Chapter 21

11 4 0
                                    

Chapter 21

Selene's POV

After dropping off Ella, hindi parin mapakali sa kaka-isip ang utak ko. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko at sobra akong kinakabahan.

Low-profile ang pamilya ko, pero alam kong marami silang kayang gawin. Kagaya ng i-monitor ako kahit saan man magpunta.

Kung malaman man nila ang gulo ko kanina ay hindi na ako magtataka. Kailan ba naman nila ako hinayaang maging malaya diba?

Ang ikina-babahala ko lang ay baka iuwi ulit nila ako sa Australia. Matagal kong hinintay ang pagkakataong makabalik ako dito sa pilipinas, at ngayong andito na ako, bakit ko pa papalagpasin diba?

I have a lot of memories in here kahit pa konting oras lang akong nanatili noon dito, at gusto kong balikan lahat iyon.

Kinakabahan ako, pero hindi din maalis sa parte ng sarili ko ang inis dahil sa mga ginagawa nila.

"Selene, kinakausap kita." nabalik ako sa ulirat nang sabihin yon ni Bella.

"What?"

Malakas siyang bumuntong-hininga. "Anong gagawin mo? Wala ka pang isang buwan sa AU pero andami mo ng kaaway."

She's right. Mag-iisang linggo palang ako sa University na yan pero andami ko ng nakakabangga. Well, it's not all my fault. Hindi ko kasalanang ayaw nila sakin.

"Hindi ko kasalanan yon, Bella. Pero sa ngayon, wag nalang sana kayong magsalita tungkol sa nangyari kanina." seryosong saad ko.

Hindi na niya ako sinagot at nanatili nalang na tahimik hanggang sa makarating kami sa bahay.
Nakakapagod ang araw na ito, nakakapanghina.

Pagka-park ko ng kotse ni Bella sa garage ay agad din naman kaming bumaba, at pagdating sa pinto ay pinagbuksan kami ng mga maid.

Pagkapasok ay agad kaming sinalubong ni Kuya. Blangko at seryoso lang ang ekspresyon ng mukha niya habang naka-cross arms, kaya naman kinutuban na ako.

Hindi malabong alam na niya ang nangyari kanina.

"Meet me at my office in five minutes, Miracle Selene." seryosong usal niya at saka umalis sa harapan namin.

Wala na akong nagawa kundi ang bumuntong hininga nalang.

"Good luck." mahinang bulong pa sakin ni Bella at iniwan din ako.

I grabbed my phone inside my bag bago ko iniwan ito sa isang sofa na malapit sa akin.

Nasabi ko naman na dati diba? Nag tatapang-tapangan lang din ako sa harapan ni kuya. I act as if i'm not afraid and younger than him. Pero ang totoo, may parte sakin na natatakot din dahil iba siya kung magalit.

Naka-power off ang cellphone ko kaya naman, bago ako umakyat sa office ni kuya ay in-open ko muna ito.

Agad na nagsi-litawan ang mga notifications. Ngunit mas naagaw ang atensyon ko sa 9 missed calls mula kay kuya at 5 missed calls mula kay Daddy.

Ngayong araw lang ang mga missed calls na yon, and as far as i can remember, yon yung time na nasa daan kami pauwi.

Malamang ay nalaman nila kaagad ang nangyari, dahil imposibleng coincidence lang ang lahat ng ito.

Akma ko ng papatayin ang Cellphone ko ngunit agad ding napatigil dahil nahagilap ng mga mata ko ang isang pamilyar na pangalan sa screen. Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko.

It's such a long time ago mula nang mapadpad ang pangalan niya sa call history ko. Nakakagulat. Why so sudden? Nakakabigla. May lakas pa talaga siya ng loob na tawagan ako after all this time?

Unbelievable.

