Article 2 - Section 27

Start from the beginning
                                    

Kung kailan naman ayos na kami ni Daddy ay saka naman 'to mangyayari.

Am I cursed? Hindi ba ako pwedeng sumaya? Kahit sandali lang?

Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko ng marinig ko ang pag-bukas ng pintuan. Umayos rin ako ng upo bago humarap sa direksiyon ng pintuan.

And there, Attorney Brent Hernandez on his usual black suit. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sakin.

Hipokrita ako kung sasabihin ko na hindi ako umasang hahabulin niya ako matapos kong makipag-break sa kanya.

He told me he loves me. Akala ko papatunayan niya yun.

But he didn't.

I waited for him to make a move. Pero hindi niya ginawa yun. Wala siyang ginawa para patunayan lahat ng sinabi niya.

Maybe he just said that because he felt guilty. Maybe he treats his words as a consolation on my part. Para isipin ko na minahal rin naman niya ako sa loob ng dalawang taon naming pagsasama.

"How are you holding up?" mabilis na sumunod ang mga mata ko sa pigura niyang nag-lakad papalapit sa table niya ng marinig ko ang tanong niya. Sandali niyang inilapag ang suitcase na dala sa table bago umikot at hinarap ako.

"I heard about your Dad. Kamusta ka?" he asked.

Napangisi ako, suddenly realizing why my tears immediately acted up as soon as I entered his office.

Imbes na sumagot ay kinuha ko ang file case ni Daddy na nakapatong sa table sa harap ko bago tumayo at lumapit sakanya. Nagtataka niya akong tinignan ng iabot ko sakanya ang file.

"What was this supposed to mean?" he asked after he scanned the document.

"Represent me and my dad on court," diretsa kong saad sa kanya. He looked at me straight in the eyes.

"Why me? You have your friends, Rebekah. EJ and JD are good lawyers, too." napaiwas ako ng tingin dahil sa naging sagot niya.

Subtle rejection?

"Ayaw mo?"

"Hindi ko sinasabing ayoko--"

"They talked to you already," sigurado kong sambit. Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin.

"So you're going to represent her on court?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

"Alam kong baliw na baliw ka sa babaeng yun, Brent. Pero tang-ina naman! Dalawang taon tayong magkasama! Pinatay ng babaeng yun yung tatay namin!" hindi ko mapigilang bulyaw sakanya.

"Why are you making me take this job in the first place?" he asked coldly. Agad kong naramdaman ang pang-iinit ng sulok ng mga mata ko dahil sa paraan ng pag-tingin niya.

It was very different from the way he looked at me before. O baka naman ganyan na talaga iyon at sadyang nagbubulag-bulagan lang ako?

"Are you taking her side again?" pabulong kong tanong.

"Sa ganitong sitwasyon ba, balewala lang yung dalawang taong pinagsamahan natin?"

"Rebekah walang koneksyon 'to sa nangyari ---"

"Meron! Brent! Meron! Kakaayos lang namin ni Daddy! After I lost you to her, naayos kami ni Daddy! Ang sabi ko okay na. Okay lang. Pinipilit kong tanggapin yung kagaguhang ginawa niyo sakin. Pero bakit pati si Daddy kinuha niya rin sakin? Kinuha ka na niya! And now pati si Daddy kinuha narin niya sakin!" basag na basag na ang boses ko habang sinasabi ang lahat ng yun. Pakiramdam ko ngayon ko lang nailabas lahat ng luha at hinanakit ko sa nangyari kay Daddy.

Agad akong nakaramdam ng inis sa sarili. Why do I always end up crying in front of him? Bakit kailangang sa harapan niya lumabas yung mga kahinaan ko?

"I am losing everything I love because of her. Masama bang hilingin na makaganti man lang sakanya? Kasi sa totoo lang gusto ko rin siyang patayin! Gusto kong gawin sa kanya yung ginawa niya kay Daddy," hindi siya sumasagot at nananatili lang na nakatingin sakin.

"Gusto ko lang na pagbayaran niya ang lahat ng kasalanang ginawa niya," tila nauupos na kandila akong napa-upo sa harapan niya. I hugged my knees as I buried my face on my lap.

"Hindi ko parin maintindihan kung bakit kailangang ako pa magrepresent sainyo sa korte. Truth is, lumapit narin si Tita Arlene dito," napa-angat ako ng tiningin ng marinig ang sinabi niya.

Bahagya rin siyang yumuko bago bahagyang umupo sa sahig upang maging mag-kalebel ang mukha naming dalawa.

"Now, give me your exact reason why you want me to stand on court on behalf of your father," he asked seriously.

"Honestly?" he nodded at my question.

"Because that would make her lose her mind," I answered while staring directly into his eyes.

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Where stories live. Discover now