III. Section Zeus

Start from the beginning
                                    

“Kung gusto niyo dun sa Laboratory pwede, but change the time and date. Pahamak ang isang member nila.” Dagdag pa nito.

“Dude, hanggang ngayon apektado ka pa rin kay Sel? Diba hinalikan mo siya, dapat mas lalo ka pang magpakita sa kanya at ipakita mo na wala lang ang nangyari.” Hinakbayan pa ni Zeus si Xile.

Hay nako Xile wag ka maniwala dyan, binobola ka lang niya kasi may balak sila kay Selestine ehehe.

“oo nga naman, balita ko ikaw ang first kiss niya, kaya malamang hiyang hiya pa yung harapin ka.” Isa pa tong si Cloud.

“Poor sel--- este oo tama sila ehehe.” Sabi pa ni Evans.

“hmmm… sabagay, para di nila matapos ang experiment nila dahil sa kanya at siya masisisi ehehe.” Sangayon naman nitong si Zocxile.

Group 2:

“Flynn, kailan niyo gustong simulan ang experiment natin? May formula na rin naman tayo eh.” Tanong ng group leader na si Cleniah.

“Kung kailan niyo gusto wala naman na rin naman akong gagawin yun na lang.” sagot naman ni Flynn.

“sabay na lang tayo sa group 3 sa laboratory para Masaya.” Suggest naman nitong si Summer.

“aba magandang idea yan, makakasama natin sila.” Mabilis na sagot naman nitong si Cleniah.

“diba gabi sila?” tanong naman ni Flynn.

“oo… weird nga eh, di bale kakausapin ko si Sam siya yung group leader eh para naman magkakasama na lang lahat tayo sa lab.” Cleniah.

Napatingin naman si Summer sa tahimik na si Autumn kaya kinausap niya ito.

“Autumn, ayos lang ba sa inyo na gabihin ka?” seryosong tingin nito kay Autumn at tila nagulat pa itong si Autumn.

“ahhhh… m-magpapaalam na lang ako kina mama. K-kailan ba tayo magstart?” utal na sagot naman nito na halatang gulat dahil first time may pumansin sa kanya.

“sabihan mo na lang kami pag pinayagan ka para naman maayos natin ang schedule ng experiment natin huh?” nakangiting sabi pa ni Summer.

Tumango lang ito at iniwan ng mga kasama.

Group 3:

“Oh… next week start na tayo sa experiment natin huh.” Sabi ni group leader Samantha sa mga ka group niya.

“Sure ba kayo na gabi natin gagawin yun? Pwede namang umaga eh.” Si Staycee yan na nakapout pang nagtanong. Alam niyo naman na matatakutin siya diba?.

“bakit ba kasi tayo gabi gagawa nun eh tayo tayo na nga lang tao sa Laboratory nun eh.” Si Maryjane yan na nagkakamot pa ng ulo.

We Got Haunted (On-Going Story)Where stories live. Discover now