Natawa naman ako ng maalala ko yun
"Hala nababaliw na kaibigan natin dude,tignan mo oh. Tumatawa mag-isa habang nakatingin sa inumin niya" rinig kong bulong ni jane
Napansin ko ang pag-siko sakanya ni nayun kaya tinignan ko siya
"Narinig ko yon!" sigaw ko at binato siya ng tissue pero tinawanan niya lang ako
"Ate, pupunta na ako kay kuya 6pm na eh" paalam ni ahin
"Ha? Hindi ka na sasabay sakin?" tanong ko
Umiling naman siya "Mamaya ka pa pupunta eh" sabi niya
Nagkibit-balikat nalang ako "Hatid na kita?" tanong ko
"Wag na ate, kaya ko naman bumyahe mag-isa"
"Sure ka?" tanong ni jane
"Yep"
"Okay, mag-ingat ka" sabi ko nalang
"Take care okay? Text or call me kung nakarating ka na don. I love you" rinig kong sabi ni jane
"Yes boss, i love you too" sabi ni ahin at hinalikan sa pisngi ang girlfriend
Napangiti nalang ako sa nakita ko
Masaya ako para sa kapatid at kaibigan ko
Ilang oras na kaming nasa bar pero ni isa saamin ay walang balak umalis
"Talaga dude?! Kailan mo balak magpropose?" tanong ni jane kay nayun
"Hindi ko pa nga alam, nagpaplano palang ako" sagot ni nayun at uminom
"Parang gusto ko na rin ah. Dude pwede na ba?" tanong sakin ni jane
"Siraulo!" sabi ko at binatukan siya
"Aray naman!" reklamo niya at hinimas ang ulo niya
"Nagtatanong lang naman eh. Mapanakit ka masyado" sabi niya at nagpout
"Ikaw kasi!" sisi ko
"Ano na palang plano mo kay jooe?" tanong ni nayun kay hyebin
Bigla namang ngumiti ng malapad si hyebin "Well...."
"...."
"Sa wakas kami na" sabi niya
"Yown!!!" kantyaw namin
Sinuntok naman siya ng pabiro nila jane at nayun
"Congrats dude" sabi ko
"Thanks"
"Ikaw ba dude?" baling sakin ni jane
"Huh?" tumingin naman ako sakanya habang nakakunot ang noo
"Wala ka bang balak mag ano...you know....girlfriend?" tanong niya
Di ako sumagot at tinignan lang siya
"Aray!" sigaw niya ng batukan siya ni hyebin
"Ikaw siraulo ka talaga!" sabi ni hyebin
"Ano nanaman ba ginawa ko?"
Nang-aasar ata ang babaeng to
*ring*ring*
Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko at tinignan kung sino yung natawag
Incoming call: Mama<3
Sinagot ko naman yun at lumabas
"Ma?"
(Anak andiyan pa ba si ahin?)
Chapter 53
Začít od začátku