"Talaga mabuting tanggap na kayo ng pamilya ng Daddy mo, hmm ngayon ko lng nalaman na si Frezle ay hindi mo pala kapatid na buo" wika ko.

"Hmm, my family is so complicated Margaret hindi katulad ng ibang pamilya kumpleto masaya, saakin kasi kung hindi pa talaga pinakausapan ni Daddy patuloy pading nilalait lait ng mga tiyahin ko si Mommy pati ako" saad niya pa.

"E-eh bakit mo pa kailangan pumunta sa Guam?" Tanong ko sa kanya..

"Kasi.. Kasi.... Doon na kami titira" nakayuko niyang sambit.

"Hmmm g-ganun ba mabuti kung ganun" mahina kung sagot..

"Doon kami titira dahil doon nakatira ang pamilya ni Daddy, pero malayo kung saan man sila ngayon dahil tago kami mula sa pamilyang kinalakihan niya. Dahil sampid lang daw kami. Hindi nababagay dahil ang karapat dapat daw kay Daddy isa ding maharlika katulad nila."

"Pero sabi kasi ni Dad, hindi mo mapipilit ang nararamdaman ng isang tao, kung gusto mo yang taong yan  talagang gugustuhin mo dahil ginusto mo siya ng kusa hindi pinilit. Ganun si Dad kay Mom, dahil ayaw niya ng iba at pinipilit siyang magkagusto sa iba besides sa Mom ko" saad pa niya.

"Tama nga naman talaga si Tito, pag pinilit mo ang nararamdaman mo parang wala lng talaga yun, mas mabuti na yung natutunan mo kaysa sa pinilit ka kasi wala yung halaga at hindi pahahalagahan" sabi ko sa kanya. Nakatingin lamang siya saakin.

"Kaya siguro kita nagustuhan" wika niya habang nakatingin pa sa mukha ko.

Taka akong napatingin sa kanya.

"Alam mo ba una palang kitang nakita nababaduyan ako sayo, kasi nung nagka aqcuintance party tayo lahat ng girls nakapalda tapos ikaw naka jeans at loose shirt tas messy bun na parang sampu ang anak mo hahah" sabi niya habang natatawa.

"Grabe ka naman" wika ko.

"Like I said at first I found you baduy but when you join the debate, you amaze me" nagningning ang matang sabi niya.

"Weh? How did I amaze you?" Tanong ko.

"Because behind of your baduy look you're smart and competitive and also brave hahah nung sinabunutan ka hindi ka manlang umiyak haha" natawa naman siya.

"Eh?"

"Also I like your voice, remember your auditions I was there I watched you and I really like the way you had sing that song smoothly and nice" nakangiti niyang sabi.

Nagsimula ng nagsipatakan ang mga luha ko, pero pilit kung tinatago.

"Shhh don't cry," sabi niya at umakbay saakin at hinimas himas ang likod ko.

"I can't, sorry hindi ko mapigilan mga luha ko heheh" sabi ko at nagpunas ng mata.

Tiningnan ko siya at ganun din nagluluha din ang mga mata niya.

Niyakap ko siya.

Medyo nabigla siya pero binalot niya na lamang ang mga braso niya saakin.

"Aalis kami at titira doon ng permanente dahil sa masakit na rason" sabi niya.

Hindi ako nakaimik pero nararamdaman ko ang pagtaas baba ng balikat niya.

KIMUEL DUANE's GIRLHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin