"Galit ka ba sa akin sa ginawa ko kay Lisa?"

Napatingin siya rito. "I was a bit shock." He chuckles. "I did not know that's how you'll get jealous."

Tumango-tango ito. Maya-maya pa, may kinuha ito sa bulsa na agad nitong inilahad sa kanya.

"WHOA!" Napalayo si Attorney Lexus dito nang makita kung ano ang nasa kamay ni Deborah. It looks like like a piece of brown wig or something.

"Kumpol ng buhok ni Lisa. Nakuha ko sa pagsabunot ko sa kanya kagabi."

<*TUKO!*> <*TUKO!*>

***

Doon na rin sila nag-lunch sa Banpo Bridge at nang dumating na nga ang hapon ay nag-prepare na para sa concert ng BTS. Natanga lang si Attorney Lexus nang makita niya kung gaano ka-prepared si Deborah sa concert ng mga ito. Light stick, personalized banner, t-shirts, pentlepens at may dala-dala din ito supot?

"Yah? What are you going to do with that?" tanong niya kay Deborah nang makarating sila sa venue. Tinutukoy niya iyong plastic supot.

Nginitian siya ni Deborah, "Papalubohin ko kay Kim Seok-jin. Hihingi ako ng kaonting hininga niya."

<*TUKO!*> <*TUKO!*>

***

Kagaya ng nangyari kahapon sa concert ng BP, si Attorney Lexus lang din ang nagiisang lalaki roon sa VIP lane. Galit na galit pa sa kanya ang mga babaeng nasa likod niya kasi ang laki niyang tao at sobrang nakaharang siya sa view. Pero hindi niya pinakinggan ang mga ito at nanatili lang na nakatayo roon habang naka-cross arms at poker face.

"Oppa Kim Seok-jiiiiiin! Oppaaa!" tili ni Deborah.

"Yah!" siniko niya ito. "It's still an interlude. Can't you see? Wala pang tao sa stage."

Sinimangutan lang siya ni Deborah at mas naging baliw pa nga ito nang lumabas na ang BTS. Hiyaw dito. Talon doon. Iyon lang ang tanging ginawa nito na katulad na katulad lang din na ginagawa ng ibang babae.

"Can you come with me in the stage?" Nanlaki ang mga ni Attorney Lexus nang biglang kinuha si Deborah nang isang member ng BTS. Nakikila niya agad iyon dahil ang lalaking iyon ang mismong may-aro ng mukhang naka-print sa t-shirt na nilang dalawa.

Naglupasay si Deborah sa stage habang kinakantahan ito ni Kim Seok-jin Oppa. Napa-face-palm lang si Attorney Lexus nang makita ang ginawa nito at mas lalo niya pang itinago ang mukha niya nang bukod sa humingi ito ng pirma rito sa mga albums ay tinuloy din nito ang planong hihingian niya ito ng hininga.

"WAAAAA!" sigaw ng mga fangirls nang pinalobo ni Kim Seok-jin Oppa ang dala-dalang supot ni Deborah.

"Yah!" mahinang sita ni Attorney Lexus nang inamoy ni Deborah ng kaonti ang hininga nito.

Sumayaw ulit ang BTS sa stage at pinapalibutan pa rin ng mga ito si Deborah. Maya-maya pa, hindi napigilang umakyat ni Attorney Lexus sa stage nang makita niyang akma ng hahalikan ni Kim Seok-jin Oppa si Deborah roon.

Patapos na ang kanta at mukhang iyon nga ang mangyayari kaya nagmadali na siya. At bago pa nga maglapat ang mga labi ng dalawa at tinulak niya na si Deborah at siya na nga lang ang humalik kay Kim Seok-jin Oppa. Their kiss lasted for three minutes. Tulalang-tulala ang lahat ng mga tao roon. Maging si Deborah na nasa nakatanaw lang sa kanila ay natanga rin.

<*TUKO!*> <*TUKO!*>

***

"Did you enjoy our trip here?" tanong niya kay Deborah nang makarating sila sa Namsan & N Seoul Tower pagkatapos ng concert ng BTS. Maligalig na tumango si Deborah at yakap-yakap pa nga rin nito ang supot na may lamang hininga ni Kim Seok-jin Oppa.

