"Ha?" baling ko sa kaniya.

He looked over to me while driving. "Okay ka lang?"

"Ah, yeah. Pagod lang," sagot ko. Tumingin ulit ako sa bintana at sumandal sa upuan.

"Magpahinga ka nalang pagdating sa bahay. You can use my room."

Tumango lang ako. "Thanks."

Sa loob ng isang oras, narating din namin ang Rosalie's. Buhay na buhay pa ang lugar dahil alas sais palang naman. Sa main door kami dumaan kaya nadaanan namin ang mga kumakain sa first floor. Sinalubong si Raffy ng isang serbidora na sa tingin ko'y nasa mid-30's.

"Nasa taas si Ate Sally, Raffy," anito.

"Anong ginagawa?"

"Naghahanda ng lulutuin para sa hapunan ninyo."

Napatingin si Raffy sa wrist watch niya. "Naghahanda? Magluluto siya? Hindi kami rito kakain sa baba?"

Nagkibit-balikat ang serbidora.

Napailing si Raffy. "Sige. Thanks Trina. Akyat na kami."

Tumango si Trina. Nang magawi sa 'kin ang kaniyang tingin ay nginitian ko siya saka ako sumunod kay Raffy papunta sa second floor.

Sala ang agad na sumalubong sa amin pag-akyat, pero wala roon si Tita Sally. Tumuloy si Raffy sa kusina habang nakasunod naman ako sa kaniya. Nakita namin si Tita Sally doon, naghihiwa siya ng mga gulay.

"Nay," bati ni Raffy sabay halik sa pisngi ng nanay niya.

Ngumiti lang naman ako sabay bati, "Hello po, Tita."

"Nandito na pala kayo. Kumusta, Sia? Kagagaling mo lang sa trabaho?"

Tumango ako. "Opo. Sinundo po ako ni Raffy sa university para sabay na kami."

"Anong niluluto mo, Nay?" tanong ni Raffy habang namumungkal ng mga nakasalang na kaldero. "Ano 'to? Baka?"

"Oo. Bulalo," ani Tita sabay kindat sa 'kin. "Paburito ng Tatay mo."

Kumuha si Raffy ng tinidor tsaka tinusok ang karneng pinapakuluan.  "Kanina pa ba 'to?"

Napatigil si Tita Sally sa kaniyang ginagawa. Tapos, hinarap niya si Raffy at inagaw rito ang tinidor. "Pakikialaman mo nanaman ang ginagawa ko. Ako nga ang magluluto ngayon eh."

Umiling si Raffy sabay ikot papuntang sink para maghugas ng kamay. "Hindi na, ako na rito Nay. Mag-relax na kayo dun. Go. Chupi."

Bahagya akong napangiti. Honestly, hindi ko alam kung anong gagawin, makikisali o magpapaalam na umalis. Pero nakakatuwa silang panuorin.

"Ano-- ay hindi. Aagawan mo nanaman ako. Kusina ko, luto ko."

"Hindi nga, ako na--"

"Ako nalang tuloy," ani ng isa pang boses mula sa likod ko. Nakita ko si Jerald sa bukana ng kusina nang umikot ako. "Nag-aagawan nanaman kayo."

Seriously, bakit bigla-bigla nalang sumusulpot 'tong kapatid ni Raffy? May talent ata 'to sa pag-sneak.

"Hindi," insist ni Tita. "Jerald, ayain mo 'tong Kuya mo. Magkuwentuhan kayo, mag-bahay kubo o kung ano. Sinabing ako ang magluluto eh."

Before RosaKde žijí příběhy. Začni objevovat