CHAPTER 1

5 0 0
                                    

Everything reminds me of my mistakes, my failure and my heartache.
Kahit saan ako pumunta, kahit sinong kasama ko, lahat iyon ay iisa lang ang ipinaaalala.
Parang sarado na lahat ng pintuan. Na dahil lang sa iisang bagay, nasira at nawala lahat sa akin.
At this moment of my life, there is just one thing that calms my soul----a starry night.

And I didn't expect that someone will come along.
Then nothing is ever the same.



Shyer's POV

I was at my condo unit.

Nakatayo sa harap ng malaking salamin na nagsisilbing dingding nito---isang dahilan kung bakit dito ko napiling bumili ng unit.

Mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko ang mga billboards, city lights at ang langit na puno ng mga bituin.

Ang mga billboards kung saan madalas ay mukha ko ang naroroon. Ang city lights na dating napakaganda para sa akin ngunit ngayo'y isa na itong nakatatakot na simbolo ng mga taong naghihintay upang husgahan ang pagkatao ko. At ang langit na puno ng mga bituin---ang kaisa-isang bagay na natitirang nagpapakalma sa isip ko. It is a therapeutic scenery.

Umayos ka Shyer!!! Alamin mo na dapat ang mga bagay na iniiwasan mo lalo na at alam mo kung anong mundo ang meron ka. Itigil mo na bago pa mahuli ang lahat.

Parang naririnig ko pa ang mga salitang iyon na galing sa tagaalaga ko.
Tama siya.
Dapat umiwas ako.
Ngayon huli na dahil wala na ang lahat sa akin.

"We love you Shyer!!!"

Walang humpay ang sigawan ng mga tao pagkatapos ng performance ko.
Kitang kita ko ang mga masasayang mukha nila. Tuwing makikita ko ang mga mukha nila pakiramdam ko ay nagawa ko na ang pinakamagandang bagay sa mundo.
Pinaparamdam nila sa akin na karapat-dapat ako sa ginagawa ko.
Nakangiti ako sa kanila habang iniikot ko ang buong entablado at kinakamayan lahat ng kamay na umaabot doon.

"Shyeeeer your the oooooneeee!!!"

"Wooooooh"

Ang sarap sa pakiramdam na hinahangaan ka ng mga tao at napapasaya mo sila.

"ISA PA!--ISA PA!--ISA PA!--ISA PA!!"

*Riiiiing Riiiing*

Natapos ang pagbabalik tanaw ko nang biglang tumunog ang cellphone ko na nakababa sa center table ng sala ko.
Dahan dahan akong lumapit at tiningnan kung sino ang tumatawag.

*Manager Calling*

Nagaalangan ako kung sasagutin ko dahil parang alam ko na kung ano ang sasabihin niya. At hindi ko gusto iyon.

Tinitigan ko lang ang cellphone ko hanggang sa mamatay na ang tawag.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay tumunog ulit yon.

*Beep. Beep.*

From: Manager
Kailangan mong pumunta sa sa live interview bukas.. Kung ayaw mong tuluyang mawala ang pinaghirapan mo Shyer. Maaayos pa natin 'to.

Nagpakawala ako ng isang mahabang buntong hininga matapos kong basahin iyon.

Muling bumilis ang tibok ng puso ko. Halu-halong panghihinayang, lungkot, kaba at takot.
Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko.

Simula nung kumalat ang issue na may relasyon kami nang kapwa kong artista na si Jeryme ay dumami ang naging bashers ko. Ang mga media ay naging interesado sa kwento at pinahaba pa iyon ng pinahaba. WALA NAMAN SILANG ALAM. LAHAT SILA AY WALANG ALAM!!!

Starry NightOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz