KARAGDAGANG SUMPA

Start from the beginning
                                    

RAVANA:Kung sasabihin ko sa inyo na ang magiging kapalit ay ang mga Brilyanteng inyong hawak mabibigay niyo ba hindi naman di ba?

ANGELO:Batid niyo naman na hindi namin ibibigay ay mga Brilyante sapagkat para na rin kaming nagtaksil sa aming mga magulang!

PAOPAO:Hindi pa ba sapat ang apat na kaharian na kinuha niyo mula sa amin?

RAVANA:Hindi kung tutuusin ay kulang pa iyan sa lahat ng ginagawa ng Bathala niyo sa akin!

MIRA:Ano bang kasalanan ng aming Bathala sa iyo?

RAVANA:Wala din namang saysay kung sasabihin ko sa inyo,kaya lumayas na kayo sa haharapan ko!

PAOPAO:Kagaya ng sinabi ng aming Hara ay hindi kami aalis dito hanggang hindi namin kasama ang mga Hara at Rama!

RAVANA:Kung ganon ay wala na akong magagawa kundi gagawin ko ang dapat kong gawin!
(Saka ininutok niya nila Mira ang kanyang septre saka may sinambit na enkantasyon)

Con il mio potere, giuro a te e all'intera Encantadia che dimenticherai che i quattro Hara e Rama erano ancora vivi e che ricorderete che furono uccisi nel momento in cui provarono a difendere il velo che noi provammo e voi quattro venni per vendicarli ma sei frustrato dal pensiero di tornare al tuo posto di responsabilità per prepararti ancora alla loro perdita anche se non hai trovato i corpi dei tuoi amati genitori!(Sa pamamagitan ng aking kapangyarihan ay isinusumpa ko kayo at ang buong Encantadia na makalimutan niyo na buhay pa ang apat na Hara at Rama ang tanging maalala ninyo ay napaslang  sila noong oras na sinubukan nilang ipagtanggol ang kutang aming sinugod at  naparito kayong apat upang ipaghiganti sila ngunit kayo ay nabigo naisipan niyo bumalik sa inyong pinagtaguan upang ihanda pa rin ang kanilang lamay kahit wala kayong nakitang mga katawan ng inyong pinakamamahal na mga magulang!)

MIRA:Pashnea ka Ravana dadating din ang panahon pagbabayaran mo ang ginagawa mong pagpaslang ng aming mga magulang hindi man sa ngayon ngunit titiyakin ko na babagsak ka!(Sabi niya habang tumatangis)

LIRA:Tandaan mo ang araw na pinaslang mo sila sapagkat babalik din sa iyo ang ginagawa mo!(Sambit ng Hara habang unti-unting bumabagsak ang kanyang mga luha)

Saka nag-ivictus sila patungong Nathaniel ng mawala na sa paningin ng Bathaluman sila Mira ay kumawala ang ngiti sa kanyang labi sapagkat gumana ang kanyang enkantasyon.

KAHARIAN NG NATHANIEL

Sa pagdating nila sa Nathaniel ay nagluluksa ang mga Encantadong nakapalibot sa kanila pati na rin ang buong Encantadia sa inaakalang patay na ang apat na magigiting na Sangre at ng mga Rama saka inutusan ng Hara ang mga Dama na maghanda pa rin ng bulaklak upang mabigyan ng disenteng lamay ang kanilang mga magulang saka dumeretso sa balkonahe saka sinundan siya ni Paopao habang si Mira ay dumeretso na sa kanyang silid at sinundan ito ni Angelo.

PAOPAO:Huwag ka ng umiyak Mahal ko maging maayos din ang lahat batid kong hindi na mawalan ng mga magulang sapagkat naranasan ko rin iyan ngunit kailangan nating magpakatatag.

LIRA:Hindi nga madali para sa akin ito Paopao sapagkat dalawang beses na ako nawalan ng Yna tapos namatay pa ang aking Ama tama ka kailangan kong magpakatatag para sa Encantadia at para sa anak ko.

Saka nakita nila si Cassandra at Alana na papalapit sa kanila habang tumatangis.

CASSANDRA:Yna,bakit nangyari ito? Bakit sa lahat ng mga nilang bakit sila Ila pa?

Agad naman inakap ni Lira ang mga upang patahanin.

LIRA:Batid ko na mahirap tanggapin ngunit huwag kayong mag-aalala nandito pa kami di namin kayo pababayaan.

ALANA:Walang kapatawaran ang ginagawa ni Ravana,magbabayad siya sa ginawa niya!

PAOPAO:Darating din ang panahon na pagbayarin natin sila.

SAMANTALA...

Sa pagdating ni Mira sa kanyang silid ay patuloy pa rin ang kanyang pagtangis sapagkat hindi niya tanggap ang mga nangyari at pilit siyang pinatahan ng kanyang katipan.

MIRA:Bakit pamilya ko pa? marami namang mga masasamang nilalang na karapatdapat paslangin bakit sila pa?

ANGELO:Nauwaan kita e correi minsan sa buhay natin may mga sitwasyon na hindi kanais-nais ngunit kailangan nating tatagan ang ating loob sapagkat may umaasa pa sa atin sila.(Sabay tingin kay Dasha at Adamus na nakatayo sa may pintuan)

DASHA:P-poltre po bukas kasi ang pinto kaya pumasok na kami ni Adam.

Umayos ng upo si Mira at inayos ang kanyang sarili.

MIRA:Ayos lang,kung nais niyong umupo sa tabi ko ayos lang din.

ADAMUS:Sana masamang panaginip lang ang lahat ng ito sapagkat hindi ko matanggap ang katotohanan na wala ang nga akong mga magulang!

MIRA:Pare-pareho lang tayong ng nararamdaman hindi ko rin matanggap na wala sila Yna at Ama,ngunit andito pa kami hindi namin kayo pababayaan.

ANGELO:Tama si Mira kung nais niyo ay kami na ang magsilbing magulang niyo.

DASHA:Avisala eshma po Angelo,sana ganon lang kadali ang lahat bakit namin kasi nagkaganito?

MIRA:Kailangan natin lakasan ang loob natin nang saganon ay malagpasan natin ito,alam kong mahirap ngunit kaya natin ito basta andiyan tayo para sa isa't-isa.

Saka nagyakapan silang apat.

Ilang sandali lang ay nagtungo na sila sa punong bulwagan at sinimulan na ng mga babaylan ang seremonya pagkatapos ay nagtungo na silang lahat sa hapag upang makapaghapunan saka dumeretso sila sa kanilang kanya-kanyang silid upang makapagpahinga.

TULUYAN NA KAYANG MAKALIMUTAN NG BUONG ENCANTADIA NA BUHAY ANG APAT NA HATA AT RAMA? ABANGAN SA SUSUNOD NA MGA KABANATA..

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now