Big deal pala.


Tumikhim ako pagpasok ko ng classroom. Wala na ang mga classmates ko, lahat nasa canteen na o sa next subject nila kaya malamang na si Rix na lang ang nasa loob niyon. Yari!


Nadatnan ko si Rix na nakaupo mismo sa desk. Bahagya siyang nakatungo, pero kahit ganoon ay ang lakas pa rin ng dating niya. Mukha nga siyang naka-pose lang sa ayos niyang iyon. Dinaig niya pa iyong mga model sa billboard sa Edsa.


Naka-long sleeve shirt siya na kulay light blue na v-neck. Natatanaw ko tuloy ang makinis niyang leeg at ang tambok ng Adam's apple niya. Hubog ang muscles niya sa balbon niyang braso na nakikita dahil sa nakatupi niyang manggas.


Hawak ko ang aking dibdib nang humakbang ako palapit sa kanya. Dalawang dipa pa ang layo ko sa kanya pero nasisinghot ko na kung gaano siya kasarap—este, kabango.


"You're late."


Nang mag-angat siya ng mukha, tumama sa akin ang kulay asul niyang mga mata na nasa likod ng suot niyang glasses. Hindi ito nagtagal dahil umiwas din siya agad ng tingin.


Umiwas din ako ng tingin sa kanya. "Sorry."


Tumayo siya at namulsa sa suot na fitted denim. "Kumain ka ba?"


"Ha?" Tiningala ko siya.


"I-iyong dinala kong pagkain, kinain mo ba?" Lumikot ang mga mata niya.


"Kaunti lang. Hindi naman kasi ako gutom," pagsisinungaling ko. Ang totoo ay naubos ko ang lahat ng dala niyang pagkain. Gutom na gutom kasi ako kagabi.


Bigla siyang sumimangot matapos mapatitig sa akin. "Tsk. Bakit naman pawis na pawis ka?"


"H-ha?" Pinunasan ko ang pawis ko sa noo.


"Here." Inabutan niya ako ng panyo na mukhang mas mahal pa yata sa akin. "Help yourself. Kapag ako ang nagpunas ng pawis mo eh baka mangyakap ka na naman."


Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. "Ang kapal mo! Eh gumanti ka rin naman ng yakap sakin kagabi, ah!"


"I just did that because it seemed like you needed it."


Tinalikuran ko siya matapos hablutin ang panyo na inilahad niya. Ipinunas ko ito sa mukha ko. Ang bango naman nito. Pagkatapos ay iniabot ko ito sa kanya nang hindi siya nililingon. "Oh, heto na panyo mo! Ambaho!"


Hindi ko talaga kayang makita ang mukha ng siraulong ito na pinagtatawanan ako matapos ang nangyari kagabi. Alam kong nakita niya ako na luhaan. Nagkataon lang na nasasaktan ako ng mga oras na iyon kaya nakita niya ang kahinaan ko.


Kinuha niya ang panyo sa akin at ibinalik sa kanyang bulsa. Hindi ko mapigilang hindi siya lingunin. May pakiramdam kasi akong kanina pa siya nakatitig sa akin.

The Wrong One (BOS: New World 2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz