Nilingon ko siya at ang sama-sama na naman ng tingin niya sa akin. Ano na naman?

"Wait lang ah, Red. May sasabihin pa si Luhan eh." Sambit ko at tumingin kay Luhan. "Ano nga uli 'yon?"  Tanong ko. Ngumiti naman siya at umiling-iling.

"Ah, next time na lang siguro." ginulo niya pa ang buhok ko na parang aso. Dzuh. "Sige.  Sama ka na. Bye, Erin." dagdag pa niya at kinindatan pa ako. Napanguso naman ako.

Tumayo agad siya at tinapik sa balikat si Red na ngayon ay ang talim ng titig sa akin. Problema na naman?

Pinanood kong maglakad paalis si Luhan.

"Diyan ka na lang? Hindi ka na uuwi?!" Inis na tanong sa akin ng lalaking si Pula.

Tumayo agad ako at ngumiti na parang aso.

"Hindi 'no. Hehe. Tara na, Grabe ang tagal mo ah."

He rolled his eyes. "Nakipag-usap lang ako kina Tita."

"Ah ganoon? Akala ko nakipaglandian ka na naman." Bulong ko. Sana hindi na ito marinig.

"Tss. Ikaw nga itong nakikipaglandian." Umiling-iling na aniya at nagsimula ng maglakad.

Nanlalaki ang mga mata kong pinanood siyang maglakad palayo sa akin.

Hmm. Anong problema noon? At buwisit! Iniwan na naman ako!

"Argh! Kahit kailan talaga!" Impit na sigaw ko.

Hinabol ko agad siya kahit nakasuot ako ng pumps. At nang makalapit na saka ko siya hinawakan sa braso.

Tamad siyang lumingon sa akin.

"What?" Inis na tanong niya. Tinarayan ko siya.

"Huwag mo akong mawhat-what, Red!"

"Ano nga? Tss."

"Teka kasi! Ang bilis mo maglakad! Punyemas!" Inis na ani ko habang naghahabol ng hininga.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad at napatitig sa akin! Hala siya. Bakit?

"What did you say?" Nagtatakang tanong niya. Ano bang sinabi ko?

"Ang alin?" Umirap naman ito at hinarap na talaga ako.

"Kanina. May sinabi ka. Ulitin mo 'yong sinabi mo kanina!" Nauubusan na yata 'to ng pasensya sa akin.

Alin ba kasi doon? Ano bang sinabi ko kanina?

'Teka kasi. Ang bilis mo maglakad! Punyemas!'

'Yon lang naman ang sinabi ko ah?

"Ah...teka kasi?" Tanong ko.
Umiling naman siya.

"Hindi 'yan. May narinig pa akong iba." Buwisit na 'to pahihirapan pa ako.

"Ang bilis mo maglakad?" Tanong ko ulit. Tumalim naman ang titig niya sa akin.

"Hindi 'yan, Erin." Bumuntong hininga siya.

Ngumuso ako. "Ano ba kasi?"

" 'Yong huling sinabi mo. Stupid!"
Diba na stupid pa ako. Sakalin kita riyan eh.

"Ah, 'yong punyemas ba?" Nagtatakang tanong ko.

Tumingin naman siya sa akin. At agad akong pinaningkitan ng mga mata. Hala siya, Problema?

"Wait. Narinig ko na 'yan kanina." Aniya pa habang may inaalala.

"Alin? 'yong punyemas? Sa akin mo lang 'to naririnig 'no!" Inayos ko ang damit ganoon na rin ang laylayan nito.

"Damn. Yeah. Saan ka pumunta kanina? Huh."

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Naniningkit ang mga mata niya sa akin at tinitingnan pa pati suot ko. Ano bang problema nito?

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now