24,

2 0 0
                                    


Maagang umalis ang dalaga sa Isla...total alam naman niya kung saan ang daan pabalik...kayang kaya niya ngang masaktan ng kadaming beses eh ,ito pa ba....?

Nasasaktan siya ngayon,kaysa sa mga naging ex niya...siguro dahil si Vlad lang ang nagparamdam sa kanya kung anong halaga niya pero engage na pala ito,hindi niya rin ito masisi kasi pareho naman silang engaged...tsaka ang kasalanan niya ay minahal niya ito sa maikling panahon nang pagsasama nila....hindi naman niya ito naging nobyo talaga pero sobra pa sa pagiging nobyo ang pagtrato neto sa kanya.....

Hindi niya mapigilang maiyak...dahil sa maikling panahon ay naging masaya naman siya na kasama ito,siguro nga malas lang talaga siya sa pag-ibig....dahil lage nalang siyang nasasaktan sa huli.....
Siguro nga tama ang parents nilang ipagkasundo siya sa iba,dahil naging okay naman ang pagsasama ng mga ito,hindi naman siguro mahirap mahalin ang lalakeng pinagkasundo sa kanya....

Goodbye Vlad....


Kagigising lang ng binata at balak niyang sabihin sa dalaga na pumapayag na ang mommy niyang maging gf siya neto..na boto ito sa kanya....


Walang Lucy siyang nadatnan sa kwarto neto....

Ate Linda,si Lucy po?

Naku iho,maagang umalis...uuwi na daw siya sa kanila...

Ho?

Akala ko nga iho na nagkakamabutihan na kayo...

Wala ho ba siyang sinabi sa inyo ate?

Wala naman iho,sige po ate...

Tsaka nga pala ate...uuwi nadin po ako mamaya...akala ko ho kasi sasabay si Lucy sakin pauwi...

Ah ganon ba iho?baka hindi lang kayo nagkaintindihan ng oras...

Oo nga po eh ...sige ate...
Pagsisinungalin ng binata...

Nagpahinga na muna ang dalaga saglit....ayaw niyang abotan ni Vlad...baka lalo lang siyang masaktan,kapag ka sinuyo siya neto..




Nagmamadaling nag-impake ang binata,hindi niya maintindihan ang dalaga bakit biglaan naman ata ang pag-uwi neto,okay pa naman sila kahapon habang kumakain....
Pero after usap nila ni mommy hindi na ako kinausap ng dalaga...baka nalaman netong engaged na siya....
Pero ,siya naman ang gusto ko eh hindi naman ang fiance ko....pero hindi pa niya kilala ang fiance niya ang nakakapagtaka pumapayag na ang mommy niyang gf niya ang dalaga...

After 5 hrs nakauwi narin si Lucy sa kanila...

Sinalubong siya ng parents niya...

Iha...anak...namiss ka namin...
Saan ka ba nagtatago?

Mom pagod ako,bukas na natin pag-usapan...

Iha...

Mom plsss....

Darling hayaan na muna natin ang anak mo...

Kinabukasan*


Nabalitaan ni Zedd na nakauwi na ang kapatid niya....
Napag-alaman din niyang may nakasama ito sa Isla at pakiramdam niya eh may relasyon ang dalawa....kilala niya ang lalake si Vlademir Jones isang negosyante,binata pa,at kailan lang ay may nalaman siya about secretary neto sa Canada na ngayon ay asawa ni Elijah Buenabista na kasosyo rin nila

Luciana's Secret LoverWhere stories live. Discover now