Tumikhim ito kaya nilingon ko sya.

"Pwede ba kitang tanungin?" tanong niyang mukhang nag aalinlangan pa ata.

"Ano 'yon?"

"Okay ka lang ba? Noong isang araw ka pa wala sa sarili mo. Sabi ni Drake ay naaalala mo raw iyong mga nangyari noong nabaril ka."

Tumikhim din ako at hinawakan ang bracelet na nasa kamay ko.

"Pwede mo namang sabihin sa akin ang totoo, Chanel. Simula pagkabata ay magkaibagan na tayo. Ngayon mo pa ba ako hindi pagkakatiwalaan?"

"Ayesha-"

"Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Drake, ibang iba iyon sa nababasa ko sa mga mata mo."

Bumuntong hininga ako at tumingin sa mga naglalaro ng soccer. Sasabihin ko ba sa kanya? Kaibigan ko sya oo at alam kong mapagkakatiwalaan ko sya, pero baka nga isa itong pagbabanta at kung sasabihin ko sa kanya ay baka maging sya ay madamay pa.

"Kung patuloy mong itatago 'yan mahihirapan ka. Kilala na kita, hindi naman na tayo iba sa isa't isa. You're my best friend, my childhood best friend."

Natigilan muna ako pansamantala bago tumikhim. Hindi na nga sya iba, kaibigan ko sya simula pagkabata. Kung kilala ko ang sarili ko, mas kilala nya ako.

"May nag text sakin, galing sa isang unknown number." pag uumpisa ko.

Kinuha ko iyong phone sa bulsa ng uniporme ko at hinanap agad ang hindi pamilyar na numero sa akin, pinakita ko ito sa kanya.

"Sino naman iyan?" takang tanong nyang nakakunot pa ang noo.

Umiling ako. "Hindi ko alam, hindi ko din alam kung bakit kilala ako nito."

"Nasubukan mo na bang tawagan?"

Umiling muli ako. "Natakot ako, kaya binalock ko ang numero nya, iniisip ko baka binabantaan niya ang buhay ko."

"Hindi maaaring si Dayson 'yan. Nakulong na si Dayson."

"Hindi ko din alam, Ayesha."

Tiningnan ako nito, nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.

"Akin na ang phone mo. Susubukan kong tawagan."

"Ayesha..." umiling ako.

"Just give it to me." kinuha nya ang phone sa kamay ko at hinanap agad ang numero.

Inunblock nya iyon at dinial ang numero. Nilagyan nya pa ng speaker para parehas naming marinig.

"Nag ri-ring, Chanel!" aniya.

Ilang segundo ang nakalipas ng binabaan kami nito ng phone. Tiningnan ako ni Ayesha, nakakunot ang noo nya. Napatingin muli sya sa screen ng phone ko ng makitang may text doon galing sa unknown number.

Unknown Number:
Gusto mo talagang malaman kung sino ka?

Nagkatinginan kami ni Ayesha. Naguguluhan sya base sa nakikita ko sa mga mata nya.

"Anong ibig nyang sabihin dyan?" takang tanong nya sakin.

Umiling ako. "Hindi ko alam. Nagtataka ako kung bakit nya 'yan sinasabi sa akin."

Umiling ito na animo'y naguguluhan na talaga. Muli nyang binalock ang numero at binigay sa akin ang phone ko.

"Mag report tayo sa pulis. We can trace that number." aniya na halata sa boses ang pagiging concern sa akin.

Umiling ako at sinilid na muli sa bulsa ng uniporme ko ang phone.

"Hayaan mo na, ayokong pagka abalahan pa ng panahon ang kung sino mang ito. Kung may balak syang masama sakin harapin nya ako."

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat