"Sa ilang beses mo kong binasted at pinahinto, ito na ata pinaka memorable. In the middle of the sea, with sunrise fierce to our skins. A perfect ambiance to break someone's heart hahaha" pabirong ani nya..

"I'm sorry.. I really do." paghingi ko ng tawad.

"Never apologise just because you love someone." nakangiting ani niya..

"Tara dun!" aya nya saakin at naupo kami sa may dalampasigan.

Walang nagsasalita sa amin. Hindi ko alam ano iniisip niya pero ako, iniisip ko kami ni Jelay.

Susuko na ba ako agad agad dahil lang sa sinabi nya?

JELAY POV

Pagkatapos ko magdrama ay binilin ko si Dale kay Karina. Bumalik ako sa kwarto para matulog. Kailangan ko rin mag pahinga dahil mag ddrive pa ako pauwi tsaka pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko.

Nagising ako ng may nagyugyog sa akin.

"Hoy! Diyan ka na lang? Yung bebe mo dun binabakuran na ng iba. Ikaw patulog tulog lang.." walang prenong saad ni Karina ng idilat ko ang mata ko.

Masakit pa nga ang puso ko e. Ayuko bumangon.

"Bahala ka diyan! Imbis na binabantayan mo si Kaori dun nagmumukmok ka dito. Baka di na sayo yun sumama pag-uwi" talak pa rin ni Karina

"Kare, wala ako sa mood" sagot ko dito at tinalikuran siya.

"Sayang ganda ng lugar Jelay.. Kapag di ka pa tumayo dyan sasabihin ko kay Kaori na tawag mo siya para siya ang pumunta sayo dito." kahit kailan talaga ang galing mang block mail nito e.

"Bweset ka! Ito na tatayo na.." napipilitan akong tumayo sa kama at ngiting ngiti naman si Karina.

"Anong ginagawa ni Kaori?" tanong ko dito

"Ayon inaalagaan si Dale na makulit habang nabuntot sa kanya si Donny. Nakarami na ng puntos si Donny, ikaw nakadami lang ng tulog" sagot sakin ni Karina napaka daldal talaga.

Nauna na akong lumabas ng kwarto at sumunod naman si Kare.

"Jelay babe!! Kanina pa kita hinahanap" salubong naman sakin ni Kyzha pero di ko pinansin.

Di ko ugaling maging rude pero wala talaga ako sa mood ngayon.
Nakita kong nagawa ng sand castle si Dale na tinutulongan naman ni Kaori. Andun din si Donny.

So, totoo palang nabuntot sya kay Kaori? Akala ko inaasar lang ako ni Kare.

Palapit pa lang ako sa kanila ng malingonan ako ni Donny..
Nakakagulat pero tumayo sya at umalis.

"Ano ginagawa nyo baby?" tanong ko kay Dale kahit alam ko naman kung ano.

"We're making a castle Mommy" magiliw na sagot nito pero busy lang sa paglalaro.

Sinulyapan ko naman si Kaori. Nahuli ko siyang nakatingin sakin pero umiwas din agad.
Nakaluhod sya sa may buhanginan.

Pasimple naman akong lumuhod din sa tabi nya..

"Pwedeng pahiram?" tukoy ko sa mukang pala na maliit na hawak ni Kaori.

Wala naman talaga akong balak sa pala na ito gusto ko lang magpapansin kay Kaori.

Walang salita na binitawan nya ang pala kaya kinuha ko naman ito.
Inabala ko kunwari ang sarili ko sa paglalaro ng buhangin..

"Nagmeryenda na kayo, Love?" tanong ko sa kanya ng hindi pa rin sya nakibo.

"Hindi pa." tipid na sagot nito

"Gusto mo ba mag-order ako ng banana sundae? Masarap daw banana sundae nila dito." nakangiting ani ko dito

The Other Side (JelRi Fanfiction) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα