Suklay

15 0 0
                                    

Ritwal na sa aming mga babae na tuwing dadating sa office, hinahanap agad ang makakatulong sa "mahangin ba sa labas?" moment namin. Kaya lang isang umaga nganga, walang makitang suklay, naiwan ko yata sa bahay or worst talagang nawala. Kahit haggard at medyo malungkot, tiniis ko lang, hindi ako nanghiram sa iba kasi alam kong parte 'yun ng personal hygiene. Hinintay ko na lang ang lunch break at pagkatapos kumain, dali-dali akong pumunta sa isang store para bumili ng kapalit. Mga ilang minuto din akong namili mula sa iba't ibang klase at kulay ng mga suklay doon.

"Sa wakas matatanggal na ang bad hair day ko!" sa loob loob ko habang hawak ang bagong suklay.

'Yun ang akala ko pero pagdating sa cashier wala daw price tag o kahit barcode ang napili ko, kung gusto ko daw palitan na lang ng iba. Kaya lang ayoko na ulit mamili, nakakapagod, at higit sa lahat matatapos na ang break time namin. Ang ending, bumalik ako sa office ng magulo pa rin ang buhok.

Parang may mali. 'Diba sabi nila: "Everything will be okay in the end, if it's not okay, it's not yet the end." Tama naman dahil nang ibinalik ko sa bag ang ID ko biglang nakita ko na ang pinakamamahal kong suklay. Hay salamat naman! May dahilan pala kung bakit hindi ako nakabili ng bagong suklay.

May mga mahahalagang bagay talaga sa buhay natin na biglang nawawala. Kadalasan dahil hindi natin pinahalagahan. Kasi akala natin nandyan lang tuwing kakailanganin. Swerte yung mga taong nahahanap pa rin ang mga nawala sa kanila, kasi minsan hindi pala nawala, kunwari lang nawala para marealize natin ang worth nila. May dahilan ang lahat kaya kahit makakita pa tayo ng mas bago at mas stylish na suklay, at the end of the day, yung suklay na matagal na sa atin  at mas comfortable tayong gamitin ang makakapagpasaya sa atin.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Aug 02, 2014 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

SuklayOnde histórias criam vida. Descubra agora