PROLOGUE

318 48 17
                                    

Naalala ko ang lahat. Galit na napakuyom ako ng kamao. Hindi ko makakalimutan ang ginawa niyo sakin. At pagbabayaran at haharapin niyo ang ginawa at binuo niyong halimaw sa loob ko.

Napangisi ako ng mapait habang pilit inaalala ang mga tagpong yon.
.
.
.
.

Nanginginig ang mga kalamnan ko dahil sa matinding kabang nararamdaman. Pabalik balik akong naglalakad dahil sa kabang nararamdaman.

Napabalik ako sa aking ulirat na marinig ko ang mga yapak niya na papunta sa aking kwarto. Dali-dali ko tinungo ang aking aparador para magtago. Nanginginig ako sa sobrang takot na aking nararamdaman kaya nakalikha ako ng ingay. Nararamdaman ko na lang na papunta na siya sa kinalalagyan ko.

"Huli ka!" Sigaw niya na may halong galit at dali-dali niya ako kinuha sa pamamagitan sa paggabot sa'kin buhok.

"Hayop kang bata ka! Pinahirapan mo pa ako!" Singhal niya na may halong galit.

"Pakawalan ninyo na po 'ko. 'Wag ninyo po ko patayin. Wala naman po akong ginagawang masama," pagmamakaawa ko na may halong hagulhul.

"Napag-utusan lang ako, iha," seryoso niyang sabi.

Kinadena niya ako sa upuan para hindi ako makawala. Napansin ko na patungo siya sa kusina.

Sinong walang puso ang mag-uutos na  ipapatay ako? Sino ang may pakana ng lahat na ito?

Justice In Secrecy [ON-HOLD]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant