HTLAB2 - Chapter 25

Start bij het begin
                                    

"What? I can't hear you?" He laughed once again. Niluwagan ko ang pagkakayakap ko sa kanya para makita ang kanyang mukha. We stare at each other with so much love in our eyes. Gosh. We aren't teenagers anymore but I felt like one. I wonder if Cy feels the same.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko. It was my turn to smile. Oh, I know what he wants.

"Say it." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa labi ko.

"I'll marry you, Cy. Even if the world would go against us, I'll still marry you. Anywhere and anytime." Ngumiti ako. Gumanti siya ng ngiti ngunit agad ring napawi nang magsalubong ang labi namin.

Paano ba nagagawang hadlangan ng ibang tao ang ganitong klaseng relasyon nang dalawang taong halos ibigay na lahat para maging masaya sila? Bakit nila pinipilit na paghiwalayin ang dalawang taong perpekto para sa isa't-isa? Sapat bang basehan ang nakaraan? Dapat nga bang tignan kung anong klaseng tao ka noon para malaman mo kung kanino ka nararapat mapunta? Sapat bang basehan iyon para malaman kung sino ang dapat mong mahalin o kung karapat-dapat ka nga ba mahalin?

That's too low. I find it stupid. Pag mahal mo, mahal mo. At kung gugustuhin mong maging masaya, you'll push it and risk anything. Walang masama sa pagmamahal hangga't wala kang natatapakang ibang tao. As for us, wala kaming natatapakang iba. It was the other way around. Ang ibang tao ang umaapak at nagmamaliit sa nararamdaman namin na para bang isa iyong malaking kasalanan. Masakit dahil nagawa nilang husgahan kami kahit wala silang alam. Naubos na ang pakialam ko. Manhid na ako pagdating sa kanila. Si Cyfer na lang ang iniisip ko ngayon. Siya at ang relasyong pinoprotektahan namin.

"Magpakasal na tayo bukas?" Bulong niya habang hinahalikan ako. Natigilan ako at muling napadilat kaya tumigil rin siya.

"B-bukas?"

Tumango siya. "Masmaaga, masmaganda."

"P-pero paano? G-gano'n kabilis?"

"Sa huwes lang muna. Don't worry, magpapakasal ulit tayo. I want to give you a grand wedding but I guess, this isn't the right time for that. Tama na muna ang huwes. Okay lang ba yun sayo?" Inipit niya sa aking tainga ang mga buhok kong nililipad ng hangin at tumatabon sa aking mukha.

Tumango ako. Ayos lang kahit saan. Though, pinangarap ko rin ang grand wedding. Sinong babae ang hindi? But Cy is right. This isn't the right time.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay parang hindi ako makapag-isip ng maayos. Ngunit sa pagkakataong ito ay nabawasan ang alalahanin ko. Kampante ako dahil nandito si Cy. Siguro ay mas may tiwala pa ako sa kanya kaysa sa sarili ko.

"Sorry. Alam kong iniisip mong masyadong mabilis ang lahat ng 'to. Ayoko lang bigyan pa ng pagkakataon ang sinuman para humadlang sa atin. I waited long enough and so are you. Let's end this torture tomorrow."

Hinalikan niya ulit ako. Masmagaan at masmaingat. He's so gentle and that makes me ask for more. Pagdating sa kanya ay parang wala akong kasawaan. Pag siya ang kasama ko ay nawawalan ako ng pakialam sa oras. Tila humihinto ito ng kusa.

Love brings out the fairness and unfairness of life. Darating sa punto na isusugal mo lahat. Manalo man o matalo. It's an all or nothing game which leads us to so many realizations. Hindi lahat ng sumusugal ay nanalo. Hindi lahat ng nanalo ay talagang panalo. You lose some, you gain some. Ang totoong nanalo sa sugal ay 'yong nakukuntento at sumasaya pagtapos ng laro.

I lose some people but I gain Cyfer. Tingin ko ay panalo pa rin ako.

Nang makababa kami ay malaki ang ngisi sa mukha ni Heira. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Cyfer.

"Hmm, anong. . .nangyari? Meron ba?" Ngumisi siya ng nakakaloko. Namula ang pisngi. Am I the only one who finds that question so malicious? Damn it, Anne! What were you thinking?

How To Love A Bastard ?Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu