Kumain na lang ako sa labas dahil tinatamad akong magluto pa. Pag-uwi ko, nginitian ako ng kapitbahay ko. "Saan ka nagtatrabaho?"

"Sa airport po." Agad na sagot ko.

Pumasok ako sa loob ng bahay. Medyo naging madali sa'kin ang sumagot sa tanong unlike before na nag-iimbento ako ng sasabihin pag may magtanong kung ano ang trabaho ko. 'I was helping my Dad for our Family business.' Totoo naman na may Family business kami pero wala naman akong trabaho. Kaya parang nag-imbento lang ako. But now, I am true. Masarap din pala sa feeling ang walang tinatago bukod sa pagkatao kong dapat kong itago pansamantala. Buti na lang hindi pinagbawal ang laptop. Nanakit ang mga hita at paa ko. Ngayon ko lang naramdaman. Tumawag si Ate Paulina. "Hello, RM. Kumain ka na ba? Kamusta sa unang araw?"

"Okay naman, Ate. Sumakit lang ang hita ko kasi maya't maya kami nagbubuhat. Kumain na din ako."

"Saan ka kumain. Sa labas? Wala ka bang lutuan diyan? Dapat pala nagpadala ang Daddy mo ng kasambahay diyan para hindi ka mahirapan."

"Ate, kaya ko naman. Walang problema kung sa labas ako kakain."

"Mas maigi ang presko. Pangit 'yung lahat ng pagkain mo laging binibile. Baka ipadala ko diyan si Leslie."

"Huwag na Ate, kaya ko na at gusto ni Daddy na matuto ako. Eto na 'yun. Gusto ko din naman siyang sundin. Unang araw lang pero dama ko na ang pakiramdam ng matututo ako."

"Sigurado ka ah. Hindi ka pa naman kumikilos para sa sarili mo. Kayanin mong mabuhay mag-isa diyan."

"Hindi lang ako ang ganito, Ate."

"Oo tama ka naman diyan pero hindi ka laki sa hirap. Kailangan mo lang sigurong maranasan ang maging ordinaryong empleyado pero hindi mo dapat maranasan ang maghirap dahil hindi ka sanay. Sila sanay na sila kaya walang problema. Hindi mo na kailangan pang maranasan ang lahat. Ang mahalaga, gumagawa ka ng tama."

"Hindi Ate, iba ang experience. Totoo kasi ang mga kasama ko. Ako hindi."

"Hindi kita maintindihan." Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. May pakiramdam na masaya dahil walang pressure. Walang bibilhin, walang papakainin, walang utang, hindi natatakot magutom at marami pang iba na nakakapressure sa iba. At lalong hindi ako takot sa mga boss. Ginagawa ko lang ang dapat.

"Masaya naman Ate. It's just 2 months. Pag umuwi ako diyan, saka na lang uli ako kakain ng fresh."

"Basta kung ano man 'yan, gumawa ka ng tama. Alam mo naman ang maganda sa paningin ng Diyos. Ang totoong reward ay galing sa Kaniya at hindi galing sa tinulungan mo. Mag-kusa kang tumulong lalo sa matatanda para anihin mo 'yan. Lahat tayo tumatanda. Walang kapalit ang lahat ng tulong na ibibigay mo. Lugar ng maraming tao kung nasaan ka. Maging mapagmatyag sa paligid. Hindi 'yung parang wala kang ibang nakikita. Huwag kang mahiyang gumawa ng tama. Hindi ka man mabigyan ng reward, okay lang 'yun dahil ang pagtulong ay mababaliwala lang kung umaasa ka ng kapalit. Diyos na ang magbibigay sa'yo ng reward. Gumawa ka kasi ng maganda sa paningin Niya." Hanggang sa natapos kaming mag-usap.

Hindi na naubusan ng paalala si Ate Paulina sa'kin. Teka, hindi ko pa nga pala nakakausap si Daddy. Sabagay, busy naman siya. Masaya din pala 'yung may trabaho. Noon, naiintindihan ko sila kasi alam kong kailangan nila ng pera. Pero ngayon, hindi na pera ang laban. 'Kung anong klaseng tao ba ako talaga.' 'Yun ang maipapakita ko sa mga tao. Ordinaryong tao at hindi taong kaya walang trabaho ay may pera. Kung tutuusin pala, daig pa ako ni Waine. I wanna post what happened but I can't. I badly can't. Mas masarap pala talagang maging totoo kaysa magpanggap lang. Hindi ako makakilos ng maayos. Mabuti na lang may mga gamot ako dito na pangpatanggal ng sakit ng katawan. Alam na siguro ni Daddy ang mangyayari.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now