16

132 41 14
                                    

16










[No one's P.O.V]

Pag kaalis naman ni Misis Walcker ay walang humpay na umiyak nanaman ang nanay ng dalaga. Hindi nito wari na mangyayari ito. At sa mismong anak pa nya! hindi nya mapapatawad ang sarili oras na may mangyari dito. Napasapo na lang ang ang ginang sa mukha. Samantala ganon din ang asawa. Umiiyak na hinihintay na matapos ang operasyon! 

Maraming tumatakbo sa isip ng mag asawa. Hindi rin mapakali dahil sa anak! Saktong nakalabas ang doctor kaya't nataranta ang mag-asawa upang mag tanong. 

" Doc? Doc! kamusta ang anak namin? Ayos napo ba sya? okay napo ba sya? " mabilis na saad ng ginang. Wala itong tigil sa pag iyak. 

" She's still unconcious! maraming dugo ang nawala sa kanya. She need blood donor for the father! kung hindi, i'm sorry! she need the blood as soon as possible." 

" Kung ganon gagawin kopo agad! Mapagaling lang ang anak namin. " saad naman ng asawa nito. Maluha luha naman ito dahil sa kalagayan ng anak.

' Kayo na lang ang pag asa ng anak namin! iligtas nyo ho sya ' panalangin ng mag asawa sa isip. 

" Right away Mr. Macaspac naiintindihan naman kita bilang magulang. Sige, dyan na kayo rounds lang ako sa mga pasyente ko. " saad ng doctor sa mag asawa

Kahit papano ay nakahinga sila, dinala naman si Gweyn sa kwarto kasunod ang ina. Habang ang asawa nito ay kinukuhaan na ng dugo. Ngunit magkadugo nga ba ang mag ama? 

Nakabantay lang ang ginang sa anak. Pinagmamasdan habang natutulog! May bandage ito sa ulo dahil sa natamo. Naiiyak nanaman ang ginang dahil sa natamo. Nanlulumo na sana, hindi sa anak nya nangyare. Kung nagpakita na sila at nagpaliwanag noon pa, hindi sana mangyayare ito. Kaso may problemang dadating, at yun ang hindi nila alam. 

" Mahal? " saad ng asawa. Nasa wheel chair ito at may kasamang nurse. 

" Hm Mahal! nandito kana pala? Magpahinga ka! " 

" salamat mahal! sige nurse salamat, ako na bahala sa asawa ko. " 

" Sige po! " saad nung nurse at umalis naman agad. Silang mag asawa na lang at ang anak ang naiwan. Inalalayan naman nya ito papunta sa mahabang upuan. 

" Mahal pahinga ka muna! ako na bahala sa anak natin. " 

" Sige! gisingin mona lang ako pag sasalinan na ang anak natin. " saad nito kaya tumango ang ginang. Nakatulog naman ito dahil sa pagod at hilo. 

Nasa kalagitnaan sila ng pagpapahinga at pag aalaga ng may tumawag sa anak nila. Ito ay ang kasintahan na si Gavin. Nagtaka naman ang ginang dahil sa phone caller. ' sino to? at bakit lalake? ' 

sinagot naman din nya ito dahil sa pagtataka. 

" Hm babe? nasan kana? papunta nako sa bus station hihintayin kita ah? " 

" excuse me? boyfriend ka ng anak ko?! " nagitla naman ang nobyo sa narinig. Kaya't kinabahan ito? ' nasan si gweyn? ' saad ng lalake sa sarili. 

" Ah o-opo! boyfriend nya po ito. Pwede pong makausap si Gweyn? " saad nito ngunit walang alam ang lalake sa pinsala na natamo ng nobya. 

" nasa ospital ang anak ko, nasagasaan at kritikal ang lagay! kung nobyo ka nya, kailangan ka nya. " saad ng ginang at may namumuong luha ulit. 

" Po?! Saang hospital po yan? pupuntahan kopo?! " nataranta ang nobyo sa nabalitaan. Kung bakit nangyare yun sa kasintahan. Nagmadali itong nagempake, habang kausap ang ina ng nobya. 

" Sa christians hospital iho. Sige hihintayin kita! " saad ng ginang at binaba na ang tawag. Hinaplos nito ang kanyang anak at binantayan na lamang. 

Gusto nitong umiyak pero kailangan nitong magpakatatag para sa anak. Hinalikan nito ang anak sa noo, hinawakan ang kamay tsaka umiyak. Gusto nyang sisihin ang sarili pero hindi magawa! 

FOREVER LONELY ( Completed )حيث تعيش القصص. اكتشف الآن