Naghahalo-halo nanaman ang nararamdaman ko. Naiinis ako, nagagalit at naguguluhan. Pero hindi ko maitatangging may parte sa akin na masaya, dahil sa wakas, nagparamdam siya. May parte sa akin na nanghihinayang, dahil hindi ko nasagot maski isa lang sa apat na missed calls niya. At may parte sa akin na umaasa parin hanggang ngayon, na baka maayos pa ang lahat sa aming dalawa.
Ngunit kahit pa gano'n ay mas nangingibabaw parin ang sama ng loob at galit ko sa kaniya.

Hindi ko pa nga naka-klaro ang mga naiisip ko ngayon, mukhang may dadag-dag nanaman.

I shook my head, hoping it'd help clear my thoughts. I just turned-off my phone, there's no use thinking about him.

He once stirred up my feelings, i won't let him do that again. I will try and convince my self to stop thinking about him, kasi hindi na nakakatuwa.

Nakakasawa ng balik-balikan ang nakaraan pero, bakit ba hindi ko padin magawang kalimutan? Tsk.

"Ms. Selene?" dinig kong tawag sa akin ng isang maid.

"Yes?" i arched a brow.

"Paki bilisan daw po ang kilos sabi ni Mr. Sander."

Bakit ba hindi siya makapaghintay?

Tumango nalang ako at Hindi na nag aksaya pa ng oras. Naglakad ako paakyat sa office ni kuya, kahit na kinakabahan.

Matagal ng may office si kuya dito sa bahay, dahil madalas umuwi ang pamilya ko. Except for me ofcourse. As i said, ngayon lang ako nakabalik sa Pilipinas.

When i reached the front door ng office niya ay hindi pa ako sigurado kung kakatok ba ako o ano, dahil sa kaba. But, i decided to knock just in case.

I knocked three times before finally opening it. I saw him sitting behind his desk straightly looking at me. A Lump starts to form in my throat.

I tried my best to act and remain calm while slowly making my way near him.

"What do you want?" i said, trying to keep it cool.

Hindi niya ako agad sinagot. He placed his arms on top of his desk and rested his chin on it, still being serious.

"What did i tell you about being in troubles?" he really look intimidating in that position.

Pakiramdam ko anytime ay iuuwi niya na talaga ako sa Australia.

"Did i say i'd obey it?"

"No. But it's your responsibility to do so, since it's an order from someone who's older than you."

"What am i, a child? Gagawin ko kung anong gusto kong gawin, Sander. Wether you like it or not."

"Stop doing this, Selene. Kelan ka ba mag titino?! It's such a simple order. Why can't you just do it?" he sounds frustrated now. "Ano? Lagi nalang ganito? Makikipag bugbugan ka nalang lagi? Babae ka, Selene! Kung lalaki ka sana ay normal lang pero hindi eh!"

He's voice is starting to get higher, and every words he utters causes my heart to beat even faster.

"Eh anong gusto mong gawin ko? Manahimik nalang kahit nasa panganib na yung buhay namin?!" i'm trying to be composed infront of him kahit pa nanginginig na ang kamay ko sa kaba.

"Hindi sa gano'n, Selene! Ang sakin lang, sana nung una palang iniwasan mo na kung ano yung pinagsimulan ng away na yan!"

"You don't know anything, so stop manipulating every single thing that i do. If this is all what you want to say, then i better leave."

Tumalikod ako sa kaniya at akma ng lalabas ngunit agad din na natigilan nang muli siyang mag salita.

"You better prepare yourself and stay away from trouble as much as possible. Papalagpasin ko ito ngayon."

Muli ko siyang hinarap. "Kakasabi ko lang diba? Stop doing this!" God knows how much i'm trying to stay composed right now.

"It's different this time, Selene. May ibang dahilan ngayon."

"Ha!" I faked a laugh. "What's this 'ibang dahilan' that you're saying right now, huh?"

Napabuntong hininga siya. "Lola is expected to be here in 2 months, i hope you'd prepare your self." literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.



~ To be Continued ~

A Journey To Forever [ON GOING]Место, где живут истории. Откройте их для себя