Chapter 27: Hatred

35 4 1
                                    


"Byeee!" Paalam ko sa mga barkada bago bumaba ng van. I'm here na sa house. Natawa ako ng bigla akong gumewang, I'm so drunk!



"Ouchy!" hindi pa ako nakakarating sa gate namin ay may bigla nalang humablot sa braso ko.



"Ano ba..." natigilan ako nang bumungad sa'kin ang galit na galit na mukha ni Angel. Look who's here, away na naman ito panigurado.



"Past muna, gusto ko ng matulog. Bukas nalang tayo mag-away, okey?" ipiniksi ko ang braso ko para makawala sa pagkakahawak niya bago tumalikod, akmang papasok na ako pero hinila niya ang buhok ko. Potek!




"Don't turn your back at me, you bitch!"




"Fine!" pagod akong humarap sakanya 'saka nag-cross arm.




"Ikaw ang nagkalat ng video!" akusa nito sa'kin.


"Hindi ako. Wala akong kailangang ipaliwanag sa'yo, kung hindi ka naniniwala,bahala ka sa buhay mo" Umirap ako sa inis.


"Sinungaling! Ganyan ka na ba kasama, ha? Ano, masaya ka na ba? Nasira mo na ako, sirang sira na ako!" She spat, nakakuyom ang kamao, nanginginig at nanlilisik ang mga mata sa galit. Inayos ko ang buhok ko 'saka ako humarap ng maayos sa kanya.




"Ikaw ang nagsimula nito, 'di ba? Bakit parang biktima ka?" tamalikod ako, useless makipag-usap sa kanya. Huminto ako saglit pero hindi ako lumingon.





"Tandaan mo, ikaw ang unang nanira sa'tin. Nananahimik ako noon pero ikaw ang unang lumapit. Lesson learned, don't mess with Charity Cordoval. Kung inggit ka, pumikit ka" nagtuloy ako sa paglalakad papasok pero napatigil nang tumawa siya.





"Remember my name-Angel Chavez, dahil ang pangalan na 'yan ang mag-bibigay ng bangungot mo" nanatili akong naka-talikod at walang imik. Naramdaman ko ang pag-alis niya pagkatapos niyang sabihin 'yun.



Pinakawalan ko na din ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan magmula noong narinig ko ang nakakakilabot niyang tawa. Nakakatakot, nawala bigla ang tama ko sa banta niya.

»»»

'Nasa ospital si Kie'

Huminga ako ng malalim after reading the text message from Marco, nabalitaan ko ngang he was involve with car accident. Gusto ko siyang puntahan pero gaya nga ng sabi ni Dad...

I don't want you to be associated with the Del real's anymore, Charity.

After what happened, hindi na talaga ako papayagan ni Dad. Mas mabuti na sigurong hindi ko muna siya makita, i need a break, i need my space.

'Get well soon, paki-sabi' i sent it successfully.

Humiga ako sa kama at tumititig sa kisame. Sana naman hindi critical ang lagay niya. Narinig ko ulit ang pag-vibrates ng phone kaya bagot ko itong kinuha.



'I'm lost'


Another text message and it's from unknown number this time. Kumunot ang noo ko, wrong send? Hinayaan ko lang 'yung phone ko at pumikit nalang pero nag vibrate ulit.




'Can you give me a direction to your heart?'


Linalandi ba ako nito? Nag-reply ako, baka wrong send pala, sayang effort ni kuya.


Loving You From Afar [COMPLETED] Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