Sinimangutan ko siya. He laughed.

"Sabay tayo mamaya sa lunch, ah?" he said wickedly.

My first day in class was so far so good. Kahit na konti lang ang nangyari dahil walang masyadong pinagawa ang mga subject teachers namin ay pakiramdam ko pagod ako.

Alas, my seatmate, seems too cool. Nakabuntot ito sa akin, hindi ko alam kung bakit. Nang ayain ako nito na sumama sa lunch ay hindi ako pumayag pero wala akong nagawa. Hindi ko alam kung saan ang canteen kaya nagpasya akong payagan siyang samahan ako. He was really nosy. Sobrang dami niyang tanong.

"Anong trabaho ng parents mo?"

I was hesitant to answer it at first pero mas pinili kong magsabi ng totoo.

"Nagbebenta ng mga bakal at bote ang Tatay ko. Si Nanay naman ay dating naglalako ng mga gulay pero ngayon ay katulong na siya sa mansiyon ng mga Ladesma."

"What? Nakaya ng parents mo na pag-aralin ka rito kahit ganoon ang work nila?"

Tumawa ako at umiling. "Hindi.. Ang mga Ladesma ang nagpapa-aral sa akin. Sa mansiyon rin nila ako nakatira ngayon.."

"Ladesma!" aniya na tila hindi narinig ang pagbanggit ko rito kanina.

Tumango ako.

"Ladesmas are known for their shipyards. I met Oliver Ladesma last year sa isang elite party nang sinama ako ni Dad. He's with his wife, Kristina Ladesma and their son."

"Koen Ladesma?" I asked, huli na nang matanto kung sino ang binanggit.

The hell? Bakit siya ang nasabi ko?

"No.. It's Muhiro Ladesma. Sinong Koen Ladesma?"

Kumunot ang noo ko. He looked at me confusingly kaya natigilan ako ng bahagya. I am shocked that he didn't know Koen.

"The youngest child?"

Umiling siya. "Hindi ko kilala.."

"Talaga? Basta iyon yung bunso.." sabi ko.

Oh. Well.. Bihira nga lang pala iyon magpakita o magparamdam. Kung hindi iyon umuuwi sa mansiyon, mas lalong hindi rin iyon dumadalo sa mga party. Ang alam ko ay sa Maynila iyon nag-aaral ng kolehiyo. Umuuwi lang kapag may oras at madalas pa ay kung kailan niya lamang gusto.

Our conversation went on. Madalas siyang magtatanong pero nagkukwento rin siya ng tungkol sa kanya. Only child, mayaman at tagapagmana sa kumpanya nila.. He's really nosy but I have to admit that he's nice to be with. Nakakalibang siya kausap. Medyo mayabang at mapang-asar pero ayos naman kasama.

Months had passed, puro sa pag-aaral ang tutok ko. Nahihirapan ako sa maraming subjects at hindi pa nakakatulong ang kawalan ko ng kakayahan makipag-usap sa iba kong mga kaklase. But I have always reminded myself of my goals. And Alas was with me all the time. Hindi ko alam kung bakit siya nakadikit sa akin pero hinayaan ko nalang. I really enjoyed his company.

Noong September, iinat-inat pa akong bumaba ng sasakyan pagkauwi. Masyadong pagod sa araw na iyon, nakita ko ang isang hindi pamilyar na SUV na nakapark sa garahe.

"Ma'am Petibam, nasa sala po sina Madame, hinihintay kayo," bungad sa akin ng katulong.

Tumango ako. Kinuha nito ang mga dala kong libro at isang bag na hindi ko na napagbigyan ng pansin dahil natuon ang atensyon ko sa sasakyan.

May bisita ba?

Nasa may pintuan pa lang ay nakita ko agad si Tita Kristina na prenteng nakaupo sa isang single sofa sa sala. Naibaba niya ang hawak na tasa pagkakita sa akin.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα