They already have the invitations. Strictly for invited guests lang ang party niya kasi. And Emerald's finding our invitations. Natigil lang siya nang sabihin ko nga ang tungkol sa bagay na iyon.

"You're leaving us? Ikakatalino mo ba ang pag-abroad?" mapait niyang sabi. I forced a laugh.

"Hindi. Kagustuhan ko rin naman kasi iyon noon kaya pinagbibigyan na ako ng magulang ko. I'll leave the country at the end of the school year so siguro ito na ang huling party natin?"

They all groaned. Nandoon ang pagtututol sa kanilang mga mukha. Though I still have no confirmation about it, they wanna protest.

Napasimangot si Summer at hindi mapigilang mapangiwi ang sarili. I know what they feel.

Lungkot at syempre, iyong panghihinayang na rin sa samahan namin. Hindi naman ako totally aalis sa grupo. I'll still get some informations from them through calls and texts.

"Eh paano na ang concert ng Labyrinth? Hindi ka a-attend? Gusto mo pa namang makapunta doon, 'di ba?" I sighed heavily.

Iyon na sana ang concert nila mismo kung saan ko makikita si Enzo bilang gitarista nila. Not in school, but in front of thousands of people witnessing their talents. Sayang nga lang dahil mukhang hindi na mangyayari pa iyon.

"I don't think I can go. Just send me some videos and don't forget to tag me on IG on your posts."

"Eh kasi naman, eh! Bakit ba nangarap kang mag-aral sa abroad? 'Yan tuloy, dininig ng langit ang panalangin mo," tampo ni Reese. I rolled my eyes and grabbed my invitation.

It's a champagne colored thick paper which contains the names of the invited guests. Naroon ang venue at kung ano oras mag-uumpisa ang event. Nasa five star hotel iyon gaganapin.

"Hindi ka na ba talaga mapipigilan?You can finish your studies here instead there!"

"Nope. Gustuhin ko man o hindi, doon rin naman ako paaaralin."

"Hmp. So we'll get you drunk on my party, then. Total ay mukhang pa-despedida na namin iyon sa'yo, sasagarin na namin," she said which made me frown. Hindi talaga nila gugustuhing hindi ako nagagawan ng kung ano.

Wala rin naman akong magawa dahil baka iyon na ang huli naming bonding na magkakaibigan. It's been months since I haven't got a drink already.

And when her birthday came, I really prepared myself. Kinuha ko na iyong pinareserve kong damit saka ako na rin ang nag-ayos ng sarili. I don't need a make-up artist. Simple lang naman iyong make-up saka gabi naman.

I curled my shoulder length green hair and wore my dress. Ang nakasaad doon sa invitation ay 8 pm ang start ng party pero 7:30 na hindi pa ako natatapos.

Nang tuluyan ko nang maayos ang sarili ay nag-send ako ng picture kay Mama. She knows that I am attending Emerald's party so she's also invited.

Mas pinili kong hindi na muna makisabay sa kanila dahil panigurado akong magrereklamo lang iyon kapag natagalan ako sa pag-aayos.

They're already at the venue so anytime soon ay mag-uumpisa na raw.

I grabbed my purse and stared at myself in the mirror for the last time.

"Ready," I whispered before going down and drove the car to the venue.

Good thing I was not stuck on the traffic. Mabilis kong minaneho iyon papunta sa parking lot.

Something Great (Valdemora Series #3)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें