Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone sa aking bulsa kaya agad ko yun kinuha at binasa ang naka text.

From: 09837*******

Locker. Now.

Nangunot ang noo ko habang paulit ulit na binabasa ang nakatext. Paniguradong hindi ko kilala to dahil hindi nakaregister ang number niya sa cellphone ko.

Pero anong ibig nitong sabihin? Pinapapunta ako sa locker? Bakit? At sino naman ito? Impossible namang wrong send.

Pilit na nagtatalo ang isip ko kung pupunta ba ako o hindi. Para kasing may mali eh pero para ding may naguudyok sa aking pumunta dahil baka Importante. Napabuntong hininga ako. Sa huli, napag desisyonan kong pumunta na lang. Baka nga importante.

"Where are you going?"-kunot noong tanong ni khanz dahilan para mapatingin silang lahat s akin.

"Uy possesive mo masyado!"-kantyaw ni drex pero hindi yun pinansin ni khanz.

"Cr lang ako."-dahilan ko at saka nag iwas ng tingin.

"Are you sure?"

"Oo. Babalik din naman ako. Saglit lang."-saad ko. Tumango na lang siya at saka napabuntong hininga. Mabilis naman na akong tumalikod at nagtungo sa locker ko.

Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Hindi ko man kilala kung sinong nag text parang gusto kong malaman kung sino at kung anong sasabihin niya sa akin.

Bawat hakbang ko ay kasabay ng mabilis na kabog ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ngayon. Natatakot na kinakabahan.

Pagdating ko sa mismong harapan ng locker ko wala akong nakitang tao. Ako lang ata dahil break time ngayon. Wala naman akong napansing kakaiba maliban lang sa may naamoy akong masangsang na bagay. Hindi ko maipaliwanag kung ano yun. Hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang sticky note na nakadikit sa locker ko.

'Advance happy birthday ahlisha...'

Imbes na makaramdam ng excitement lalong dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Parang kinakapos ako ng hininga at parang nanghihina ang tuhod ko.

Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang locker ko at bumungad sa akin ang isang box na may masangsang na amoy! Mabilis akong nagtakip ng Ilong at kinuha ang box sa locker ko.

Agad ko yun binuksan at halos mapasigaw ako sa gulat ng mapagtanto kung anong nakalagay. Gulat kong nabitawan ang box na naging dahilan kung bakit umalingawngaw sa buong hallway ang ingay. Nanginginig ang labi't kamay kong napatakip sa aking bibig habang di maalis sa paningin ko ang isang asong walang katawan. Tanging ulo na lang ang nandun habang sariwa pa ang dugo na nagkalat sa kanyang mukha.

Yun pala ang naamoy kong masangsang. Halo masuka ako sa Itsura nung aso dahil tirik na ang mga mata nito at may mga uod pang naglulumikot sa kanyang bibig.

Para akong nanghina sa nakita ko. Di ko mapigilang mapaiyak dahil sa locker ko pa talaga nilagay yun. Natatakot ako sa nakita ko. Pakiramdam may nagbabanta na namansa buhay ko.

Halos mapaigtad naman ako ng magring ang cellphone ko. Kahit nanghihina, mabilis ko yun sinagot nagbabakasakaling si khanz ang tumatawag.

"H-hello?"-mahina kong sambit pero nakakakilabot na tawa lang ang natanggap ko.

Nakakatakot. Nakakapanindig balahibo at nakaka kaba ang kanyang tawa.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko habang patuloy sa pag agos ng luha ang mga mata ko.

"S-sino ka? Bakit mo ginagawa sa akin to?! Anong kailangan mo?!"-sigaw ko pero mas lalong lumakas ang tawa ng lalakeng nag mamay ari ng boses.

Parang umaalingawngaw sa buong hallway ang tawa niya kaya napapikit ako ng mariin.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon