Chapter 1

6 0 0
                                    

Katatapos ko lang bihisan si Dark at Grey nang biglang tumunog ang aking telepono.

"Huwag kayong makulit sasagutin ko muna ang telepono," saad ko pero hindi na yata nila ako narinig dahil abala sila sa hinawakan nilang laruan.

Dali-dali kong kinuna iyon at nakita ang pangalan ni Bree.

I press the answer button.

"Kamusta ang biyahe niyo?" Nag-aalala kong wika habang pasimpleng pinagmamasdan ang kambal na naglalaro.

Wala na sa Belgium sina Kiefer at Valentina. Napagdesisyunan kong ipaalaga sila sa lolo't lola ko sa Palawan. Kahit papaano naman ay alam kong namumulat na rin sila at kaya na rin alagaan ang kanilang mga sarili.

Nagpapasalamat din ako dahil di na sila nagtanong pa kung bakit biglaan ang kanilang pag-uwi sa Pilipinas. Tumawag na rin ako sa lola ko tungkol don. Tuwang-tuwa nga ito sa binalita ko at sinabing aalagaan daw nilang mabuti ang apo nila.

Well I'm so glad for it. Si Bree rin ang nagkusang sumama sa kanila pauwi ng Pilipinas upang masiguro ang kaligtasan nila. 

"Valentine nakikinig ka ba?" Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ang boses ni Bree mula sa kabilang linya.

Napakagat ako ng labi at humingi ng tawad. Ligtas naman daw silang nakadating sa Pilipinas. Babalik din daw siya pagkatapos maihatid ang kambal sa  Palawan.

Pagkatapos ng tawag ay inihanda ko na ang gamit ng dalawa dahil isasama ko sila sa aking trabaho.

Nagtatrabaho ako bilang secretary sa isang kompanya. Ang sweldo ko don ang bumuhay sa amin sa loob ng isang taong paninirahan dito sa Belgium.

"Mama wanna eat donut," nakangusong saad ni Dark paglabas namin ng condo. Halos magwala ang puso ko habang pinagmamasdan ang ekspresyon niya.  Ang pula-pula kasi ng mga labi tapos ang balat napakaputi at parang hindi Pilipino. Minsan nga  hindi naniniwala ang mga kapit-bahay at katrabaho ko na pinoy ang tatay nila at iyon ay  dahil sa kulay abo nilang mga mata.

"Mom will buy you donut,"  sagot ko at halata ang galak sa kanyang mukha. Nilingon ko naman si Grey na tahimik lang na nakatitig sa akin. Pareho ko silang karga-karga at hindi pa naman sila mabigat.

Napansin kong may sakay patungo sa aming floor  kaya hinintay ko nalang bumukas iyon.

"We love mom, we love mom," paulit-ulit lang nila sinasabi iyon habang pinugpog ako ng halik. Natatawa nalang ako.

Pagbukas ng elevator ay papasok na sana ako pero bigla din akong natigilan nang makilala ang sakay nito.

Nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso. Ang kambal ay nakakatitig din sa mga taong iyon.

---

" Glad to know that you're all fine," kay Tita Nea iyon nanggaling.

Sila ni Tito Rile ang nabungaran namin sa elevator. They want to talk to me kaya pumayag naman ako. Nagtext nalang ako sa boss ko na liliban ako sa trabaho.

Nasa isang restaurant kami di kalayuan sa aming apartment.

"Ano pong gusto niyong pag-usapan?"

Kinakabahan man subalit tila pansin kong wala silang galit sa akin. Imposible  namang mananatili silang  kalmado despite of what I have done to their son.  Tila may mali.

"We  came here to visit our grandchildren. Ano man ang gulo niyo ni Zion ay hindi na namin iyon papakialaman," nakangiting tugon ni Tita Nea.

Tinuon ko ang aking tingin kay tito Rile. Wala sa kanila ang ekspresyon na inaasahan ko. Posible bang di nila alam ang tungkol...

Ugly Duckling Series 2: Hunting The Wild BeastDove le storie prendono vita. Scoprilo ora