Bigla nyang binuksan yung pinto kaya syempre natumba ako palikod dahil nakasandal ako. Buti nasalo nya ako.

' Noona ! Mag-ingat ka naman '- sabi nya.

Kung mapula ako kanina, siguro mas lalo akong namula ngayon.

HINDI PADIN SYA NAKA T-SHIRT

' Mag-damit ka nga Vernon ! '- sabi ko habang nakatakip yung dalawang kamay ko sa mukha ko.

' Ay oo nga. Sorry ! '- sabi nya tapos bumalik sya ng banyo para mag-suot ng t-shirt tapos lumabas na ulit sya.

' Sorry talaga ! Hindi ko naman sinasadya eh ! Dapat kasi nagla-lock ka ng pinto ! '- sabi ko.

Tumawa naman sya. Pwede bang wag syang tatawa ng ganyan dahil baka hindi ako makapag-pigil at i-display ko sya sa apartment ko ?

' Ayos lang yun Noona. Para ka talagang bata '- sabi nya tapos ginulo yung buhok ko at lumapit na sya dun sa iba pang members.

Umagang-umaga ang dami na agad nangyari. Hays.

Nagpunta ako sa apartment ko para mag-ayos. Mukha pala akong bruha kanina. Nakita ako ni Vernon ng ganun ? Huhu.

Nagpunta na ulit ako sa dorm nila at nakita ko silang nakaupo lahat sa sala. Mukhang nag-aaway silang lahat.

' Eto nalang kasi ang panoorin natin ! '- sabi ni Jun.

' Ang corny kaya nyan ! Eto nalang kasi ! '- sabi ni Woozi.

' Ilang beses ko na yang napapanood eh ! '- sabi ni Vernon.

Ang ingay nila seryoso.

' Ano bang meron at nag-aaway kayo dyan ? '- tanong ko.

' Manonood tayong horror movie '- bored na sabi ni Seungcheol. Mukhang na-iingayan na sya sa mga members nya. Haha.

Pero wait, horror movie ?

' Kayo nalang '- sabi ko.

Ayoko talaga ng mga horror movies. Madami kasing dugo. Naiisip ko palang nandidiri na ko.

' Ang KJ mo naman Noona ! '- sabi ni Minghao.

' Wag ka namang ganyan Noona. Minsan na nga lang magyaya eh '- sabi ni Jeonghan.

' Ah kayo nalang. May gagawin pa kasi ako '- sabi ko tapos lalabas na sana ng dorm kaso hinila ako ni Wonwoo.

' Wala namang ganyanan Noona. Kung tatakas ka, isama mo ko ! '- sabi nya.

Napakamot ako ng ulo. Medyo duwag nga din pala tong isang to.

Isasama ko na sana sya palabas ng dorm kaso kaso bigla kaming hinarang ni Mingyu.

' Walang lalabas '- sabi nya.

Edi wala ! Selos ka lang naman kasi kasama ko yung Wonwoo mo eh.

Nag-roll eyes lang si Wonwoo tapos nagpunta sa kwarto. Wag ko daw syang iwan pero ako naman ang iniwan nya.

Pag ako talaga yumaman, bibili ako ng eroplano tapos susunduin ko lahat ng mga taong iniwan sa ere kagaya ko.

Joke lang.

Pinatay ni Hoshi yung ilaw tapos inilagay na ni Seungcheol yung CD.

Itsura ko ? Nakakumot habang may nakatakip na unan sa mukha.

' Tss. Para kang baliw dyan '- sabi sakin ni Joshua.

' Pake mo ba ? '- sabi ko sa kanya.

Bakit ba kasi nasa tabi ko tong tahong na to ? Last time I checked, katabi ko si Hoshi sa kanan tapos si Dino sa kabila.

Tss. Malamang pinaalis nya si baby Dino. Ang sama talaga ng lalaking to.

Binaba ko muna yung unan kasi na-realize kong umpisa palang nung palabas kaya wala pang dugo dyan syempre. Bobo ko talaga.

