"Hindi naman kami tao kaya okay lang iyon," wika ni Nadja. "Pero curious ako sa inyo ni Ricos, Genil. Bukod sa pagiging bitter ninyong mag-ex sa isa't isa, paano nga ba talaga nating kayo, ha? Kuwento ka naman diyan."

"Bakit? Bibigyan nyo ba ako ng pera kapag nag-aksaya ako ng laway sa pagkukuwento ng tungkol sa kanya?"

"Hindi naman tungkol lang sa kanya. Tungkol sa inyong dalawa."

She sipped on her juice with so much grace. "Sorry. But I can't remember ever having someone in my life named Ricardo Alvinez Caderao."

"Alam mo, Genil," singit din ni Winry. "Ganyan din ako noong ayaw kong tanggapin na may nararamdaman na rin ako kay Neiji. May tawag sa ganyan, eh. Ahm...in denial? Yeah, in denial."

"Hindi ako in denial. Masama bang kalimutan ang mga bagay na hindi naman naging maganda para sa akin?"

"Pero may nararamdaman ka pa rin kay Ricos."

"Wala na."

"Ows?"

"Kasabad nyo bala haw!" She sipped on her drinks once again. "Huwag kayong pasaway, okay? Nawawalan ng silbi ang pagpapa-facial ko sa kakulitan ninyo."

"Pero talagang hindi mo sasabihin sa amin ang nangyari sa inyo noon ni Ricos bago kayo naging mag-ex?"

Bahagya lang niyang tinapunan ng tingin ang direksyon ni Polly. "No. Its not worth our time."

"Bakit?"

"Its not worth our time," ulit niya sa kanyang sagot. "Kapag nagtanong pa uli kayo ng parehong tanong, sasabunutan ko na kayo."

Nagtawanan lang ang mga ito. Halatang kahit kailan ay walang balak na seryosohin ang mga sinasabi niya. Hindi na lang niya iyon pinansin dahil sanay na siya sa ugaling iyon ng mga babae ng Stallion Riding Club. Well, at least mga babaeng opisyal ng asawa at kasintahan ng mga club members. Saksi kasi siya sa mga kaganapan nang nagsisimula pa lang ang love stories ng mga ito. At isa siya sa mga taong may malaking kinalaman sa pagkakaroon ng happy endings ng kuwento ng mga ito. Kaya ngayong wala pang aktibong love story sa mga club members, siya tuloy ang napagtuunan ng pansin ng mga ito.

Mabuti na lang at aware siya sa mga ganitong eksena sa loob ng Stallion Riding Club. Hinding-hindi siya magpapauto sa sulsol at panunukso ng mga ito, lalo na at ang pinakaaayawan pa niyang tao sa mundo ang ipina-partner sa kanya.

"Kung ako sa inyo, puntahan na lang ninyo ang mga loveydubs ninyo sa racing arena," wika pa niya. "At nang hindi na ninyo ako iniistorbo sa pagpapahangin ko rito."

"Mamaya na," wika ni Winry. "May maganda pa kasing mangyayari ngayon, eh."

Nakita niyang nagkatinginan ang mga ito nang may makahulugang ngiti sa kanilang mga labi. Pagkatapos ay napansin niyang may kung ano o sinong tinitingnan ito sa likuran niya. At hindi siya slow para hindi mahulaan kung para saan ang makahulugang ngiti at tingin na iyon ng mga babae.

Ricos was behind her.

Pasimple niyang tinanggal ang maliit na payong na dekorasyon sa kanyang inumin at initsa iyon sa likuran niya. Hindi nga siya nagkamali. May tao sa likuran niya. Iyon nga lang, hindi ang pamilyar na boses ni Ricos ang narinig niyang nagreklamo kundi boses ng isang babae.

"What the hell?!"

Nilingon niya ang tumili. "Oh, sorry about that Patrice. Akala ko kasi walang tao sa likuran ko."

"Kahit naman alam mong may tao sa likuran mo, itatapon mo pa rin ang basurang iyon."

Doon lang niya tinapunan ng tingin ang katabi ni Patrice. Kung hindi lang dala ng matinding iritasyon niya para rito, buong puso niyang sasabihing isa na yata si Ricos sa pinakaguwapong nilalang na nakita niya. Lalo na ngayong suot nito ang uniporme ng Stallion Riding Club. Bahagyang basa pa ang buhok nito dala marahil ng pawis sa katatapos lang na monthly ranking tournament ng mga club members. Kaya tuloy ay mas na-emphasize ang taglay nitong kaguwapuhan.

Stallion #43:  RICOS CADERAO (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin