PROLOGUE

4 0 0
                                    

April 16, 2002

"Mama...pwede po ba akong pumunta ng park?"

Nilingon Niya ako saka tumango.

"Basta wag kang magpapa-gabi"

Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.

Umalis na ako ng bahay at pumunta na ng park habang may dalang tinapay.

Umupo ako sa isang swing dun at kinain na yung dala kong tinapay.

Habang kumakain ako ay napatingin ako sa mga batang naglalaro at napangiti.

"Gusto ko silang maging kalaro"

"Pero...."

"Baka hindi nila ako magustuhan"

Napawi ang ngiti ko dahil sa naisip ko at kumain na lang ng tinapay habang dinuduyan ang swing.

"Guys....look that girl oh... she's so mataba"

Napatigil ako sa pag-kain at napalingon sa mga batang katulad ko na nagbubulungan.

Lumapit sila sakin at tumigil sa harapan ko.

Kakaibiganin ba nila ako?

Nginitian ko sila.

Napataas naman ang kilay ng isang babae.

"Why are you smiling?!"

Umiling ako at ngumiti pa din sa kanila.

"Wala...gusto niyo?" Alok ko sa kanila ng tinapay.

Kinuha naman yun ng babae at nagulat ako nang bigla niya itong itapon.

"B-bakit mo tinapon?"

"Hindi Kasi kami kumakain ng tinapay....because para lang yan sa mga poor na katulad mo!" Sigaw Niya sakin.

"Sana ibinalik mo na lang sakin!" Naiiyak kong sabi.

Sayang kasi eh.

Kinuha ko lang yun sa tiangge namin tapos tinapon niya lang?

"Hahahaha you look so funny!...nang dahil lang sa tinapay...naiiyak ka na?....Well, mataba ka nga naman" Sabi niya sakin at tumawa kasabay ng mga kasama Niya.

Hindi ko na napigilang umiyak habang sila tawang-tawa sakin.

"Mataba!...mataba!...mataba!"

"Poor ugly fat girl!"

Mas lalo akong naiyak dahil sa mga panlalait nila sakin.

"Hoy!...Anong ginagawa niyo?!"

Napatili naman sila at agad na tumakbo palayo.

"Den-den?"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita kong si Tito Carlo pala.

Agad akong yumakap sa kanya at umiyak sa balikat niya.

"Tito...."

"Oh....anong nangyari?....bat ka umiiyak?" Tanong niya habang hinahagod ang likod ko.

Hindi ako sumagot at patuloy pa ring umiiyak.

"Inaway ka ba ng mga batang yun?!"

"O-opo....sinabihan nila akong mataba tsaka pangit" sumbong ko.

"Ssshhh....wag ka nang umiyak....totoo naman yung mga sinabi nila eh"

Kumalas ako sa yakap at tiningnan siya ng masama.

"Oh bakit?!....totoo Naman ah!"

"Tito naman eh!" Reklamo ko at agad siyang binatukan.

"Aray!....joke lang naman...pero totoo namang mataba ka eh HAHAHAHA"

"Gusto mo isa pang batok tito?" Pananakot ko kaya tumigil na siya kakatawa at nag-seryoso.

"Den-den....kung inaaway ka ng ibang bata na walang dahilan o Wala ka namang ginagawang masama,...lumaban ka pero salitaan lang ah?....wag pisikalan kasi kapag inaway mo sila ng pisikalan,....ikaw pa ang magmumukhang masama niyan imbes na sila"

"Sir, yes sir!" Saludo ko sa kanya.

Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko.

"Tara na....uwi na tayo" Aya niya kaya tumango ako at sumabay sa kanya pauwi.















PS. Ang mga karakter at senaryo sa storyang ito ay puro kathang-isip lamang o fiction Lang. Kung may nangyari man na katulad nito sa totoong buhay.....edi SANA ALL!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deenese the OBESEWhere stories live. Discover now