Pagtingin ko dun sa tokwang katabi ko, nagse-cellphone lang naman sya. Sus. Kunwari pa tong isang to. Ayaw lang nyang manood kasi natatakot din sya !

' Bat di ka nanonood ? '- tanong ko sa kanya.

' Pake mo ba ? '- sagot nya.

Ay wow.

Gaya-gaya ng sagot.

Pagtingin ko sa screen, nagulat ako. Bakit puro dugo na kaagad ?

Sa sobrang takot ko, napakapit ako sa braso ni Joshua.

Wag kayong ano dyan. Di ko naman sinasadya eh ! Tapos nakita ko pa syang nag-smirk. Anong nakakatawa sa sitwasyon ko ?! Natatakot na nga yung tao tas tatawanan pa nya.

' Duwag mo naman. Pano mo mao-overcome yang phobia mo sa dugo kung di mo haharapin ? '- sabi nya.

Hindi ko sya pinansin at mas lalo ko lang pinikit yung mata ko.

Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan yung kamay ko.

Ewan ko ba. May kakaiba akong naramdaman. Parang biglang nawala yung takot ko. Parang biglang naging protektado ako ? Ewan.

' Tuwang-tuwa ka naman kasi hinawakan ko kamay mo '- sabi nya.

Nag-roll eyes ako. Ang yabang talaga neto !

' So feeling mo gwapo ka ? Magpa-check up ka na. Because you're not feeling well ! '- sabi ko.

Nag-asaran lang kaming dalawa buong movie. Madalas napapalakas yung boses ko kaya pinapatahimik ako nung ibang members. Sorry naman.

Magkahawak yung kamay naming dalawa buong asaran session namin. Hindi nya ata napapansin. Gusto ko na ngang hilahin yung kamay ko kaso di ko magawa. Busy akong makipagsagutan sa kanya.

' Alam mo Soonbyul, maganda ka sana kung hindi ka lang mataba '- sabi nya.

' Hindi nga kasi ako mataba ! Ikaw gwapo ka sana kung di ka lang mayabang ! '- sabi ko.

' Grabe. May naintindihan tayo sa movie no ? '- rinig kong sabi ni Seungkwan.

' Oo nga eh. Sa sobrang tahimik ni Milk Noona at ni Jisoo hyung, naintindihan ko talaga '- rinig kong sagot ni DK.

' Ang saya pala nilang kasama manood no ? Tahimik lang sila '- rinig kong sabi ni Hoshi.

Napalingon kami ni Joshua dun sa ibang members. Lahat sila nakatingin samin at nagpipigil ng tawa.

Tapos na pala yung movie .. di namin napansin dahil sobrang busy kami na mag-asaran.

' Eto realtalk. Kayo na ba ? '- tanong ni Seungcheol.

' No way ! '- sabay na sabi namin.

Nagkatinginan kami ni Joshua sabay irap sa isa't-isa. Kung sya rin lang naman ang makakatuluyan ko ay wag nalang. Forever akong mabibingi sa pag tawag nya sakin na mataba.

Mas gusto ko pang pakinggan yung English ni Seungkwan kesa sa pang-aasar nya.

' Hindi ba talaga kayo ? '- tanong ni Jeonghan.

' Hindi nga kase ! '- sabay ulit na sabi namin.

' Eh bakit magka-holding hands kayo ? '- inosenteng tanong ni Dino.

Shit oo nga pala.

Nagkatinginan kami ni Joshua sabay bitaw. Dami kasing alam netong tahong na to eh. May paholding-holding hands pa. Chansing lang naman eh.

Napatingin ulit ako sa iabng members. Lahat sila naka-ngiti ng nakakaloko. Mukha silang rapist promise ! Lalo na si Jun.

Bahala na nga sila. Dapat talaga di na ko dumidikit sa tahong na to. Nagiging instant loveteam tuloy kami sa paningin ng mga bading na to.

Kung ili-link lang naman nila ako sa kung sino, sana kay Vernon nalang diba para everybody happy. Tsk.

MILK / seventeenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن