"Miss?"

Napalingon si Shamcey sa tumawag sa kanya. Nakita niya na lumabas mula sa madilim na eskinita ang isang lalaki. Isang malaki at matangkad na lalaki. Napapalibutan ng tattoo ang ma-muscle na katawan nito. Naalala niya si Marsh. Ganito ang type na type I-booking ng maharot na baklang 'yon. Pero iyon ay kung tatakpan ang mukha ng lalaking palapit sa kanya ngayon.

Walang halong panlalait. Ang chararat nitong kaharap niya.

"Naliligaw ka yata, Miss."

Asiwang ngumiti si Shamcey. "Ah, hindi naman. M-May binisita lang ako."

"Talaga? Boyfriend mo?" Mula sa pagkakatitig sa kanyang mukha, bumaba ang tingin sa katawan niya. At nakita niya ang pagkislap ng init sa mga mata nito.

"K-Kaibigan ko lang."

"I see. Hindi ka dapat nag-iisa kapag gantong oras."

"I-I know, right?"

Hindi siya dapat nakikipag-usap sa estranghero. She should go now. Pero hindi makisama ang paa niya. Nanginginig iyon at parang ipinako siya sa kinatatayuan.

"Uuwi ka na ba? Baka gusto mo magpahatid."

Nanlaki ang mata niya. "No. S-Salamat, pero hindi na. Kaya ko naman.."

Tumawa ito at humakbang pa sa kanya. "You can trust me, Miss. Mapagkakatiwalaan mo naman kami na ihatid ka ng maligaya.."

"K-Kami?"

Doon niya naramdaman na hindi lang silang dalawa ng lalaki ang naroon. Lumingon siya sa likuran niya at sa pagkagulat niya, may dalawang maskuladong lalaki rin ang nandoon. Kapwa hubad baro at nagpipintugan ang mga muscle sa katawan. Naka-heels na siya lahat-lahat pero mas matangkad pa rin ang mga ito sa kanya.

Pumintig ang takot sa dibdib niya. Parang nag-iba ang ihip ng hangin, nagbigay iyon ng kilabot sa kanya. Naaamoy niya ang alak sa hininga ng mga ito. At mas lalo iyong nagbigay ng kaba at panganib para sa kanya.

Tumingin siya sa unang lalaki na lumapit sa kanya. "Kaya kong umuwi ng mag-isa. Di ko kailangan tulong niyo. Now, if you'll excuse me guys."

"Ah, suplada naman pala." komento ng isang lalaki. Nagmamadali na siyang humakbang sa mga ito.

But the other guy grabbed her wrist. Napasigaw siya nang marahas na hilahin siya nito. "Ano ba! Bitawan mo ako! Ano ba'ng kailangan niyo?"

"Miss, wag ka magmadali. Ihahatid ka naman namin pagkatapos eh."

Namilog ang mata niya sa takot at gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Shamcey.

"A-Alis na ako, b-bitawan nyo nga ako!"

Nagpumiglas ang dalaga sa pagkakahawak ng lalaki. Sinubukan niyang kumawala. Pero mas malakas ito. At hindi lang ito isa para madali niyang matakasan. Tatlong lalaki na ngayon ang nakapaligid sa kanya at nakatayo sa harapan niya.

Nanginginig na ang labi niya sa takot.

"Wala ka namang dapat ikatakot, binibini. Sumama ka lang sa amin ng ayos at hindi ka masasaktan.."

"Masasarapan ka pa."

Nag-ngisian ang mga halimaw. At sigurado ang dalaga, nang mga sandaling iyon tinatawag na niya lahat ng santo. Totoo, wala siyang laban sa mga naglalakihang lalaki na ito. Pero hindi siya magpapagamit at lalong hindi siya iiyak na lang.

"Sigurado kayo? Hindi nyo ako sasaktan pag sumama ako?" tanong niya, pilit na pinakaswal ang boses.

"Oo, kung hahayaan mo lang ba kami, miss." ang unang lalaki na lumapit sa kanya ang tumugon. Hinaplos nito ang braso niya. Naramdaman niya ang pagtaas ng balahibo niya. Sa gilid niya ang isa pang lalaki at isa sa likuran niya. Pare-parehong humahaplos sa katawan niya, nagnanasa ang mga titig sa kanya. Parang gusto niyang masuka. Pero tinatagan niya ang loob. Nilunok niya ang kaba at hinayaang gumuhit ang labi sa isang mapang-akit na ngiti.

Claiming the Beautyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें