Nasyonalismo

10.2K 33 25
                                    

Damdami’y magkakaugnay,
Habang tayo’y nabubuhay,
Walang makapapantay,
Sa pag-ibig na taglay.

Huwag magpapa-apekto,
Sa anumang negatibo,
Sikaping maging ehemplo
Para sa magandang pagbabago.

Huwag hayaang daigin,
Nasyonalimo’y panatilihin,
Patuloy nating alalahanin,
Sa kabila ng mga suliranin.

Mahirap man ang pagdaanan,
Patuloy pa ring ipaglaban,
Anuman ang nasimulan,
Para sa’ting kinabukasan.

Puso’t isipang nag-kakaisa,
Tunay na nagbibigay pag-asa,
Ito’y hangarin ng bawat isa,
Para sa minamahal na bansa.

Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: Aug 03, 2019 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

Poems / TulaМесто, где живут истории. Откройте их для себя