Pumunta na si Mr.Tapang sa isang bench at umupo para mag lista. Nag hanapan na ng mga kapares ang mga classmate ko.

"Asan kaya yun?"-me

Bulong ko sa sarili ko.

"Woller tara"

Napapikit ako sa boses na narinig ko. Ayokong lingunin dahil alam kong si James yun. Pag naging mag partner kami baka awayin niya ako.

"Jonas"-me

Nakita kong dumating si Jonas na naka P.E uniform at halatang badtrip.

"Partner tayo"-me

Sabay lapit dito. Tinignan ko ang mga mata ni jonas at masama itong naka tingin kay mr.tapang. sabi na nga ba may nangyari nanamang away sa kanilang dalawa. Napatingin naman ako kay James na nakatalikod na at may ibang kausap. Buti naman at di niya ako nilapitan.

"Oh. Mag praktis tayo"-me

Sabay abot ko kay jonas ng isang rocket habang naka tingin parin siya ng masaka kay Mr.Tapang na iniiwasan siya ng tingin.

"May problema ba?"-me

Kinuha niya ang rocket at nag lakad na kung saan kaya naman napakamot ako ng ulo. Sumunod ako sa kanya at sinabi kung anong ganap. Mabuti at marunong siya mag badminton. Maya maya ay nag simula na at isa kami ni Jonas sa may mataas na score at ang pinaka mataas ay si James saka ang partner niya.

"Jonas halika dali"-me

Bulong ko sa kaniya at pumunta kami sa isang gilid.

"Makakalaban daw natin sina James"-me
"Alam ko kakasabi lang"-Jonas
"Magaling siya sa badminton kaya kailangan wag tayo papatalo kasi 80 ang score ng matatalo"-me
"Matalo man tayo edi matalo, kung manalo edi mas maganda"-Jonas

Sabay lakad niya papunta sa mga nag lalaban. Napahinga naman ako ng malalim. Mukhang walang pake toh sa grades at tintamad sa mga pinag gagawa niya.

"Ok Maries team and james team. Puwesto na"-Mr.Tapang

Niyaya ko si Jonas at pumwesto na kami.

"Dun ka sa kabila"

Napalingon naman ako dahil andun pala si James tapos si Jonas mag isa sa kabila. Shocks nakakahiya.

"Ayy sorry"-me

Paalis na sana ako dun pero napatigil ako nung nakita ko lumipat si Jonas sa puwesto ko, akala niya siguro tama ako.

"Amm"

Mag sasalita na sana ang kapartner ni James pero agad din siya sinenyasan neto na tumigil.

"Tara sa kabila"-James

Pag aanyaya niya sa partner niya kaya lumipat na lang sila. Pansin na pansin ko talaga palagi laging iniiwasan ni James si Jonas bakit kaya?

"Ok begin"-Mr.Tapang

Nag simula na, di pa tumatagal ay sinusupalpalan na kami ni James kaya ako todo habol,dausdos at talon. Etong si Jonas tamang hintay lang na lumapit sa kanya yung shuttle cock

"Maglaro ka"-me
"Inaangkin mo puwesto ko"-Jonas
"Hey"-James

Nanlaki ang mata ko nung may shuttle cock na papalapit sa akin.

"Ahhh"-me

Napapikit ako. Walang tumama. Napadilat ako at nakita ko ang kamay ni Jonas na nasa harap ko at hawak hawak ang shuttle cock na sinalo niya.

Innocent CriminalsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora