QUARANFLING 57

591 27 2
                                    

Ahmed Azarcon:
Good morning, baby! Sorry na sa kagabi po.

Ahmed Azarcon:
Sa susunod kokontrolin ko na selos ko.

Neily Gracielle:
Sorry din kung ganito lang ako.

Ahmed Azarcon:
Nope. Hindi naman ganon ang ibig kong sabihin kagabi. Syempre gusto ko lang din na kinukulit at nilalambing, pero ayos lang. Okay na ako sa kung ano ang kaya mong ibigay sa akin. Ikaw pa lang sapat na e. Mas sobra pa sa sapat.

Neily Gracielle:
Sus! Sinasabi mo lang yan kasi nagtatampo ako.

Ahmed Azarcon:
Hindi. Hindi ganon, baby. Hindi kita iiwan po. Hindi ako aalis kahit ipagtulakan mo pa ako sa iba.

Neily Gracielle:
Gusto kita, pero alam kong darating din 'yong araw na kakainin mo lahat ng sinasabi mo sa akin ngayon.

Ahmed Azarcon:
Hindi nga po ako aalis. Huwag mo kasi pangungunahan a. Kapag umalis ako, kapag ginawa ko 'yon ako ang talo, hindi ikaw.

Ahmed Azarcon:
Nag-iingat na nga ako e, kasi natatakot akong maiwan. Tsaka mag-stay pa rin ako sayo kahit anong gawin o sabihin mo.

Neily Gracielle:
Lahat naman tayo takot maiwan.

Ahmed Azarcon:
Alam ko naman 'yon, pero sana nga 'wag mo pinangungunahan.

Ahmed Azarcon:
Sorry, Neily. Sorry kung hanggang ngayon wala ka pa rin tiwala sa akin.

Neily Gracielle:
HAHAHAHAHHHA

Neily Gracielle:
1v1 nalang tayo sa ML😌

Quaranfling Where stories live. Discover now