Meron akong Arrythmia. Isang uri ng heart disease na kung saan sobrang hina ng rhythm ng heartbeat mo.

Dumating ang kuya kong mugto ang mata. Nang makita niya kong nakaupo sa sahig at yakap ang larawan ng aming ama. Niyakap niya ako.

"Kenda tayo nalang ang magkasama simula ngayon. Pangako ko sayo hinding hindi kita pababayaan."

Dahil sa bukas na ang aming exam. Hindi ako nakasama sa kuya ko sa Bicol. Nanduon ang pamilya ng papa ko. Mga kapatid ng papa ko ang bahala sa kanya.

Nasa Tondo kami ng kuya ko at balak niya na lilipat na kami ng Bicol pagkatapos ng Graduation ko.

GRADUATION na namin ngayon. Nailibing na din ang papa ko. Dahil sa stress na naramdaman ko at lungkot na bumabalot sa pagkatao ko. Hindi ko nagawang magconcentrate. Hindi ako ang naging validectorian. Salutatorian lang ako pero ok nayon.

Pagkatapos ng graduation ko ay agad kaming nag byahe ng kua ko papuntang Bicol. Ang sariwa ng hangin at ang bango. Sa isang beses matapos mamatay ang tatay ko ngayon lang ulit ako nakaramdam ng pagkagalak.

End of flashback.

"Kuya gusto ko sanang ipagpatuloy ang pag aaral ko"

"Pero 16 ka na Kenda. Baka mabully ka"

"Hindi yun kuya, kaya ko sila"

Natawa saakin ang kua ko at tinitigan ako.

"Sigurado kaba sa gusto mo? Gagawin lahat ni kuya para makapag aral ka."

"Opo kuya gusto ko pa. Gusto kong makawala tayo sa pagkamahirap. Gagawin ko lahat para makapagtapos ako ng pag aaral."

"Sige Kenda. Gagawin din ni kuya ang lahat para makapagtapos ka."

.....

Malapit na ang enrollment at excited kami ni kuya na pumunta sa eskwelahan na pag eenrolan ko.

Ang daming tao, hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Nagpalista ako ng pangalan ko sa isang teacher na nasa desk. Nagulat siya ng sinabi kong Grade 7 palang ako.

"16 kana diba?" may pamamaliit ang tono ng boses ng gurong ito.

"Opo maam pero-"

"Sige na ikaw na ang mauna tutal ikaw naman ang malakas ang kumpiyansa. Tsaka para sa sasabihin ko reading test ang gagawin niyo. Ilang years kang hindi nakapag aral kaya alam kong di ka makakapasa"

"Maam. Nag graduate akong Salutatorian sa paaralan na pinag aralan ko. Magkita nalang tayo sa pasukan maam."

Nakita ko pa ang gulat sa mukha niya dahil sa pagsumbat ko sa kanya. Alam kong mali pero mas mali ang ginawa niya. Dapat nga ay purihin ka dahil nagpatuloy ka sa pag aaral kahit na alam mong pwede kang mabully. At isa pa guro siya.

Habang nagbabasa ako ay hindi ko maiwasan ang mapa ngiti ng makita ang reaksyon ng gurong nagpapabasa sa akin.

"Wow Iha ang galing mo."

"Salamat po maam. Tumigil lang naman po ako sa pagpasok sa eskwelahan pero di po ako tumigil sa pag aaral."

"Maganda kung ganun Iha. Ngayon kukunan ka nanamin ng picture I.D ok. Suot mo yung uniform duon."

Sinuot ko ang uniporme at inayos ang sarili. Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari. Pangtaasa lang na inuporme ang sinuot ko dahil hanggang balikat lang ang kukunin nila.

Inayos ko ang sarili ko at ngumiti sa camera.

Sa wakas magiging estudyante ulit ako. Tumalon talon ako sa saya bago tumakbo papunta sa kuya kong naghihintay sa harap ng gate ng eskwelahan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Head BombWhere stories live. Discover now