"Ang kakapal talaga ng mukha"

"Anong balak mo? Nagkausap na ba kayo?"

"I don't have enough time to talk to them"

"Don't have enough time,or you don't have time to talk about shit?"

"Both" And then i chuckled.

Wala talaga akong balak kausapin sila,lalo na si karen. Hindi dahil sa selos kundi dahil sa galit. After all ng binigay ko sa kanyang effort at pagmamahal? Nagawa nya pa din akong traydurin? Ha! Magsama sila! I don't care at all, mga kampon ni satanas.

Aaminin ko,kahit papano ay mahal ko pa din si mark,though pinayagan kong manligaw si cybier pero it doesn't mean na ginagamit ko lang s'ya para makapag move on kay mark. No,di ako gano'ng tao.

Maya-maya pa'y dumating na si miss maya,P. E teacher namin.

"Okay class, i'll give you 10 minutes para mag-prepare, iintayin ko kayo sa gymnasium"

Pagkalabas ni ma'am maya ay kanya-kanya ng ayos ang mga kaklase ko. Ang mga ibang babae ay todo paganda pa,palibhasa'y senior, matinik sa junior. Makeup-makeup pa, mabubura rin naman.

Nagtali na lang ako ng buhok at tinupi ang pants hanggang tuhod.

"Let's goooo!" Excited na sabi ni zoey. Sumunod naman kami sa kanya pababa.

Nang makarating kami don ay kami lang ang estudyanteng nandun kaya masaya ako dahil makakakilos ako ng maayos, kapag may kasama kasi kami dun ay puro sipol at hagikgikan lang ang maririnig ko.

"Andito na ba lahat?" Tanong samin ni ma'am "Okay,so dahil nandito na tayong lahat, Mr. Flores,can you please lead for stretching?" Si Flores ay ang kaklase naming bakla.

"Yes ma'am!!!"

Nagsimula kami sa stretching,nakaka excite dahil nagpapatawa si flores kaya nawala yung kaba na kanina ko pang nararamdaman.

"So let's proceed na,lahat naman ata ng boys ay marunong magbasketball? Am i right?" Si ma'am.

"Si flores ma'am di natin sure hahahahahha" Sabi nung kaklase kong joker na si ramirez.

"Eh kung batuhin kaya kita ng bola? Hahahahha" Rebat sa kanya ni flores kaya nagtawanan kami.

"Stop, stop" Natatawang sabi ni ma'am. "Sa boys muna tayo magi-start,shooting muna tayo,kung ilang points ang makuha nyo sa loob ng tatlong minuto ay points na ida-dagdag ko directly sa quiz nyo."

"Yun ohhh!!!"

"Yeees!!"

"Bait ni ma'aaaam"

Nagline si ma'am mark kung saan tatayo at duon magshu-shoot.

"3 lines.. so 1 minute per 1 line,dito kayo magi-start sa pinakamalapit, and the rest." Sabi ni ma'am at saka nag-instruct. "First ang boys,and girls."

Alphabetical ang pagshoot,mauuna ako sa mga kaibigan ko kaya nagstretch ulit ako.

"Galingan nyo girlsss!!" Nakangiting sabi ni lucy pagkahupo ko sa tabi nila.

Nang matapos ang mga boys ay nagready na ako. Ang ine-expect ko pa naman ay totoong basketball game,pero shooting lang pala itong gagawin namin.

"Coleman" Tinawag ni ma'am si nathalie.

The One That got Away Där berättelser lever. Upptäck nu