"Hindi kita pinipilit magpanggap, Dastan." Sagot ni Ina na nakapagpabalik ng atensyon ko sa kanya.

Tipid kong sinimsim ang natitirang dugo sa aking kopita bago ako tumalikod mula sa bintana at humarap sa kanya. 

"But it will ruin their plans. Those idiots. I will let them believe what they wanted, then."

My mother chuckled lightly. "They can never manipulate you, son."

"Kilala ko ang mga kapatid ko. Sa paanong paraan nila ako mamanipulahin? They maybe good actors, but I am better."

Simula nang imulat ako nina ama't ina sa responsibilidad na siyang kakaharapin ko sa sandaling ako'y maupo sa trono, natuto na akong magpanggap sa iba't ibang paraan.

Buong akala ng mga kapatid ko at kapareha nila'y nagawa nilang mapagtagumpayan ang pananatili ko sa palasyo upang huwag sundan si Leticia, ngunit ang pananatili ko rito'y sarili ko nang desisyon.

They didn't stop me. I stopped myself. Bagay na hindi ko akalaing magagawa ko.

Nang sandaling tumakbo si Leticia mula sa palasyo, wala na akong ibang inisip kundi paano siya susundan. Kung paano siya maibabalik sa palasyo at kung paanong muli ko siyang mayayakap sa paraang hindi na siya makalalayong muli sa akin.

Hindi miminsang hiniling kong sana'y manatili si Leticia sa kanyang nakamulatang pag-iisip. Ngayo'y mas naiintindihan ko na ang nararamdaman ng mga kapatid ko sa tuwing pinipilit ng mga babaeng minamahal nilang gumawa ng mga hakbang na ikapapahamak nila.

Natatakot ako. Kinakabahan... na ang tanging gustong makita ng aking mga mata'y siya. Ang nais marinig ay ang kanyang boses at wala nang ibang nais hawakan kundi siya.

Leticia, my innocent goddess with her pure heart. I want to lock her inside our room, and be my only queen. Reynang ako lamang ang paglilingkuran... reynang akin lamang luluhuran, at reynang ang mga kamay ay para lang sa akin.

But Leticia didn't go down in this world for me. She isn't a goddess for me. She has a throne not behind mine, but beside me.

Siya ang diyosang hindi dapat itinatago kundi dapat inihaharap sa lahat. She's a fighter, the moment I laid my eyes on her.

"Dastan, mahal ko..."

Tila lalong nanuyo ang lalamunan ko habang paulit-ulit naririnig ang tawag niya sa akin sa tuwing hinahabol ko siyang tumatakbo patungo sa sekreto naming lugar... sa lugar kung saan niya unang ipinagkaloob ang kanyang sarili sa akin.

Nakikita ko ang sarili kong repleksyon sa bintana. My eyes couldn't betray what I always felt for her.

Uhaw kong siyang tanging makakasagot.

"Are you mad at them?"

Tumaas ang kilay ko sa katanungan ni ina.

"Kailan ako nagalit sa mga kapatid ko, Inang Reyna? I spoil them too much."

Ngumiti si ina sa akin.

It could be Kalla or Claret who plotted the whole plan. Pinaniwala nila akong bukas na ang kweba at nakapasok na roon ang grupo ni Leticia, isang malaking dahilan upang hindi ko na magawang makasunod pa sa kanya.

Alam ng lahat na sa sandaling pumasok ako roon, mas magiging komplikado ang sitwasyon. Iba ang oras pagdating sa kweba, malaki ang posibilidad na mas matagal akong mawala at ang kawalan ng presensiya ko sa paparating na digmaan ay isang malaking kaguluhan.

Kaya gaano man kataas ang kagustuhan kong sundan si Leticia, wala na akong magagawa kundi bumalik sa palasyo, maghintay at manatiling nasa digmaan ang atensyon. 

Moonlight War (Gazellian Series #5)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt