Chapter I

7 1 0
                                    

DREAM

Kean's POV

Kasalukuyan ako ngayong nasa Japan sa panaginip ko. Nasa may ilog ako na napapalibutan ng mala-gubat na Sakura.

Tama ang nabasa nyo, nasa Japan ako sa panaginip ko. Di naman sa pagmamayabang pero may kakayahan akong mag-lucid dream.

Bata pa lang ako nang madiskubre ko ang kakayahan kong ito. Kaya naman kapag bored ako sa buhay, itinutulog ko na lang at ako na kumokontrol sa mga panaginip ko.

Dito sa kasalukuyang panaginip ko, gabi ngayon at mag-isa ko lang habang nakatitig sa napakalaking buwan na ako rin nagdesisyon kung gaano kalaki.

"Keeeaaannn!!!" Napabalikwas naman ako nang may malakas na bulong akong narinig. Nakakapangilabot ang way ng pagkakasabi nya kaya bigla akong kinabahan.

Luminga-linga ako sa paligid pero hindi ko sya makita.

"Keeeaaannn!!! Umuwi ka na sa Pilipinas!!! Nasa panganib ang papa mo!!!" Habang tumatagal ay papalakas na ang nakakapangilabot na boses.

"Sino ka??? Kung sino ka man, umalis ka na! Lumayas ka sa panaginip ko ngayon din!!!" Buong lakas kong sigaw habang nakapikit.

Bago ako dumilat, inisip ko muna na nasa Paris na ako at nagkatotoo nga nang dumilat ako.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita ang mga taong masayang namamasyal sa lugar.

Di ko na rin naman narinig ang nakakapangilabot na boses kaya sinulit ko na ang oras para makapamasyal dito sa Paris. Minsan lang naman ako makapunta dito kaya lubos-lubosin ko na. Sa totoong buhay sa labas ng panaginip ko, bihira lang kami makapunta eh.

"Kean! Makinig ka! Kahit anong mangyari, wag na wag kang babalik sa Pilipinas!" Nagulat naman ako nang biglang may bumungad sa harap ko na lalaking nakasuot na pang-knight pero katawan lang ang natatakpan sa pang-itaas nya kaya kita ko ang braso nyang parang pangdigmaan talaga. Samantalang hanggang above the knee lang ang suot nya pambaba at ni wala nga syang suot sa paa. Tapos may takip pa sya sa mukha na natatakpan ang ibabang bahagi ng kanyang mukha.

Rio EncantadoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin