"Wala, wala akong nakita." Sakay nito sa sinabi ni Sam kaya natawa sya habang umiiyak.

   "Hey, wag ka nang umiyak." Masuyong sabi ni Lei sa kanya at niyakap pa sya nito kaya lalo syang napaiyak dahil hindi nya akalain ang mga taong ginagawan nya ng kasamaan ay ang mga tao rin palang tutulong sa kanya. Ang akala nyang mga kaibigan nya ay inilaglag sya sa sarili nyang magulang. Isinumbong ng dalawa nyang kaibigan ang ginagawa nyang pambubully dito sa school ng pinatawag ang mga ito sa office.

   "Nahihiya kasi ako sa inyo. Kayo ang ginagawan ko ng hindi mabuti pero kayo rin ang nagtanggol sa akin mula sa pananakit ng daddy ko. Yung akala kong mga kaibigan ko ay sila rin palang trumaydor sa akin." Iyak lang ng iyak si Penelope kay Lei dahil sa sama ng loob.

   Hinagod-hagod naman ni Lei ang kanyang likuran. "May mga ganyang tao talaga Penelope, kaibigan ka lang nila kapag may nakukuha sila sayo pero once na wala na silang kailangan sa iyo ay basta ka na lang nilang iiwan."

   "Correct! Yan ang masarap ibala sa kanyon eh." Gigil na sabi naman ni Sam kaya napatingin rin sya rito.

   "Lei, Sam and Steven, sorry sa lahat ng nagawa ko sa inyo. Nagpabulag ako sa galit para sa ama ko. Pakiramdam ko kasi ay nagagantihan ko si daddy kapag may pinahihirapan akong ibang tao pero mali pala ako. Sarili ko ang sinira ko dahil sa ginawa ko."

   "Now Penelope, hope you've learned your lessons now." Seryosong sabi ni Steven sa kanya. Tumango-tango naman sya.

   "Lei..." Tawag nya dito ng magkalas sila ng yakap. Nakatingin lang naman ito sa kanya at hinihintay ang kung anumang sasabihin nya.

   "Can we be friends?" Nakayukong tanong nya rito.

   "Of course!" Kaagad naman nitong sagot at yumakap ulit sa kanya.

   "Uy, sali naman ako dyan." Si Sam. Sinenyasan naman ni Lei si Sam na lumapit kaya kaagad itong tumakbo papalapit sa kanila at yumakap din.

   "Pano naman ako?" Si Steven naman.

   "Come here." Sabi ni Penelope.

   "Ayieeehhh!!!" Asar naman sa kanila nila Sam at Lei kaya namula yung mukha nya.

   Ex nya kasi si Steven. Saglit lang ang kanilang naging relasyon dahil nakipaghiwalay ito sa kanya. Aminado syang sya ang may kasalanan dahil hindi nito natagalan ang kanyang ugali.

   "Muling ibalik na ba?" Asar pa rin ni Lei sa kanila.

   "Tigilan nyo nga ako." Saway naman sa kanila ni Steven at naglakad na papalayo sa kanila.

   "Wait!" Sabay-sabay naman nilang tatlong sigaw pero hindi sila pinansin ni Steven kaya tumakbo sila palapit dito.

   "Pikunin!" Asar ni Sam kay Steven sabay kurot sa pisngi nito.

   "Hindi ah. Bilisan na natin dahil malilate na tayo sa next period." Iwas nito sa issue kaya natawa sila dito.

   "Tara na nga." Pagsang-ayon ni Lei dito at binilisan na nila ang paglalakad.

  Masaya si Lei ngayon dahil okay na ang lahat. Nagkapatawaran na rin sila ni Penelope. Naintindihan nya na rin kung bakit ganon ang ugali nito. Panalangin nya ay sana magtuloy-tuloy na ang pagbabago nito.













Kyrie

   Sabado na ngayon at masayang-masaya ako dahil babalik na kami mamaya sa bahay namin ni Eros. Pasipol-sipol pa ako habang nagbibihis. Nagspray rin ako ng pabango, pagkatapos ay nagsuot na rin ako ng sapatos. Hindi pa ako tapos magsuot ng tumunog ang phone ko.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Where stories live. Discover now