Sabay dinaanan na lamang nila ako... Nakita kong galit na itsura ni Christopher at tila nakatingin na siya sakin...

"Is there something you need to explain to me, Alice? Ano yun huh? Ano yung mga sinasabi nila? Nakikipaglaro ka ba sakin huh?!" sigaw niya napansin kong medyo naluluha na siya

Hindi ako makapagsalita... Bakit ko nga ba nagawa ito? Ngayong ilang taon na lang ikakasal na kami...

"Alice... Minahal kita! Binigay ko lahat sayo! Kahit nauubos na rin ako! Nandiyan ako para sayo palagi kapag kailangan mo! Pero ano ito? Niloloko mo ako? Playing with my feelings? Masaya ba? Ngayong nasaktan mo na ako at napaglaruan... Itatapon mo na ba ako?" natulo na luha niya habang sinasabi niya iyon

"Christopher... Let me expl~"

"Maybe it'll be better if we just broke up and cancel everything! I'm heading back to Shanghai!" sigaw niya sabay dinaanan niya ako...

~Althea Francheska Blaire~
Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan ko si Alice na parang naiyak matapos siyang kausapin ng masinsinan ng boyfriend niya...

"Nagaalala ka ba sa kanya?" biglang tanong ni Nath

"Hindi ba parang sumobra tayo?" sambit ko

"She needs to learn her lesson kung hindi natin ginawa yun hindi yan titigil sa panloloko sa lalakeng yun..." sambit ni Nath

Tama si Nath, kailangan talagang matuto ni Alice...

"Ms. Blaire you're here! Thank god! Kanina pa kita hinahanap"

Napalingon kaming dalawa ni Nath sa Principal.

"Huh? Bakit po?" tanong ko

"Magiistart na ang rehearsal by the have you seen Ms. Shen she's not there yet kasi eh"

"Ah. Ayun po siya" sambit ko at sabay turo kay Alice

"Ah okay thank you... Punta ka na sa Amphitheatre ah"

"Okay po" sambit ko

"Hmm. Ano una na ako ah" sambit ko kay Nath

"Sige... Punta na rin muna ako sa klase ko kita na lang tayong awasan sa labas ng Academy" sambit ni Nath sabay ngiti at niyakap niya ako

Naglakad na ako papuntang amphitheatre nang makarating na ako doon nagulat ako nakita ko sila Jameson na nakaupo at tila ang dami nilang dala...

"Hoy. Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko

"Guys. Bigay niyo na yan" sambit ni Clyde

At may iniabot sakin si Tyler, Kean, Drake at Breidann na paper bag

"Ano ito?" tanong ko habang tinitingnan ko loob ng paper bag

"Mga kakailanganin mo sa Pagaent 3 days na lang at actual na labanan na!" sambit ni Prince

"Hala. Hindi niyo naman kailangan gawin ito!" sambit ko

"Hindi ba sabi namin kami na bahala sayo! Let us do the magic!" sambit nila

"Hayst. Salamat ah! Promise hindi ito masasayang! Gagalingan ko!" sambit ko

"Dapat lang!" sambit ni Kyle at Tyler

"Sige na una na ako" sambit ko

"Teka. Wait!" sambit ni Jameson

"Step 2: Your Wardrobe" sambit niya

"Huh?" sambit ko

"Start putting together your outfits, make sure you understand the dress code correctly for the pageant you entered. When there are themes, be careful to not go over the top, remember you should still look like a classy, sophisticated young lady, not like a clown that went way too far with glitters, feathers etc you get my drift? Always maintain a good balance! Looking professional , fashionable and stylish should always be Rule nr 1 in Pageant Dress code" usal niya

At tumango ako sabay ngiti nang paalis na ulit ako...

"Hoy. Hindi pa ako tapos magsalita!" seryoso niyang sinabi

Myghad! Jusko! Ito na naman siya! Ang strict niya talaga

"Step 3: Your Look" sambit niya

"First Impressions will ALWAYS have a major impact on pageant scores, and this will 99% of the time be based on your look, posture and confidence. Research the previous pageant winners, look at Miss South Africa, Miss World and Miss Universe Winners to see how they do their hair, what make-up trends works best etc! Focus on transforming your look to Look like the winner!" sambit niya

"Step 4 - Practice, practice & more Practice" sambit niya

"No one is born the perfect model, no one is born with excellent public speaking skills, it's something you have to learn. I strongly believe that you can achieve anything in life, if you have the determination to read up about it, try new things, educate yourself as much as possible! Preparation is definitely the key to success, just by feeling prepared before a pageant your confidence will be on a different level, you will feel more relaxed and READY FOR ACTION." dagdag niya

"Salamat, tatandaan ko yan" sambit ko

"Dapat lang... Good luck" sambit niya

"Galing talaga nito ni Jameson! Kapag ako sumali sa ganyan ikaw kukunin kong trainor!" sambit ni Breidann

"Ano sa Ms. Gay? Ka sasali haha" natatawang sinabi ni Drake

"Ulul! Hindi noh! Sa mga Mr. Korea ganon! I'm straight bro! I'm straight!" sambit ni Breidann

Pumasok na ako sa loob ng Amphitheater nararamdaman ko na ang pagbabago ng atmosphere sa lugar na ito kung saan nakikita kong nagsisikap na rin ang ibang kasali dahil gusto nilang manalo syempre ako din...

Kaya ko ito... Mananalo ako para kila Jameson na malaki ang naitulong sakin I'll bring home the title and the crown...

Naglakad na ako papunta sa fitting room at nagpalit na ako ng masusuot...

Tapos ay pumunta na ako sa may stage kung saan ang ibang contestants ay nakapwesto na umakyat na ako at pumwesto na sa aking pwesto...

Bakit wala pa si Alice? Napansin kong wala pa siya sa paligid...

Nang bigla ba naman akong tarayan ng katabi ko bwisit.

"Hoy! Anong tinitingin-tingin mo diyan?"

"Wala ka na doon!" sambit ko

11 Roses From The Elite BoysWhere stories live. Discover now