"Aish!" aniya rito nang tila nagdi-delusyon na naman habang nakatitig lang sa tower at sa buwan na nasa ibabaw nito ngayon. Napatingin din si Attorney Lexus sa kung saan man nakatingin si Deborah at napakurap na nga lang siya ng marahan nang makita ang tinignan nito. The mountains, the tower, the night sky, the moon, and Deborah which is just standing next to him. Lahat ng iyon ay kakaibang saya ang naidulot sa kanya.

"Yah? Deborah? Can I kiss you?" tanong niya rito. "We're going home tomorrow," dagdag niya. May ngiti sa mukha niya.

"Bakit naman hindi? At bakit ka ba laging humihingi ng permiso kapag gusto mo akong halikan? Halikan mo ako kung gusto mo. Wala ng tanong-tanong."

"Yah? Are you angry?"

"Hindi ah? Ngayon na ki-niss mo na si Kim Seok Jin Oppa, feel ko, kapag hinalikan kita, nahalikan ko na rin siya." Umagik-ik si Deborah. Napangiti lang din siya. Kissing that guy feels weird. Anyways, ayos lang dahil mukhang mapapasaya niya naman ito.

"Yah! Instead of dragging Lisa's hair, you should have kissed her like what I did with your Kim Seok Jin Oppa!" aniya kay Deborah.

"Hindi ako kasing tapang mo para humalik ng kapwa ko babae," sagot nito. "Attorney Lexus Park---" Sinundot siya nito sa gilid.

"Yah?" Agad naman siyang umiwas nang makiliti.

"Bukod sa akin, type mo rin si Kim Seok Jin Oppa no?"

"What?"

"Yee! Aminin!"

"Yah? Do I look to soft for you? I only kissed him to stop him from kissing you."

"Yee! Sabihin mo na. Ayos lang naman sa akin na magka-type ka sa mga kapwa mo lalaki."

"Yah! Deborah! Have you gone crazy?" depensa ni Attorney Lexus habang namumula na ang pisngi at tainga niya.

"Oh!" Hindi niya siya binalingan ng atensiyon ni Deborah nang bigla na lang itong napatili nang sumabog bigla ang napakaraming fireworks sa ibabaw ng tower.

"Kiss me, they'll be gone soon..." aniya.

Napalingon si Deborah sa kanya. "Bakit mo alam?"

Nagpigil siya ng ngiti. He's the one who set this up.

"Yah...." tulalang untag ni Deborah. Naiyak ito bigla.

"Aish! Faster! They only allowed me five minutes of fireworks display. Come here, I'll kiss you. Para malaman mo na ring hindi ako malambot."

"Yah?" Pinigilan siya ni Deborah. Nangungusap ang mga mata nito.

"Hmm?" tanong ni Attorney Lexus.

"Wala na ba talagang makakapigil sa'yo sa nararamdaman mo sa akin?"; Pumipiyok ang boses ni Deborah.

"Kahit si Quiboloy, hindi kayang pigilan itong nararamdaman ko sa'yo," sagot niya. Marahan siyang kumurap.

Tinampal siya ni Deborah sa dibdib. Humahangos na ito.

"I am kissing you right now...." Aniya sabay hiwakan ang parehong palapulusuhan nito at maya-maya pa nga ay siniiil niya na ito ng halik.

The reason why I am asking your permission every time I'll kiss you is that, ani Attorney Lexus nang unti-unti nang bumaba ang kamay nilang pareho ni Deborah habang pinagsasaluhan ang matamis na halik na iyon, I'm afraid that I might offend you if I won't inform you first, pagpapatuloy niya, sumasabog pa rin sa ibabaw ng tower ang walang kasing gandang fireworks, there had been many serious cases in court about stolen kisses and I just don't want to end up having one, mas nilaliman niya pa ang halik dito, and as far as I know, it is always a gentleman's obligation to ask his girl's permission first every time he want to kiss her, tumitigil silang saglit ni Deborah nang kapusin sila ng hininga, one more reason on why I am asking your permission whenever I'll kiss you is that, nagkatitigan silang dalawa, I always want you to inhale a lot of air beforehand, bumaba ang tingin nila sa labi ng isa't-isa, because the kiss that I always want to ask is not just a simple kiss... bago pa tuluyan mawala ang fireworks ay sinugod niya na ang labi ni Deborah sa huling pagkakataon, ...it will always be a breathtaking one.

***

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendWhere stories live. Discover now