totoo kasi nyan, takot na syang masaktan, ulit.

Geez. Ngayon palang namimiss ko na syaaaaa!

She’s with Mr. and Mrs. Villamayor. Alam mo naman na medyo awkward pa rin pero kahit papaano nakakatuwa na silang tignan. Marami pa ngang nagbulong bulungan kasi akala nila wala na syang parents tapos ngayon may kasama sya. Kitang kita mo naman sa mukha ni Mr. Villamayor yung pananabik sa anak nya. He stares at her sweetly and preciously.

Malayo naman yung naging upuan ni Li sakin. Nasa may harap ako banda kasi honorolls yung nasa first row, tapos yung second and so on naman yung iba na alphabetically arranged. T pa yung apelyido nya so sobrang layo talaga. Pero kahit ganun, once in a while, nililingon ko sya. Nakikita nya naman ako kaya ngumingiti rin sya.

After a long time, ngayon nalang nya ulit ako nginitian. Maybe that’s her goodbye smile.

Nung pang-isang libong lingon ko sa kanya, nakita ko naman na parang nakikipag-argue sya kay Geni, nung una hindi ko pa nagegets pero nung biglang hiwakan ni Geni yung kamay ni Li, napatawa nalang ako.

I bet Geni’s asking about the time and Li just doesn’t want to tell him what.

It will be so boring kung ikukwento ko pa sa inyo yung nangyari sa buong graduation ceremony kasi wala naman talagang espesyal. Umakyat lang kaming lahat sa stage, nakipagkamay sa mga nag abot ng awards at diplomas, konting picture taking tapos tapos na!

Alam ko na nung moment na sinabi ng principal naming na “I now pronounce you graduates” eh tapos na talaga ang pagiging highschool ko, but what’s worse?

It means in two days, Li has to leave without any assurance of when she’s coming back. But what’s the sense of this feeling kung hindi ko rin naman kayang maghintay? what’s the sense of that promise kung titigil nalang ako ng hindi man lang sumusubok? What’s the sense of loving if I don’t even trust the one I love?

Naalala ko tuloy bigla yung sinabi ni Vice Ganda sa showtime presentation nila ni Jhong Hilario:

“I trust yous are better than I love yous, because you cannot give your whole trust to the one you love, but you can always love the one you trust”

I smiled to myself nung nakita kong sumakay na ng kotse nila si Li habang yakap ko naman yung kapatid ko na umiiyak.

I fell in love with this weird girl even for a very short time, even if she was a mystery to me. But I guess it’s better to say that I fell for her because she was a mystery. Sometimes, the heart just finds and beats for someone it wants. Sometimes people need not to know everything, need no assurance to believe, and that’s when you’ll know the real meaning of trust.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 95.2K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
380K 25.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...