Chapter 33 ♥

Começar do início
                                    

saglit lang iyon. matapos noon, napangiti nalang yung babae. hindi ko na napigilan ang pag bagsak ng luha ko kaya minabuti ko nalang na pumunta sa CR para doon ituloy ang pag iyak.

ilang sandali din akong nanatili sa banyo. sobrang nasaktan ako sa mga nakita ko. ilang sandali pa'y tumawag na si thomas sa akin, para sabihin na nakarating na sya.

agad kong inayos ang sarili ko, at kinumbinsi ang utak ko na walang nakitang masakit na pangyayari. matapos ko mag ayos, huminga ako ng malalim sabay tuyang lumabas para harapin si thom.

isang gwapong lalaking may magandang ngiti ang bumungad sa akin. halatang excited sya na makita ako. nagawa din nyang yakapin ako bago ako makaupo sa upuan. this time mas nakaramdam ako ng sakit. nagbalik kasi sa akin ang mga nakita ko,ilang sandali palang ang nakakalipas.

" are you okay? bakit namumugto yung mga mata mo? umiyak ka ba? masama ba ang pakiramdam mo? " sunod sunod na tanong nya na may halong pag aalala.

" ikaw ang rason kung bakit ako ganito. hay kung alam mo lang thom!" protesta ng utak ko sa sarili ko. napansin ko'ng mas nag alala ang mukha nya sa di ko agad pag sagot kaya minabuti ko ng mag salita.

" okay lang ako. medyo sumakit lang ang ulo ko kanina sa taxi pero ayos na din ngayon!" at dahil sa sinabi.ko, muli na naman syang napangiti. hay! ayan na naman ang ngiting nag papaibig sa akin. ang rason kung bakit ako naging masaya nung mga nakaraan. " pero maging ganun padin kaya sa mga susunod na araw?" muling sabi ng utak ko sa sarili ko.

" namiss kita ara!" sabay hawak nya sa kamay ko. nandoon ang sincerity sa tono ng boses nya pero, hindi ko magawang maniwala. paulit ulit kasing nagbabalik sa isip ko ang mga nakita ko.

" thomas, gaano mo ako kamahal?!" pabigla kong tanong sa kanya h

abang inalis ko ang kamay ko na hawak nya.

" ara alam mo naman yun diba? katulad ng sabi ko dati, hindi ko alam.kung gaano kita kamahal. walang perfect words para madescribe ko iyon sayo. basta ko nalang nararamdaman na mahal kita!"

matapos nyang sabihin ang mga salitang yon, hindi na napigilan ng mga luha ko ang pagbagsak, bahagya akong umiwas ng tingin at pinunasan ang luha sa aking pisngi.

"hey whats wrong ara? bakit ka umiiyak? may nasabi ba akong mali?" nag alala sya lalo sa kinilos ko. aaminin ko wala syang masamang nasabi. ang mga katagang yon ang matagal ko ng inaasam asam na marinig sa kanya. pero dahil sa nakita ko kanina, muli, sasabibin kong hindi ko magawang maniwala. BIGLA AKONG NAKARAMDAM NG TAKOT!, NA NAKAPAGPAISIP SA AKIN NA MAGDESISYON AGAD AGAD.

" Thom, alam mo, matagal ko ng inaantay yan na sabihin mo, dati iniimagine ko lang yan,pero ngayon, naririnig ko na sayo kahit hindi ko hilingin na sabihin mo. " sabi ko habang naiiyak padin. si thom.naman, nanatiling, nakatingin sa akin. alam.ko na may halong pangamba ang mga titig na iyon.

"kaso parang hindi ko pa ata kayang magmahal sa ngayon. at sa tingin ko, hindi ako ang nararapat na babae para sayo. sorry,kung di ko agad nasabi iyon sayo.sana maintindihan mo ako thom. ".

matapos kong sabihin ang mga salitang iyon, mas lalo akong nasaktan. pakiramdam ko nawalan ako ng importanteng bagay sa buhay ko. ang sakit sakit dahil, nagawa kong lokohin ang sarili ko. pero ganun pa man, pakiramdam ko, eto ang tama sa ngayon.

hindi na nakakibo si thomas. nanamlay sya saka napasandal sa upuan. hindi sya agad nakapag salita at halata ko na naiiyak sya. nakatitig lang sya sa akin. ganun din ako sa kanya. gustuhin ko mang bawiin, pero wala akong lakas na mag salita.

" sabi nga nila, kapag mahal mo, hahayaan mo sya sa mga bagay na gusto nya. kahit iyon pa ang maging dahilan para masaktan ka. " sabay hawak sa aking kamay. gusto kong magpakatatag sa harapan nya kaya't pinigilan ko ang aking mga luha.

Ten Months with the Teng family     JeMik fan ficOnde histórias criam vida. Descubra agora