Days with Her 1.1

1 0 0
                                    

Jake's pov

"Jake, saan na ba yung target natin?"

"Teka lang diba? Hindi ka makapaghintay eh" sabay kamot niya sa ulo niya. Ito talagang mokong na to' masyadong excited pagdating sa mga ganitong bagay e -_-

Nandito kami ngayon sa isang napaka weird na lugar, ang amusement park, dahil pumunta dito yung target namin. Yung target na tinutukoy ko ay yung nang*go saakin kaninang umaga

=flashback

Shet naman! hindi ba sila makaintindi ng AYAW KONG PUMASOK? Tang*na talaga! nakakainis!

Ito lang naman ako naglalakad papunta sa isang walang kwentang lugar, ang school. Napatigil lang ako sa paglalakad ng maramdaman kong may bumato sa ulo ko

"Hey weak boy!" yan na naman sila

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad

Pero napatigil ulit ako kasi binato na naman ako, masakit na yun ha!

"Weak boy" at dahil ayokong sumakit ang ulo ko, humarap na ako sa kanila

"Yan! mabuti naman at humarap ka na saamin *evil grin*" tama! humarap sa mukhang unggoy niyong mukha -_- pssh~

"Ano bang kailangan niyo saakin?" tanong ko na may pagkairita

"Wow! bad mood ngayon si weak boy ha!" kung maka 'weak boy' naman sila parang kilala na nila ako ng lubusan

"Tss~" yun na lang ang nasabi ko

"Siya nga pala, ito lang naman ang kailangan namin" lumapit sila saakin at sinuntok ng leader-na-mukhang-gorilya ng grupong to' ang mukha ko tapos sumali na rin yung tatlo pa niyang kasama

"Weak boy ka talaga, hahahaha!!" sabi niya pagkatapos nila akong pagsusuntukin

"Akin na nga yang wallet mo" kinuha niya yung wallet ko na nahulog mula sa bulsa ko

"Bukas na lang ulit WEAK......BOY!! Hahahaha!!" tapos naglakad na sila paalis

=end of flashback

Pagkatapos ng pangyayaring yun, pumunta agad ako sa 'secret base' namin ng tropa ko at kinuwento ko yung nangyari saakin kasi nakita nila yung mga pasa sa katawan ko

"Jake sila ba yun?" agad kong tinignan yung tinuturo ng tropa kong si mokong

"Adik ka ba talaga o kung anong klaseng droga lang ang nasinghot mo? Grupo kaya yan ng matatandang pwede ng ilibing bukas" anong klaseng utak ba meron tong mokong na to?

"Grabe ka naman, yun yung tinuturo ko oh! yung nasa likod nila" agad ko ulit na tiningnan yun

"Ahh oo sila nga yun" speechless -_-

"Sige ganito yung plano natin..." at pinag-usapan na namin kung paano namin sila aatakihin

"Ready na kayo?" tanong ko

"Ready!"

"The game will start.... now *evil grin*"

****

>>>>>>>> pic po yan ni Jake with his tropa :)

Special Days with My AngelWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu