Sasakay na sana kami ng barko ng maabutan nila kami. Nauna ang papa mong umakyat, bitbit ka. Hindi nakita ni leo ang mga humahabol sa amin at sinubukan nilang barilin kayo kaya naman sinalo ko ang mga bala at nahulog sa tubig. Hindi ko na alam ang nangyari dahil nawalan na ako ng malay. Saka ko lang nalaman na nakatakas kayo at ligtas."-umiiyak niyang paliwanag at di na niya ako napigilang yakapin.

Habang ako ay tulala at pilit na iniintindi ang mga sinabi niya. Hindi ko alam na ganun ang nangyari sa amin. Bakit ealang sinasabi sa akin si papa? Totoo ba ang mga sinasabi niya? Kitang kita ko sa mata niya ang sinseridad at walang halong kasinungalingan. Pero...

"B-bakit hindi ka binalikan ni papa?"-wala sa sarili kong tanong, patuloy ang pagagos ng luha sa aking mata.

"A-akala ng papa mo patay na ako. Ganun din ang mga humahabol sa amin pero hindi nila alam, linigtas ako ng kapatid ko. Walang nakakaalam na buhay ako kundi ang kapatid at ang pamangkin ko lang."

"Pero bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?"-may hinanakit ang boses kong sabi. Mabilis akong kumalas sa yakap niya at sinalubong ang titig niya. Nakaramdam ako ng inis dahil sa pagaakalang ngayon lang niya ako hinanap. Sa mga oras na nangangailangan ako ng ina, wala siya. Nung namatay si papa, hindi man lang siya nagpakita. Anong ginawa niya sa panahong yun?

Umiling siya. "A-anak...hinanap ko kayo...p-pero nahirapan ako."-umiiyak niyang sambit. Pilit siyang lumalapit sa akin pero mabilis akong tumayo para umiwas.

Tinignan ko siya na puno ng hinanakit at pagkamuhi sa aking mata. Hindi ko mapigilan ang galit na namumuo sa dibdib ko.

"Hindi mo man lang naisip na baka kailangan kita? Hindi mo man lang ba naisip na kailangan ko ng pagmamahal ng totoong ina? Noong namatay si papa, hindi mo man lang naisipang magpakita sa akin kahit ilang segundo lang. Hindi mo alam ang nararamdaman ko ng mawala si papa sa akin. Tapos ngayon mo lang naisipang magpakita sa akin? Para ano? Para makabawi? Ngayong hindi na kita kailangan saka ka lang magpapakita? Pero nung mga oras na kailangang-kailangan kita, nasaan ka?"-halos pumiyok ang boses ko ng sabihin lahat sa kanya ang mga nararamdaman ko.

Parang dinudurog ang puso ko sa isiping yun. Lahat ng paghihirap ko, walang tumulong sa akin. Walang tumabi sa akin para pagaanin ang damdamin ko. Lahat yun, sinarili ko. Kahit hindi ko kinaya, sinarili ko.

"A-anak---"

"Huwag mo kong tawaging anak!"-sigaw ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. "Kahit kailan hindi ka nagpaka nanay sa akin kaya wala kang karapatang tawagin akong anak. Simula ng nawala ka, wala na akong tinuturing na nanay. Kinamumuhian kita!"-puno ng galit ang boses kong sigaw.

Lalo siyang naiyak at tinakpan ang bibig niya. Tumayo siya para yakapin ako pero tinulak ko siya.

"A-anak, patawarin mo ako. H-hindi ko kayo nagawang hanapin ng tatay mo ng mas maaga. K-kung sana...kung sana----"

"Tumigil ka na! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo. Wala ka ng babalikan pa."-matigas kong sabi at naglakad papalabas ng kwarto'ng yun.

Mas gugustuhin ko pang hindi na siya nagpakita sa akin dahil wala na siyang babalikan pa. Simula ng mawalay siya sa amin, tinuring ko na siyang patay. Wala siyang pake sa amin dahil sarili lang niya ang inisip niya sa mga panahong kami na lang ni papa ang ang nagtutulungan.

**

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay. Lutang ang pagiisip ko pero parang may sariling isip ang mga paa ko patungong bahay. Hindi padin mawala sa isip ko ang mga nalaman ko. Nahihirapan akong intindihin ang nangyari at nahihirapan ko siyang patawarin.

Pagkapasok ko pa lang sa bahay, tila nagulat si hans ng makita ko. Nakauwi na pala siya.

"Ate! Saan ka ba nagpupunta! Hinahanap ka namin sa hospital pero hindi ka namin mahanap!"-inis niyang singhal at lumapit sa akin pero nangingibabaw sa tinig niya ang pag alala.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat