“Ate I miss you!” kinarga niya ito, hinalikan naman siya nito sa cheeks, parang hindi sila nagkita kaninang umaga, inahatid pa nga siya nito sa kotse, gustong gusto nga nitong sumama kaya lang may sakit. Hindi malungkot ang makulong sa bahay lalo na’t dumating si Rojan, he always foller her around. Ito daw ang kanyang knight in shining armor. May times pa nga dala dala nito ang Espada na laruan. Minsan naman doctor niya na may nakasabit na stethoscope sa leeg.

Yes, Rojan wanted to be a doctor, pero mukhang hindi doctor ng mga tao ang gusto nito kundi doctor ng mga hayop, patunay yung mga alaga nito.

“Ni kiss na kita, baba mo na ako ate, I’m heavy,”

“Magaling ka na?” tanong niya dito, hawak naman nito ang kanyang mga kamay.

“Yes, magaling na nurse si honey eh,” puri nito sa kanilang papalapit na ina. After all these years, maganda pa rin ang kanilang mommy, mabait , maganda at mahal na mahal ng kanilang ama. Hindi na nga lang nagbago ang pagtawag ng kanyang mga kapatid na honey dito, bagay na ginaya kay Ren.

“Okay na siya, hyper na ulit eh,”  lumapit ang kanyang mommy Clem at niyakap siya,” you’re so beautiful anak,”

“mana sayo mommy,” nakangiting sagot niya dito…napakabait ng kanyang mommy, nagtataka siya kung bakit hindi siya nagmana dito. Tumawa ito sa kanyang sinabi.

“Buti na lang wala ang daddy mo, kung marinig nya yun magtatampo yun, mahirap pa naman yung suyuin,” nguso ni Clem.

“Yeah right,”

“Ate, let’s take a picture!” hawak na ni Rojan ang camera, nangako nga pala siya na magpapapicture dito.

………………………………………………………………………………………

“Sa wakas kumpleto na ang barkada,” itinaas ni Yuan ang kanyang beer sa mga kaibigan, maingay sa loob ng bar, not his type pero hindi nya naman mahindian ang mga ito. Gusto niya sanang magpakalunod sa saya, sa wakas pinabalik na siya ng kanyang mahal na ina sa bansa…sa wakas matapos ang matagal na paghihintay, ito nay un, wala ng atrasan, lalo’t nat confident na confident na siya sa kanyang sarili.

Wala na siyang mga baby fats.

Hindi na rin siya bungi.

Pero inlove na inlove pa rin siya sa prinsesang masungit. Wala siyang pakealam kahit mayaman pa ito sa kanila. Magsusumikap siya para dito.

“Anong meron sa lips natin bakit di mabitawan?” tukso ng kanyang kaibigan na si Jackson.

“Hayaan nyo na nakanakaw eh, magaling talaga kahit kailan magnakaw,” makahulugang wika ni Topher, ito yung kasama niya kanina, may kaakbay na itong babae, pati ang ibang barkada na sina Bono at Jackson…siya lamang ang wala,  may lumapit sa kanya pero tinigan niya ito ng masama.

“Sungit mo naman pogi,” sabi ng babae at lumayo sa kanya, wala siyang pakealam, wala siyang panahon sa iba, isa lang naman ang gusto niya, kahit pa gaano iyon kahirap, aakyatin niya pa rin yun.

Prinsipyo niya kaya ang never say die mula pagkabata.

“Are you gay?” napikon yata ang babae kaya sinabihan siya noon, nagtawanan naman ang mga barkada pati ang mga babaeng katabi nito, pati yung babaeng tinggihan niya ay tumatawa na rin.

“Kung sa tingin mo dahil sa sinabi mo makukuha mo ako, sorry miss pero walang wala ka sa kagandahan ng babaeng mahal na mahal ko,” namula ang babae sa hiya , tumayo at umalis. Tawanan naman ang mga barkada niya.

“Yuck, baduy mo bro!” sanay na siyang masabihan ng baduy, pakealam niya ba? Nakaprogram na siya kay  Ran parang computer… sabi niya nga noon sa mommy niya, nakatadhana talaga sila sa isat-isa, kasi yung pangalan ni Ran parang idinugtong lang sa pangalan niya, kaya para talaga sila sa isat-isa…

Nagkaingay lalo ng may grupo ng mga kalalakihan na pumasok, maraming bumati sa bagong dating, lalo na mga babae. Isang pangalan ang matunog na nagpalingon sa kanya.

Hi Ren!

Ren!

Ren my love!

Nilingon ito ni Yuan, no doubt ang kakambal ng kanyang si Ran, bata pa lamang sikat na ito, ngayon? Hindi na siya nagtataka, sa estado nito sa buhay at sa  itsura nito talagang pagkakaguluhan. Aminado naman siya na gwapo ito, sa ganda ba naman ng kanyng si Ran, saka isa lang ang pinagmulan ng dalawa, natural na halos parehas ng features.  Buti na lamang talaga at naging babae si Ran…

Kung nagkataon?

Paano na siya?

Isang lalaki rin ang nakaagaw ng kanyang atensyon, “sino yung mukhang bampira sa puti?” nguso ni Yuan sa lalakeng katabi ni Ren, ito yung lalake sa park, tyempo naman na napatingin ito sa kanya.

Tingin pa lang naiinis na siya dito..

“Si Dexter yun, bestfriend ni Ren, yung isa si Josh, magbabarkada yang tatlong ungas na yan eh,” sagot ni Bono, napatingin si Ren sa tinitignan ni Dexter, hindi ito nakikinig sa kanya kaya naman tinignan nito kung saan nakatingin.

At doon nagtama ang kanilang mga mata. Pilit siyang kinikilala nito, halata sa kunot ng noo, itinaas ni Yuan ang hawak na beer saka ngumisi.

Napabuga hangin si Ren ng maalala kung sino ang tinitignan ni Dexter, naiinis siya sa ngisi nito.  Kinuyom niya ang kamao saka pinakita dito. He wanted him to read his signal.

Diyan ka lang.

Wag kang lalampas sa linya.

Kung hindi lagot ka sa akin.

"ang yabang talaga" inis na bulong ng kanyang kaibigan, " ano saktan na natin?"  tinawanan lang yun ni Yuan.

Noon nga hindi siya nagpasindak dito, ngayon pa kaya?

" hindi pwede, hindi ako mananakit ng walang dahilan lalo na't ng magiging bayaw ko ."

The Princess's  Stalker (completed)Where stories live. Discover now