Chapter 05

19 1 0
                                    

Nakatingin siya sa akin at simple itong iniwas bago siya tumingin sa kawalan. Iniwas ko nalang rin ang tingin ko at pinagmasdan ang nag niningningang mga bituin.

Tahimik lang kaming nag s-stargazing nang biglang dumating si Boss Jim. Parang may hinahanap siya at nagulat nang makita kami.

“Ay…” Sabi ni Boss Jim nang maabutan kami sa balkonahe.

“Andito lang pala kayo. Bumaba na kayo para kumain, kayo ha…” Sabi niya tsaka kami tinignan ng nakangisi. Nag-paalam nalang ako na mauna na sa baba.

“Oh san ka galing? Akala ko pa naman nauna ka na dito.” Bungad ni Chin ng makita ako papunta sa dining area.

“Nagpa-hangin lang ako.” Sagot ko naman bago ako inaya ni Tita Mona umupo.

“Saan na ba ‘yong mga boys? Ay eto na pala.” Napatingin naman kami sa may hagdanan nang marinig namin ang malakas na tawa ni Boss Jim. Napasapo nalang sa noo ang misis niyang si Tita Mona.

“Oh hello girls.” Bati ni Boss Jim tsaka umupo, napangiti lang kami at yumuko para magbigay galang kila Boss.

“Let’s eat!” masiglang sabi ni Tita Mona nang matapos kaming magdasal. Magkatapat si Boss Jim at Tita Mona, magkatabi naman kami ni Chin habang sa tapat ko si Kuya Matt.

“Halatang magaganda ang parents ng mga batang ito.” Biglang sabi ni Tita Mona tsaka napangiti kaming tinignan. Napatingin naman kami ni Chin habang nahihiyang ngumiti.

“Sino ba ang mga parents niyo?” Tanong naman ni Boss Jim bago kumain ulit habang hinihintay ang sagot namin.

“Bernardo Villanueva at si Anna Villanueva.” Sagot naman ni Chin. Hindi ko alam kung kailangan ko bang sabihin kung sino talaga ang magulang ko kasi panigurado makikilala nila.

“Nasa probinsya pa rin ba sila? Tsaka kinakamusta ka ba palagi?” Tanong naman ni Boss Jim. Napatango naman si Chin.

“Yes po, nagsasaka po sila. Araw araw po talaga sila tumatawag para po kamustahin ako.” Kwento niya naman tsaka ngumiti. Nakaramdam ako ng inggit. Hindi naman siya pinalad na mabigyan ng mala-prinsesang buhay pero ang yaman niya naman pagdating sa pagmamahal ng pamilya.

Isang sikat na business woman ang Mommy ko, iyon ang alam ng mga tao. Pero sa likod nun, isang negosyong illegal. Ang akala ng lahat ang furniture company ni Mom ang nagpa successful sa kanya.

Naabot lang ni Mom ang pangarap niyang umunlad ang furniture shop niya noon na ngayon ay isang kompanya lang. Nag engage siya sa mga illegal na gawain para mapadali ang paglaki ng kanyang kompanya.

“How about you Ali?” Tanong naman sa akin ni Tita Mona, napaayos ako ng umupo tsaka ngumiti ng tipid. Sakto naman na napaharap ako kay Kuya Matt, tinignan niya ako na parag inaalam ang reaksyon ko. Napaiwas naman ako agad ng tingin tsaka tumingin kila Tita Mona.

“Um… Ara and Rio po.” Sagot ko naman tsaka ako ngumiti.

“Ara and Rio?” Tanong naman ni Boss Jim. Hindi ko alam kung magsi-sinungaling ba ako or aamin ko na—

“Jim, may pagkain pa ba tsaka kape?” Biglang tanong ni Kuya Matt, kaya naagaw ang atensyon nila.

“Pagkain pa? Ang takaw mo naman ngayon Matt.” Sagot naman ni Boss Jim tsaka sila sabay na pumunta sa kitchen.

“Ako na magtitimpla ng kape, anong gusto niyo girls?” Tanong naman ni Tita Mona sa amin.

“Okay na po ako sa juice.” Sagot naman ni Chin at tinuro ang pitcher sa mesa na may juice.

“Ako rin po, okay na ako sa juice.” Sagot ko naman. Nagpaalam naman si Tita Mona na pupunta sa kitchen, tumango lang kami ni Chin at ngumiti.

“Okay ka lang ba, Ali?” Tanong ni Chin habang kumukuha ng pagkain sa plato niya.

A Rich Feeling Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