🎡PF Bk2 ~ Chapter 23🎡

115 7 2
                                    

Hindi alintana ni Princess Fiona ang sitwasyong pisikal ng kanyang kapaligiran. Ang tanging bumabagabag sa kanyang may kapansanang isipan ay ang pagkakawalay niya sa iilang taong natutunan niyang pagkatiwalaan dahil ramdam niya ang malasakit ng mga ito magmula pa nung nabubuhay ang kaisa isang taong hindi naman niya kadugo na minahal siya kung ano siya at natutunan na din niyang mahalin sa konsepto ng pagmamahal ng isang katulad ni Princess Fiona. Takot ang namamayani sa kanya sa loob ng institusyong minsan na niyang kinasadlakan, bukod pa sa dito sa ganitong uri ng lugar siya isinilang.

Maaaring isang ehemplo si Fifi na nagpapatotoo na may kabutihan sa bawat isang tao dito sa mundo. Oo nga't sa gitna ng karahasan nabigyang buhay si Fifi ng kanyang inang si Moira, ngunit kinasangkapan lamang siya nito para sa panasariling pakay. Mas nananaig na ngayon kay Fifi ang mga aral at kabutihang iminulat sa kanya ni Nana Beka.

"Huy! Sino ka?"

Nagulat si Princess Fiona nang isang mukha ang nakaumang sa kanyang sariling mukha habang siya ay nakahiga at nakapikit sa pinasadyang papag na may manipis na kutson. Ang mga pintuan sa mga ward sa pagamutang iyon ay walang lock para na rin sa seguridad ng bawat pasyente. Tanging ang mga bayolenteng inmates lamang ang inila lock ang pinto sa labas ng silid. Ang ibang hindi naman talaga nakapipinsala sa iba at sa sarili ay malayang makalalabas ng kani-kaniyang silid kung nanaisin nila. Ngunit bihira ang lumalabas kahit pa walang lock ang mga silid sapagkat halos lahat ng pasyente duon ay praning o takot sa mga nurses at orderlies ng ospital.

"Bago ka lang dito noh?" Tanong pang pahabol ng mukhang kinamulatan ni Fifi sa pag idlip. Isang halos kaidaran ni Fifi na babae, madilat ang mga mata na may mahahabang pilikmata at kulay lumot na mga mata. Hindi agad nakasagot si Fifi at halos ilang minuto niyang tinitigan ang mukhang halos dumikit na din sa sarili niyang mukha na tila ba inuusisa ang bawat tupi at pagliko ng kanyang hitsura. Ngumiti ng malawak ang istranghero kay Fifi at lumitaw ang sungki sungki nitong mga ngipin na sa halip na makabawas sa pagiging kaaya-aya ng anyo nito bagkus ay nakapagbibigay pa dito ng puntos pagdating sa hitsura. "Ah alam ko na! Pipi ka ano? Ako nung bagong dating ako dito ganyan din ako, akala nila pipi din ako. Ayoko lang magsalita noon. Hindi ko din sila tinitingnan pag kinakausap nila ako. Hanggang wala ng kumakausap sa akin. Eh di tahimik! Walang kuda ng kuda sa harap ko. Yung nasa isip ko nga lang, walang preno sa pag kuda. At saka alam mo ba..." Walang prenong pagkukwento ng kaharap ni Fifi.

"Hin-hindi aman ako pipi eh. Kakasalita ako. Gulat mo lang kasi ako."

"Aaahh. Ako si Clarita. Nasaksak ko kasi yung stepfather ko nung huling bugbugin niya si Nanay ko kaya ako nandito. Sabi nila hindi ko daw alam na masama yung ginawa ko at hindi ko din daw alam na nasaksak ko ang demonyong iyon kaya ako nandito. Ikaw? Bakit ka nandito?"

"Di ko laam (alam) eh."

"Hmm..." nagpalinga linga si Clarita sa gamit ni Fifi at namataan niya ang folder na naglalaman ng Certificate of Confinement in an Institution for the Criminally Insane na nasa gamit ni Fifi. Kaswal na binulatlat ang folder at binasa ang nakapalaman sa dokumento. Tatango tango nung una, kinalaunan sa pagbabasa ay lalong nanlaki ang madilat na mga matang may magandang pilikmata. Susulyap kay Fifi nang panandalian pagkatapos ay babalikan ang binabasa na tila manghang mangha.

"In-born ang sa iyo" at ang mga sumunod na nabasa ni Clarita ay gumimbal sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa na tataglayin niya hanggang sa kanyang wakas ~ hereditary...born in an asylum...product of rape...violent early childhood...cannibalism...
abandoned...illegally adopted...dwelling was local carnival...with previous murder incidents (victims of mother) similar to m.o. of moira manansala (mother)...latest crime: multiple murder with cruelty and mutilation that a normal person would never even conceive of doing...cannot be held answerable to law due to Exempting Circumstances (Insanity) but is imperative that she be locked up and treated in an asylum INDEFINITELY.

"Wow and tindi mo pala. Akala ko astig na ako pero lodi ka! Pero may sasabihin ako sayo na malamang ganito ka rin. Sikreto lang ha, pero hindi naman ako talaga baliw. Well, sabi ng abugado sa PAO maaaring may katiting na tililing pero di sapat para mapunta ako dito. Umiwas lang talaga ako sa kulungan sa Munti. Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Ako si Princess Fiona Irma Manansala. Fifi for short hihihi."

Tiningnan lang ni Clarita ang kaharap. Matagal. Napaisip siya. Sa dalawang taong inilagi niya dito ngayon lang siya naka engkwentro ng pasyente na tunay na naglalarawan kung para saan at kanino talaga ipinatayo ang asylum na ito. Para sa mga taong pinangalanan ng Princess Fiona Irma Manansala ng kanilang mga magulang.

Pangalan pa lang may saltik na ng pagka special.

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Jan 23, 2021 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

🔪PRINCESS FIONA®️ Book 2🔪 (Lagim sa Peryahan) 🎡जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें