"Hello?" sagot ko

"Tol... Girlfriend mo biglang tumabok palabas ng bahay kanina pa namin hinahanap halos nalibot na namin ang bawat street ng lugar na ito pero wala pa rin siya" sambit ni Kean

"Ano?!" sigaw ko sa sobrang gulat biglang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko

"Malapit ng bumuhos ang malakas na ulan... Baka may mangyaring masama kay Althea..." sambit niya

"Sige... Sige hahanapin ko na siya..." sambit ko

Agad akong tumakbo palabas ng hospital para hanapin si Althea... Ano bang pumasok sa kanyang isipan bakit umalis siya?

Nandito na ako sa may tabing dagat baka nandito siya...

"Althea!" sigaw ko habang hinihingal

Nagpatuloy akong maglakad sa may buhanginan.

"Althea! Nasaan ka na?" sigaw ko

Malapit ng umulan, bukas na ang Coronation Day... Bakit nangyayari ang mga ito?

"Althea!" sigaw ko

"Sumagot ka please! Althea!" sigaw ko

Nang biglang unti-unting pumatak ang ulan...

"Althea! Nasaan ka!" sigaw ko

Pero wala pa rin hindi ko pa rin siya makita tumakbo na ako para hanapin siya sa ibang lugar na alam ko...

~Althea Francheska Blaire~

"Kasalanan ko ito" paulit-ulit kong sinasabi habang naglalakad na ako papunta sa malapit na train station...

Tumutulo na ang luha ko pansin kong nagtitinginan na sakin ang mga tao.

Naupo na muna ako sa waiting area mamayang 6 pm pa ang sunod na dating ng Tren...

2 pm palang, nakatingin ako sa itaas napansin kong umuulan na...

"Hindi lang pala ako ang naiyak ngayon... Pati rin pala ang panahon..." sambit ko sabay ngiti

Nang binuksan ko cellphone ko...

Beatrice

Althea... Nasaan ka na ba?
11:34 a.m

Althea! Nasaan ka na please sagutin mo ito...
11:35 a.m

Please...nagaalala na kami sayo...
11:37 a.m

Kanina ka pa namin hinahanap...
11:50 a.m

Please...
11:59 a.m

___________________________________

Kean

Althea! Sagutin mo tawag ko!
11:35 a.m

Please! Parang awa mo na sagutin mo tawag ko!
12:00 a.m

Althea?
12:01 a.m

Pinatay ko na ulit cellphone ko...

"Nandito ka lang pala..."

Napalingon ako nang makita ko si Chester na hingal na hingal...

"Che~"

Agad niya akong niyakap nang mahigpit...

"Baliw ka! Nagalala ako sayo ng sobra!" sambit niya

"Bakit ka umalis ng ganoon lang! Alam mo bang delikado kung aalis ka magisa!" sambit niya habang naiyak...

Finding The Missing FlowerWhere stories live. Discover now