"Go on," bigla itong napatigil sa ere. "Slap me. Tingnan natin kung sino ang makakatikim ng suspension bukas na bukas din."

Naikuyom niya ang kamay sa sobrang panggagalaiti. Tiningnan niya ako nang sobrang talim pero maya-maya lang ay ibinaba niya ang kamay at labas sa ilong na tumawa.

"Magsusumbong ka, Aphra? Kanino? Kay Papa Baldwin Aronson? I heard he likes you."

Nagtawanan silang lahat pero halata ang pandidiri sa bawat tingin nila sa akin.

"Nakakalungkot naman na wala kayong alam sa school rules natin. Kahit handbook man lang, pasadahan nyo ng tingin."

"How dare you?"

"Ang pagiging bayolente niyo ay sa department head sinusumbong, hindi sa kung sino-sino lang. Remember that. You might find it useful in the future. Iwas kahihiyan."

Sasampalin na sana niya ulit ako nang pigilan siya ng isa sa mga kasama.

"Patricia, enough! You'll be committing grave offense if you'll continue doing that."

"Absolutely," nakangiti kong baling sa nagsalita. "Buti na lang may nag-iisip sa grupo ninyo. Iwas kahihiyan din 'yan."

Habang patagal nang patagal ay papula nang papula ang mga mukha nila. One of them laughed sarcastically. She then stepped in front of me, blocking that Patricia girl from my view.

"Kung talagang matapang ka, wag kang magsusumbong. Lumaban ka!"

"I'm fighting through the right process, and that makes me braver than you."

Sinabi kong wala akong pakialam sa iisipin nila pero hindi ko pa rin maiwasang mabahala lalo na't minsan ay dinadamay nila si Mama at Papa.

"I heard her mother left her father for another man. Mukhang may pinagmanahan," dinig kong pag-uusap ng dalawang blockmates ko dati na ngayon ay nagre-retake ng accounting.

Nagpatuloy ako sa pagkuha ng gamit sa locker pero ang kalamnan ay unti-unti nang nanginginig ngayon.

"Baka rin kasi masama ang ugali ng kanyang tatay kaya iniwan?"

"If that's the case, mukhang namana niya ang ugali ng dalawang magulang."

Pabagsak kong sinara ang locker ko at humarap sa kanilang dalawa. Sabay silang nag-iwas ng tingin at kunwaring may kinukuha sa loob ng locker. I twitched my lips, feeling disgusted of these two. Kaninang nakatikod ako ay walang preno ang bibig pero ngayong nakaharap ako ay halos hindi makatingin sa mukha ko? Truly disgusting.

"Ang dami niyong alam sa akin, ah? Kaya pala wala nang pwesto ang accounting sa utak niyong dalawa."

I know I've gone too far. Masyadong sensitive sa bawat accountancy student and usapang retake. Pero masisisi niyo ba ako? Magulang ko na ang sinali nila. Ako nga na iniwan ay hindi kayang sabihan ng malandi ang ina. Ako nga na sinaktan ay hindi kayang sabihan ng masama ang ama. Sila pa kaya? Who do they think they are?

I didn't see Sulivan anymore after that. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako pero siguro ay gano'n nga. Baka natatakot na muling magselos ang girlfriend. Ni hindi siya pumupunta sa library para mag-review at nagpapasalamat ako sa bagay na iyon. Kung makita pa kaming magkasama sa library, baka tuluyan na ngang sumabog ang ulo ng lahat sa sobrang pag-iisip.

Medyo nakakapagtaka lang dahil parang wala lang ang nangyari sa mga kaibigan ni Sulivan. Hindi sila nagpaparinig sa akin at ang madalas na pang-aaway sa akin ni Dylan ay nabawas-bawasan na. Pero ang mga ibang students galing sa block b at iba pang blocks, pati na rin ang mga galing sa ibang year levels, at ang mga galing sa ibang departments ay patuloy pa rin sa pagpaparinig.

Hindi doon nagtatapos ang lahat. Maging si Elleanor na akala ko'y matino ay mukhang nadala rin sa issue. Paglabas ko ng cubicle ay sinalubong ako ng tingin ni Elleanor. Ito ang unang beses na makita ko siya matapos kumalat ang usapang panlalandi ko sa boyfriend niya.

Dumiretso ako sa sink at naghugas ng kamay.

"Can we talk, Aphra?" marahan niyang tanong.

Taas-kilay akong tumingin sa reflection niya sa salamin. She slowly parted her hair sideways before giving me a sweet smile.

"We'll be celebrating our first year anniversary four months from now, did you know?"

Nang matapos sa paghugas ng kamay ay tumayo ako nang tuwid at nilingon siya. Nanatili lang siyang nakatingin sa salamin habang maingat na sinusuklay ang buhok.

"You might think that's too short, yeah, and that maybe explains why you've tried to steal him away from me."

Muli siyang ngumiti nang matamis. If only I couldn't understand what she's saying, I'd probably think she was complimenting me because of her sweet smile and soft voice. I didn't expect her to be like this.

I crossed my arms and stared at her with no hint of interest.

"Too bad we're not talking about the time we've spent together, we're actually talking about the time me and Sulivan will spend together in the future. You see, Aphra, I am not just Sulivan's girlfriend. I am his fiancée."

"Congratulations, then?"

She ignored my statement.

"Our parents have agreed to make connection between our family through marriage," tumingin siya sa akin at ngumiti. "I hope I didn't hurt your feelings by saying this."

Ngumiti ako at umiling.

"Actually, I'm more worried about you."

Bahagya niyang kinunot ang noo niya pero nanatili ang matamis niyang ngiti sa labi.

"After knowing that you'll be marrying each other because of your parents' decision, I'm afraid that Sulivan don't love you at all. Maybe he was just forced to marry you."

I smirked and left her with her parted lips. What I said is maybe true or maybe not. I didn't intend to scare her but if she would be threatened, that's not my problem anymore.

Kung talagang kampante si Elleanor na mahal siya ni Sulivan, hindi siya matatakot nang dahil lang sa isang babaeng kagaya ko. She got it all. Ano pa bang kinakatakot niya?

Sulivan will marry her but here she is, throwing some accusations towards me. I thought she's near perfect but I realized now that she's far from being perfect even she got the wealth, the beauty, the fame, and the brain.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